Rare's POV
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko.
Teka.. Nasaan ako?
Aray! Napahawak ako sa ulo, bat ang sakit ng ulo ko.Narealize ko na nasa clinic pala ako.
Teka?? Dito nanaman? Anong nangyari? Diba nasa training hall ako pati yung abnormal na Phyro na yun?
Nasaan na siya?
Anong nangyari? Bat nandito ako?"Gising ka na pala." Napatingn ako sa nagsalita.
Si Cresswell.
"Sarap ng tulog natin ah." Bati niya ulit at lumapit siya sa kama na hinihigaan ko at umupo siya sa side ng kama.
Umayos naman ako ng mula sa pagkakahiga ko umupo ako."Anong nangyari??" Tanging naitanong ko
"Sinabi samin ni Phyro na hinimatay ka daw after niyo magtraining na Drain Power ka daw ata." Pageexplain ni Cresswell
"Nasaan na yung abnormal na yun?" Tanong ko.
"Abnormal?" Pagbabalik niya ng tanong sakin
"Oo abnormal yung bwiset na lalaking yun eh." Sagot ko at tumawa naman siya.
"Yung abnormal na yun ay ang nagdala sayo dito sa clinic." Patawang sagot ni Cresswell.
Weh? Di nga? Eh nung ngang nagtraining kami panay ang insulto niya saakin eh.Which reminds me ano bang nangyari nung nagtraining kami?
"Ano bang nangyari sa training namin?" Tanong ko ulit.
"Ewan ko basta hinimatay ka daw yun lang ang sabi saamin ni Phyro eh." Sagot niya.
"Anong oras na ba? Gusto kong bumalik sa dorm." Tanong ko
"May klase pa tayo Rare." Huh? Klase? Sabado ngayon ah.
"Tuesday ngayon, halos apat na araw kang tulog."
ANO??
APAT NA ARAW??Naglalakad kami ni Cresswell papunta sa classroom, pero sinamahan niya muna ako sa cafeteria, gutom na kasi ako.
Grabe apat na araw talaga? Grabe ano bang nangyayari saakin?
"Cresswell salamat nga pala ha?" Napatingin siya saakin at ngumiti
"Cress na lang itawag mo sakin masyadong mahaba pag Cresswell eh. Ok lang magkaibigan naman tayo." At ngumiti ulit siya saakin.
Ako lang ba o talagang ang cute niyang ngumiti?
Nagkwentuhan lang kami ni Cress habang naglalakad papunta sa classroom, akalain mo yun? Makwento din pala tong isang to? Akala ko nung una tahimik lang siya.
Habang tinitingnan ko si Cress na nagkekwento, natutuwa ako kasi para bang ang saya ng mukha niya.
Oo aaminin ko bilang babae, gwapo siya, maputi, cute, lalo na yung ngiti niya, ang ganda ganda ng ngiti niya.Sa sobrang pagoobserve ko kay Cress hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng classroom, si Cress ang nagbukas at una akong pumasok sumunod naman saakin si Cress, yung iba kong mga kaklase napatingin saamin kabilang na dun sila Yesha, Glicia, at Flare
Pero sa hindi kalayuan, may nahagip ang mata ko na isang nilalang dito sa mundong to na para bang automatic na napapainit niya agad ang ulo ko.
Nakatingin siya saamin at nakakunot pa ang noo niya. Oh? Ano namang problema nito ngayon?
Nilagpasan ko lang siya, inirapan ko siya at umupo na lang ako sa upuan koat hindi ko na siya nilingon pa.
Sino? Sino pa ba edi walang iba kundi yung Abnormal na Phyro na yun lang naman.
"Rare kamusta ka?" Pagaalalang tanong ni Yesha nang makaupo ako.
"Ayos naman." Sagot ko
"Nagpanic kami nung sinabi samin ni Phyro yung nangyari. Sa susunod wag mong aabusuhin ang power mo delikado kaya ang ma drain power" Para kong narinig ang Auntie ko kay Yesha.
BINABASA MO ANG
Canther Academy: Unveil The Demon
FantasyHave you ever tried asking youself questions that doesn't have any answers? I don't know why I keep on losing those whom I love so dearly. I don't know why I'm still here but all of them are all gone. For how long will I keep on running and fighting...