Chapter Thirteen

83 4 1
                                    

Two weeks.
Yun ang bilang niya sa mga araw na hinihintay niya na dumating si Melody. Dalawang linggo na ang nakaraan matapos ang surgery at hindi parin ito nagpapakita sa kanya.

Sa dalawang linggo na iyon, si Mang Jimmy ang nagbabantay sa kanya. Hindi na nag hire ng ibang nurse ang mama niya at hinahayaan na lang niya na kung sino sinong nurse ang dumarating para asikasuhin siya.
Dati si Melody ang naglilinis ng sugat niya. Si Melody ang nagaasikaso ng kakainin niya. Si Melody ang nagbibigay ng gamot niya. Si Melody lahat ang gumagawa. Nasaan na ba kasi si Melody?

Matapos ng operation at pagkagising niya, ang inabutan niyang nasa loob ng kwarto na nagbabantay sa kanya ay si Angel. Tinanong niya agad si Melody rito. Pero umiling lang siya at naka tingin sa sahig. Susubukan niya sanang tawagan ito pero hindi niya alam saan niya naiwan ang cellphone.

Nagpupumilit siyang pumunta sa nursery para tanungin si Louisse, nagpapahatid kay Angel pero hindi siya pinapayagan nito dahil sa ipinagbawal ng doktor na lumabas siya. Maka ilang ulit na rin siyang nagpapahatid sa mga nurses pero hindi siya pinapayagan.

Ngayon ay naka upo lang siya sa wheel chair na naka harap sa tv. Di naman siya naka tingin doon dahil wala naman doon ang focus niya. Isip siya ng isip kung may nagawa ba siya na hindi nagustuhan ni Melody.
Nasaktan ko ba siya? May nasabi ba akong hindi niya nagustuhan? May nagawa ba ako para umalis siya?

Hindi eh. Maayos pa kaming nagusap, we had the best sex and I saw that we felt the same way for each other!

Pero bakit ganun?
Bakit wala pa siya?
Bakit di niya na ako binalikan?

"Boy, tingnan mo oh, may naglalaro ng basketball sa court sa baba. Mukhang naglalaban pa."

Si Mang Jimmy. Natigil siya sa pagiisip at pagkatulala nang bigla itong nagsalita.

"Ah, opo. Lagi may naglalaro kapag umaga."
"Talaga? Kailan pa ba yan?"
"Matagal na po, inabutan ko nang may isang naglalaro noong mag iisang buwan na ako dito. Halos araw araw yan. One time, isang linggo walang nag laro pero after nun tuloy tuloy na."

"Talaga? Buti madami na sila ngayon."

"Opo. Dumami na silang naglalaro."
"Mga empleyado rin ng hospital yang mga yan eh."

Ngumiti na lang ng maliit si Kristian at natahimik muli. Panandalian lang siyang nalilibang at maaalala nanaman niya si Melody.
Where are you, Melody? I miss you so damn, much!

Tuloy tuloy na pumasok ang mama ni Kristian sa kwarto ng padabog.

"Ano ba, Kristian. Bakit hindi ka halos kumain? Ano bang balak mong gawin sa sarili mo?!" Angil sa kanya nito.

He wheeled himself towards the window kung saan galing si mang Jimmy na siya namang binigyan ng privacy ang mag ina.
Katulad ng dati, hindi nanaman niya ito iniimik. Lagi lang naman siyang pinapaglitan. Pagod siya palagi kaya naman di niya na ito halos pansinin, siguro dahil sa konti lang ang kinakain niya kaya wala siyang energy.

At sinabi kasi ni Melody na huwag na itong awayin.

"Pull yourself together! Paano kang gagaling niyan? Magsisimula na ang therapy mo, paano kang maglalakad kung wala kang lakas? Umayos ka nga, Kristian!"

Napabuntong hininga lang siya. Di niya rin naman alam kung anong isasagot niya.

Tulad ng dati, nagwo-walk out na lang ang mama niya kapag di parin siya sumagot. Nililibang na lang niya ang sarili sa panonood ng basketball.

-o-

Kinabukasan, pag gising niya, may food tray na nakapatong sa lamesa niya. Nagulat siya nang makita niya ang nasa loob ng cling wrap.

200 Pounds Of TLCWhere stories live. Discover now