Fifteen minutes before six o'clock ay nakapag punch na siya ng kanyang timecard. Sinasadya niya ito dahil sa lahat ng ayaw niya ay ang nalelate. Ayaw niya ang kinasanayan ng iba na Filipino time lalo na at nasa ibang bansa siya.
"Good morning Rache!"
"Good morning Doctor Mike!"
"Ooh, looking good with the new haircut Aela!"Bawat kakilala ay binabati niya, maging mga pasyenteng dumaan sa kanya ay kinakamusta at binabati sa tuwing nakikita niya ang mga ito. Iyan ang isa pang bagay na nagugustuhan ng mga tao sa kanya. Lagi itong masiyahin at palakaibigan. Tinatanguan naman siya at kinakawayan ng mga ito pabalik.
"Hi Gloreana!"
Tinaasan siya nito ng kilay at inisnab.
... Well, puwera na lang kay Gloreana. Kahit anong bait niya rito ay lagi siyang pinaiikutan ng mata ng latina nurse. Feeling nga niya sa kakaikot nito ng mata sa kanya ay maisuksok na nito ang pupil sa likod ng mata.
Huwag naman sana, hihi!
Kumatok ito sa kwarto ng bagong pasyente at dahan dahang binuksan ang pinto. She immediately felt the heavy air from the inside. It felt so dark and... Sad?
Pagsilip ay nakita niya ang isang lalaking naka upo sa wheelchair, nakadungaw sa bintana at hawi ang blinds nito.
Pumasok siya at umubo para makuha ang pansin nito. Hindi parin ito lumilingon kaya naman she grabbed the opportunity para tingnan ito.
Naka tagilid ito sa kanya kaya naman kalahati lang ang nakikita niya rito. Sa pagkakaupo nito sa wheelchair ay kapansin pansin parin dito ang taas niya, matangos ang ilong, at nakaka akit na labi. Malapad na mga balikat at katamtaman lang ang katawan pero kapansinpansin ang kanyang naka-flex na brasong humahawi sa curtain. His muscles are perfect on his features.
Napakurap kurap siya at ginising ang sarili sa pagkaka titig sa gwapo - este - macho - este...
Huhu...
"Excuse me Sir."
Lumingon na ito sa wakas at tiningnan siya. Ngumiti na siya rito at bumati.Napaka ganda naman ng blue eyes ni Sir! Bagay sa tan skin!
"Hello Sir, good morning! I'm Melody, your mom hired me as your nurse?"
"You're not sure you're the hired nurse?"
Ay wow! Ang deep ng boses, ha? Kaso ang suplado naman.
"Well, I am sure, Sir."
"Then don't say it like you're asking me."
Nawala ng kaunti ang ngiti ni Melody pero agad naman siyang nakabawi.
"I would like to get your baseline data, Sir, so I would do the routine Physical assessment today."
Lumingon nang muli sa bintana ang lalaki.
YOU ARE READING
200 Pounds Of TLC
HumorIt's been three weeks since the accident at bawat araw, nagiging grumpy at irritated si Kristian. If there's someone who is good in pushing other people away, that would be him. Kahit ang lolo at mama niya ay di na kayang pakisamahan ang dating masi...