9th Magic : Saturday Out

6.3K 224 12
                                    

Rare's POV

Lumipas ang mga araw na busy..... ako!!!

Oo halos ako!!! Bakit? kakatraining kasama yung abnormal na lalaking yon!!

Walang hiyang Phyro yun! Pahirapan ba naman ako ng sunod sunod na araw?? Walang hiya talaga!!!! Ugh napaka abnormal bwiset!!!

Akala ko mabait talaga siya hindi pala! Yung gabing yon siguro may nakain lang siya non kaya bumait pero hindi siya mabait!!!!! Letse!

Nakahiga ako ngayon sa higaan ko.. Pagod ang katawan ko, at ang sakit ng katawan ko Ugh!

Bumukas ang pinto ng banyo at lumabas si Yesha.

"Oh Rare ikaw na." Wika niya

Tumayo ako at pumunta na sa banyo..
Sabado ngayon. Pero aalis kami, ayoko sanang sumama pero pinilit ako ng tatlong babaeng to.

Pagkatapos kong maligo nagbihis na ako.
Isinuot ko lang yung simple kong denim shorts at isang black t-shirt.
Kinuha ko yung headphones ko pero may nalaglag.
Isang kwintas, na may pendant na 'R'
Pinulot ko yung kwintas.

Ah.. Ito yung kwintas na ibinigay niya... Nasaan na kaya siya? Ning hindi ko manlang alam kung anong pangalan niya...
Hindi na siya nagpakita saakin simula noon...

Isinuot ko yung kwintas at pati na rin yung headphones ko at lumabas na ako ng dorm namin.
Pagkapunta ko sa labas ng dorm nandoon na sila Yesha, Flare, Glicia, Eurus, Cress, at isang lalaking hindi ko kilala pero parang nakita ko na siya. Saan nga ba??

Pero teka diba sabi nila Yesha kami lang??? Eh bat nandito tong mga to?

"Akala ko ba babae lang tayo?? Eh bat kasama yan mga yan?" Tanong ko kay Yesha sabay turo ko sa kanila Eurus.

"Grabe ka naman Rare oh. Ayaw mo ba? Sakit naman." Pagdadrama ni Eurus.

"Tsss. Sabi sayo Eurus hindi mo bagay mag ganyan eh. You look stupid." Sabi ko at sabay tawa naman ng lahat.

"Ouch naman!" Sigaw niya. Hahaha.

"Narinig kasi namin kay Flare na mamimili daw kayo ng damit para sa Magic Ball, kaya napagisipan na rin namin na sumama." Sabi naman ni Cress.

Tumango na lang ako.

"Nga pala Rare si Jacob." Pagpapakilala ni Eurus dun sa lalaking parang nakita ko na talaga.

"Hi. Jacob Grove. Sub-Elemental Type. Illusion Magic." Ayun!! Siya yung nakalaban ni Seliah!

"Ikaw yung nakalaban ni Seliah!!" Masiglang sagot ko.

Napakamot naman siya sa batok niya at ngumiti.

"Nice meeting you Ms. Summers." Sabi naman niya. Napaka galang naman neto.

"Just call me Rare." Nginitian ko lang din siya.

"Tara na ba?" Tanong saamin
Ni Glicia

"Teka wala pa si Phyro." Pagpigil naman ni Cress

What???!!??? Sasama yon???? Bakit?????? Huhuhuhuhu

"Oh ayan na pala eh. Tara na!" Turo ni Eurus kay Phyro na naglalakad

Kunot noo akong nakatingin sa kanya.. Oo nakasimangot akong nakatingin sa kanya. At nakita niya ako.

"What?" Tanong niya pero sinimangutan ko lang siya at inirapan ko.

Narinig ko naman siyang nag-tss. Hmp! Nakakainis talaga eh! Buti pa ngang hindi ako sumama!

Maya maya ay may pumarada na isang karwahe sa harap namin. Isang pegasus! Ngayon lang ako nakakita ng pegasus grabe oo alam kong totoo sila sa mundong to pero ngayon lang ako nakakita niyan! Grabbee!!! Isa na talaga akong taong bundok!!

Canther Academy: Unveil The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon