Napakabigat ng pakiramdam ni Kristian. Di niya magawang itaas ang kamay at nahihirapan siyang ibuka ang mga mata.
What happened? Bakit ang sakit ng buong katawan ko?
Sinubukan niyang gumalaw at ibuka muli ang mga mata.
"Oh my gosh! Papa! He's waking up!" Narinig niya ang kanyang mama.
"Kristian, anak?... Papa! CJ! Call the doctor, hurry!... Kristian, can you open your eyes?"
"Uhg" Masakit na ginalaw ni Kristian ang tagiliran nito pero biglang sumakit ang buong katawan niya. Sa wakas ay nagawa rin niyang ibuka ang mga mata.
"Don't move too much, you might hurt yourself. Just relax, okay? Everything's alright now."
"Mom, the light. Can you turn it off? It's too bright."
Nanghihinang itinaas niya ang kamay para harangan ang mata."Do you remember anything?"
"What? Why? Where am I?"
Nagugulong tanong niya. Call the Doctor?
Tumingin siya sa paligid niya nang maiadjust niya ang paningin sa lugar."You had a car accident while you were going home from the airport. It was a pretty hard crash. Some sleepy container truck driver hit you. The car was badly damaged, thank God you woke up! I was afraid you wouldn't!"
Naiiyak na kwento ng kanyang ina.Wala siyang maalala sa mga nangyari. Ang huling naaalala niya ay sumakay siya ng eroplano pauwi ng America at natulog siya pagkatapos mag take off at heto nga, pag gising niya ay nandito na siya- tinignan niyang muli ang paligid, at ang naka kabit sa kanyang kamay. Naka tusok sa kanya ang needle ng dextrose.
Dumating ang doctor kasama ang lolo niya at ang secretary nitong si CJ. Nagaalalang lumapit ang lolo niya sa kanya at hinawakan ang kamay. Ngumiti ito ng bahagya. "Welcome back, apo."
Chineck siya ng doctor at may kumuha ng vital signs nito. Chineck din nila ang drip na naka kabit sa kanya at inexplain sa kanya lahat ng pangyayari.
Nabundol siya ng isang container truck at malakas ang naging pagkakatama sa driver's seat, kung saan siya ang nagmamaneho ng sasakyan. Inabutan siyang naka sandal at walang malay sa sasakyan, basag na ang mga salamin at nagasgasan ang kanyang mukha. Naipit siya at matinding natamaan ang right leg niya.
Pagkasabi ng doctor dito ay napatingin siya sa kanyang paa. Ngayon lang niya napansin na naka cast ito at naka kabit sa kung ano sa kanyang bed. Kaya pala di niya magalaw ang paa ay dahil rito. Sinubukan niya ulit galawin ang paa pero napangiwi siya sa sakit.
Pinigilan siya ng doktor at nag explain muli rito. "Don't try moving your foot. It's badly injured and we had to put you in a bed traction. We'll be putting you in schedule for an operation. We had to ensure you woke up and be stable first before we start your leg operation so we didn't have a go from your neurologist yet. We'll have to schedule it immediately since you're all clear now. It's been a week since you got injured and we can't wait any longer."
"I'm sorry, what?"
Naguluhang sabi ni Kristian."You've been unconscious for about eight days now."
Nanlambot si Kristian at napabagsak ang ulo sa unan.
-
After two days ay naisalang na siya sa operation. Halos wala na siyang pakialam sa sarili nang mga panahon na iyon. Malubhang na-crush ang kanyang mga buto at puno ng sugat ang kanyang mukha, malaki at malalim ang cut sa gilid ng malapit sa kilay at naka takip pa ng gauze ito. Naka benda rin ang kaliwang kamay at maga pa ang kaliwang bahagi ng tiyan niya.Paano na siya nito kung bali ang paa niya? May nagalok pa naman sa kanya ng magandang pictorial project sa beachside sa susunod na buwan. Sugatan at di makalakad kaya naman kailangan na niyang i-cancel iyon ngayon.
YOU ARE READING
200 Pounds Of TLC
HumorIt's been three weeks since the accident at bawat araw, nagiging grumpy at irritated si Kristian. If there's someone who is good in pushing other people away, that would be him. Kahit ang lolo at mama niya ay di na kayang pakisamahan ang dating masi...