Chapter Eleven

111 6 2
                                    

"Dude! Is she the one you were talking about?" tanong ni Angel.

Ngumiti si Kristian. "Yup! At first I was really irritated with her, she didn't get tired with all the crap I gave her. And look, she's still here."

"Wow, not your usual kind of girl, man! But she's cute, really cute!"

Hinagis niya ang hawak na face towel dito.  "Hey! Stop fantasizing! She's off limits!"

"Yeah, yeah! Kaya pala hindi ka na araw araw kung mang istorbo saakin!" pagtatagalog ni Angel.

Naipanganak si Angel sa Hawaii pero nanatili sa California. Magmula nang mag migrate sila sa California ay naging kaibigan niya na si Kristian. Siya ang nagturo dito mag tagalog para magkaintindihan sila.

"Hindi ko na kailangan tumawag kasi may pinaglilibangan ako rito."

"She doesn't make any advances though?"

"Nope. I think she likes me too. Pero ayaw niya lang ipahalata. Did you see her reaction kanina? That was priceless! Akala niya babae ka, nagselos siguro siya kaninang umaga nang sinabi kong darating ka kaya nag-walk out. Akala niya talaga babae ka!" natutuwang sabi niya.

"Yeah, sure. Make fun of my name."

-o-

"Oh my gosh, kambal!" paiyak na sabi ni Melody. "Lalake si Angel!"

Tahimik lang na kumakain ng chips na nakatulala si Louisse sa kawalan.

"Lalake siya! Bakit ganoon? Nakaka sakit sa heart!" dinugdog niya ang dibdib at paiyak niyang sinasabi pero walang luhang lumalabas.

Kumuha na siya ng chips at binuksan ito. Tuloy parin ang stress-eating nila ni Louisse.

"Of all the handsome, sexy, hot guys out there, bakit siya pa?!"

Patuloy niya rito.

"BAKIT SIYA BAKLAAA!- ARAY?!" binatukan siya ni Louisse.

"Gaga! Hindi yun bakla!" pinagalitan niya ito.

"Eh bakit ganun, lagi daw siyang binibisita non? Tapos masaya siya na namimiss daw siya nung Angel kaya agad agad na bibisitahin siya!"

"Hindi nga bakla yun, sabi! Ayan kasing nago-over analyze ka diyan eh! Malay mo bestfriend niya yun!"

Napaisip si Melody at dahan dahang napatango. In fairness, pwede yung sinasabi ni Louisse.

"Eh bakit nagyaya kang lu-muhfung ulit?"

"Eh kasi kawawa hitsura mo kanina, para kang natatae na tinubuan ng kulugo sa butas ng pwet. Napahiya ka sa sarili mo kaya heto, to the rescue ako!"

"I love you na talaga kambal!"

"Hay nako ka, Melody. Bumalik ka na dun sa taas. Tama na yang kain. Baka kailangan ka na ni Kristian dun." pagtataboy niya rito.

-o-

Kumatok na si Melody sa pinto at pumasok. Nakaupo parin si Kristian sa higaan habang naka upo naman sa gilid ng kama si Angel. Nakalingon na ang dalawa sa kanya at nahihiya na siyang pumasok.

"Uhm, sorry about a while ago. I was just...  Uh... Surprised."

Napangiti si Kristian at tumayo naman si Angel. Lumapit na si Melody sa tabi ni Angel.

"Uhm, hi! I'm Kristian's nurse. My name is Melody." pagabot ng kamay niya rito.

"Oh, hi Melody, what a nice name! My name is Angel." At saka ito humalik sa likod ng palad niya na ikinagulat niya.

200 Pounds Of TLCWhere stories live. Discover now