Masaya ang naging pagkikita ng mga magkakaibigan kanina. Hindi nga lang sila nakapag kwentuhan ng matagal dahil halos kadarating lang ng mga ito galing sa iba't ibang lugar kung saan sila nagtatrabaho, pero tumulong naman sila sa medical mission na naganap kanina.
Napag disisyunang mag a-outing sila at pupunta sa resort na pagmamayari ng lolo ng kaibigan niya. Doon nila gagawin ang kwentuhang long over due na.
Sina Caramel Abanaba, Hasna Angeles, Katarina Rae Tongol, Louisse Anne Francisco at Melody Sebastian. Sila ang the Big Five. Obviously, big dahil malalaki sila- matataba. Sila ang laging nabubully noong mga panahon nila. Pero nang lumabas ang mga ito sa lungga, sila na ang pinupuri ng mga tao.Hindi sila kilala sa totoong pangalan nila. May mga kanya kanya silang palayaw at mas kilala sila bilang sina Banana, Hasang, Taring, Luan at Batya. Go figure. Galing lang naman sa mga pangan nila ang mga palayaw nila.
They don't really like how people call them, well except for Luan dahil maayos naman ang mga pangalan niya. Pero iyon ang binigay na palayaw sa kanila ng mga tao and they don't know how to say no to them anymore. Si Banana lang ang tinatawag nila sa palayaw na ibinigay sa kanya. Masyado na kasi itong seryoso sa buhay kaya naman mas gusto na nilang tinatawag ito ng Banana.
Silang lahat ay mga nursing graduates, at doon rin sila nagka kila-kilala, maliban sa kanila ni Louisse na may mahaba nang napagsamahan kung ikukumpara sa iba.
Pwera pa sa katabaan nila kung saan lagi silang nakakantyawan, may iba pang bagay na naging dahilan kung papaano sila nagkakila-kilala.
Basketball.
First year college sila noon at walang gustong sumali sa basketball team maliban kay Melody. Hindi naman ito magpapa pigil na bumuo ng basketball team. Sa tiyaga niya ay nakapag recruit siya ng mga players at kasama nga ang big five sa iyon.
Maraming taon na rin ang nakalipas nang nagkahiwa-hiwalay sila. Pero bukas, bibyahe na silang magkakaibigan papuntang Bolinao for their Reunion.
Nagiimpake na siya ngayon ng gamit nang lumabas si Mike sa wash room at katatapos lang maligo.
"Mike, are you sure you're not coming with us? It will be fun!""Sorry, honey. We're not through with the medical mission. We still have to go to the remote areas so I can't come. Just be careful. You have the kids with you tomorrow and I'm pretty sure you'll go crazy running around."
"Not really, the others can take care of Kakai while I take care of Kleff. Banana adores her so I'm guessing she'll be her nanny for the day."
"Seriously though. Doesn't she want to get her knee checked?" Makailang ulit na silang sumusubok na kausapin si Banana tungkol sa problema niya sa tuhod, lalo na at orthopedic doctor si Mike. Lagi lang silang tinatanggihan nito.
"Nope, she's really stubborn. I'll try to talk to the girls so we can all persuade her."
Tumango na lang ang doctor at nagpupunas ng buhok. Amoy na amoy pa ang after shave nito.
Sabay silang lumingon sa corridor nang marinig ang iyak ni Kleff sa kabilang kwarto.
"Continue packing, I'll get Kleff." Hinalikan siya nito sa noo at tumungo sa kwarto ng mga bata.
"Tao po?!" may kumakatok sa pintuan kaya naman agad niya iyong binuksan. Si Katarina pala iyon.
"Oh, Kat? Ba't napadaan ka ulit?" pinapasok niya ito at isinara ang pinto.
"Sabi kasi ni lolo may mga kasabay daw tayo sa resort bukas. Nauna silang nagpareserve kaya nauna na silang naka-oo. Konti lang naman, pero sayang lang akala ko masosolo natin yung lugar."
"Okay lang 'yon! Hindi naman magiging crowded bukas dahil malaki naman ang resort niyo."
"Si Mike pala, sasama?" usisa ni Kat.
"Hindi raw, di pa tapos sa medical mission."
"Sayang naman, di bale, okay lang iyon dahil girl's outing naman natin ito."
"Kayo bahala kay Kakai bukas ha, ako kay Kleff, tulungan niyo ako mag alaga!"
Ngumuso ang kaibigan at nag make faces pa.
"Eh ano pa nga ba? Ikaw kasi, agad dalawa anak mo!"
"Inaanak niyo naman si Kakai kaya kayo muna, bonding bonding kayo!"
"Oo na, namiss ko rin naman si Kakai. May balita na ba sa ama niya?"
Napatingin na lang si Melody sa sahig at umiling.
"Wala parin. Hayaan mo na! Mas mabuti nga na wala na yun."
"Eh ikaw naman ang nahihirapan! Dapat kasi kausapin mo rin mga kamag anak nila!"
"Walang gustong tumulong, okay? Sinubukan ko na."
"Masyado ka kasing mabait, Melody!"
YOU ARE READING
200 Pounds Of TLC
HumorIt's been three weeks since the accident at bawat araw, nagiging grumpy at irritated si Kristian. If there's someone who is good in pushing other people away, that would be him. Kahit ang lolo at mama niya ay di na kayang pakisamahan ang dating masi...