Rare's POV
Unti unti kong minulat ang mga mata ko. Inilibot ko ang mata ko. Nasaan ako? Hindi ito ang dorm.
Dahan dahan akong tumayo.
Grabe para bang sobrang bigat ng katwan ko. Parang medyo ramdam ko parin yung sakit ng mga sugat at saksak ko.At dun biglang bumalik lahat saakin. Lahat lahat. Yung nakaharap ko si Black Sapphire na wala akong kalaban laban. Nung sinabi saakin ni Hayden na pinatay niya si Auntie na hanggang ngayon ay ayoko pa ring maniwala. At yung... Yung...
Si... Sel... Nakita ko siyang namatay... Sa harap ko... Para lang protektahan ako...Unti unting pumatak ang mga luha sa mata ko. Hindi man lang kami nakapagusap. Hindi man lang ako nakahingi ng kapatawaran sa kanya. Hindi siya dapat namantay. Dapat ako! Dapat ako ang tatamaan ng kutsilyong yon!
"Gising ka na pala." Marahas kong pinunasan ang luhang nasa pisngi ko nang may pumasok na lalaki.
Mukhang kaedaran ko naman siya, pero sino ba siya?
Tumingin siya saakin at nginitian ako.
"Eto oh kumain ka na daw muna at gumayak ka na. At sabi ni Ms. Alfeah gusto ka niyang makita pagkatapos mong gumayak" pagiinstruct niya saakin.
Nakatingin pa rin ako sa kanya.
Confused.
Sino siya at bakit niya ako inuutusan?
Kung patayin ko kaya tong isang to?"Hey chill. I'm not a bad guy ok? Don't kill me." Sabi niya na medyo na tatawa.
What? Pano niya nalaman?
"Sorry. I can hear thoughts kasi, thats one of my abilities. Kahit na ayokong marinig naririnig ko." He shrugged.
Kumunot naman ang noo ko.
"Nasaan ba ako?" Tanong ko na lang at nagsimula na akong magtaray.
"You're in our mage. Clavory the sister mage of Canther. You've been sent here five days ago." Sagot niya nang nakangiti pa rin.
Wait.... Ano? Five days?
Five days?! What the hell did I do to make myself sleep that long?!?
"Don't know either." Tiningnan ko siya ng masama. Pero binalikan lang niya ako ng malawak na ngiti.
Hindi ba napapagod kakangiti ang lalaking to?
"Actually hindi. Hobby ko eh. And this is how I get the girls." Sagot niya at tinaas taas pa ang kilay niya.
Aba't napaka hangin din naman netong isng to eh no? Papatayin ko na talaga to.
"Ok. Ok I'm sorry. Haha. Eat now and get ready. Ms. Alfeah is waiting for you." Sabi niya at tumalikod na siya at naglakad papuntang pintuan.
Nang tuluyan na siyang makalabas at tiningnan ko muna ang pagkain saka ako kumain.
Nasa Clavory ako? Wala sa Canther? Pero bakit? Why did they brought me here? What happended?
Agad kong kinapa ang leeg ko at medyo lumuwag ang paghinga ko nang mahawakan ko ang kwintas.
Hindi panaginip ang lahat ng nangyari, totoo ang lahat....
Totoo.....
Totoo ang lahat.....
Totoong wala na si Seliah.....
Ayokong maniwala na wala na si Auntie..... Ayoko.....
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at naramdaman ko ang likido na tumulo mula sa mga mata ko.....
Siya na lang ang meron ako.... Ang pamilyang merong ako.... Mawawala pa.... May galit ba saakin ang mundo para tanggapin ko ang ganitong klaseng sakit? Ano bang ginawa ko at kailangan kong maparusahan ng ganito?
BINABASA MO ANG
Canther Academy: Unveil The Demon
FantasyHave you ever tried asking youself questions that doesn't have any answers? I don't know why I keep on losing those whom I love so dearly. I don't know why I'm still here but all of them are all gone. For how long will I keep on running and fighting...