33rd Magic : The Marking

2.7K 99 1
                                    

Cresswell's POV

"Shit. Shit. Shit." Sa bawat pagtama ng kamao ko sa sinusuntok ko napapamura ako.

Ptngna. Naiinis ako sa sarili ko. Awang awa ako kay Rare kanina. Hindi ko gusto na masaktan siya. Hindi ko gusto.

"Argh! Ptngna!" Pagsigaw ko

"Well. Kalma. Masisira mo na yan" Dinig ko ang boses ni Tair na yumakap sakin mula sa likod

"Leave me alone." Tinabig ko siya nang hindi ko siya hinaharap.

"Whats your problem?" Tanong niya pero hindi ko na siya sinagot ni hindi ko siya hinarap.

Lumabas ako sa kwarto at dumeretso sa throne room kung nasaan si Black Sapphire.

"Cresswell." Hindi pa ako pumapasok sa loob ng kwarto ay alam niya agad na nandito ako.

"Anong kailangan mo?" Sabi niya nung makapasok na ako. Naglilinis siya ng mga natamo niyang sugat

"Ang usapan natin hindi siya masasaktan." Sabi ko. Napatigil siya at sandaling tumingin saakin at pinagpatuloy ulit ang ginagawa niya.

"What do you expect Well? You think doing that magic on her won't cause any pain? Oh come on Well." Sagot niya.

"Pero ang usapan ay usapan." Sabi ko nang nakayuko.

"Sorry kung nasaktan ko ang girlfriend mo--- "

"Hindi ko siya girlfriend" pagputol ko sa kanya

"Oh? Hindi naman pala eh. Bakit napakaOA mo dyan?" Tanong niya.

"Wala ka na dun." Sagot ko at tumalikod na.

"No. I have the rights to know Well. You know that." Pagkasabi niya non ay lumabas na ako hindi ko na siya nilingon.

Tama siya. May karapatan siya. Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Mula bata pa ako.

Pero sana... Sana wala na lang nangyari... Edi sana wala ako dito... Edi sana ang kasama ko ay ang pamilya ko... Edi sana hindi ko tinraydor ang taong mahal ko.

Nandito ako ngayon sa labas ng plasyo ng Clavory. Gabi naman na kaya walang masyadong makakakita.

Sinilip ko ang kwarto ni Rare at nandoon siya. Ang himbing ng tulog niya.

Gustong gusto ko siyang lapitan. Gustong gusto ko siyang hawakan. Gustong gusto ko siyang kausapin. Gusto kong humingi ng tawad.

Maya maya pa ay may pumasok na isang lalaki. Yung lalaking nagligtas sa kanya kanina. Umupo siya sa tabi ng kama ni Rare at kinuha ang bimpo na nasa isang palangana at ipinunasan ito sa mukha ni Rare.

Para bang matagal na niyang kilala si Rare. Sino ba tong lalaking to?

At teka... Kanina, nung tiningnan ko siya sa mata, may nakita akong pamilyar, at para bang nakita ko na dati pa yung mga matang yon.

Sino ba tong lalaking to?

Naalarma ako nang bigla siyang tumingin sa paligid na para bang may hinahanap siya. nagsimula siyang lumapit sa bintana kung nasaan ako kaya agad naman akong umalis dahil baka mahuli pa ako.

Tumakbo ako papasok ng gubat at muli akong tumingin sa binta ni Rare at nandun yung lalaki na nakatingin sa direksyon ko. Tuluyan na akong bumalik sa palasyo dahil alam ko namang walang mangyayari sa pagtayo ko.

Rare's POV

Unti unti kong minulat ang mga mata ko nang masinagan ako nang araw. Inilibot ko ang mga mata ako at dun ko narealize na nasa Clavory pa rin ako.

Canther Academy: Unveil The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon