20th Magic : Our Secret Garden (R&P)

5K 175 28
                                    

Phyro's POV

I saw her in a bench, sa tabi lang naman ng entrance ng dorms.

Anong ginagawa niya dun? Gabi na. Delikado.

Nakatingala siya at tinitingnan ang mga bitwin sa langit, mukha siyang malungkot... At alam ko kung bakit... Pero hindi rin naman niya yun kasalanan.. Kita ko sa kanya na hindi niya gusto ang ginagawa niya.

"Hey." Napatingin siya saakin, pero sandali lang at yumuko siya.

"Anong ginagawa mo dito? Diba dapat nasa loob ka na?" Tanong niya nang nakayuko parin.

"Bakit ikaw? Parehas lang naman tayo ah?" Sagot ko

"Gusto kong mapagisa." Sabi niya

"Delikado ka sa labas. Baka mapahamak ka." Sabi ko

"Ayus lang yun. Mas ok na mapahamak na lang ako. Okaya mawala na lang ako. Kasi hanggat nandito ako, maraming tao ang napapahamak at nasasaktan dahil saakin." Sabi niya. At nakita kong ang pagpatak ng mga luha niya sa mga kamay niyang nakakuyom

"Hey..." Hinawakan ko ang isa niya kamay at itinaas ang ulo niya.

Shit. Ayokong nakikita kang umiiyak Rare.

"Its alright. Wag mong sasabihin yan. Everything is gonna be alright." Sabi ko. Naluluha pa rin siya.

"Trust me." Nginitian ko siya, at pinunasan ko ang mga luhang nasa pisngi niya.

"Come with me. I have something to show you." Hinila ko siya pa punta sa likod ng buildings.

"Saan ba tayo pupunta? Huy Abnormal!" Wika niya habang hinihila ko siya.

"Just wait and see. May atraso pa ako sayo many years ago. Bumabawi lang." Sabi ko at nilingon siya nang nakangiti.

Hindi ko na siya narinig pa na sumagot.

Ayan nandito na kami.

Nasa tapat kami ngayon ng ibang kakaibang pintuan na halos hindi ko mapapansin dahil sa mga halaman na nakapalibot dito.

"Close your eyes." Binitawan ko ang kamay niya at tiningnan ko siya.

"Ayoko nga!" Kunot noo niyang sagot.

Tsk. So stubborn..

"Sige na.. Dali. I won't do anything" sabi ko.

"Fine." Sagot niya at pimikit siya.

"No peeking" sabi ko

"Dont tell me what to do." Pagtataray niya.

Napailing na lang ako at binuksan ko na ako pintuan..

"You can open your eyes now." Sabi ko pagkapasok namin.

Nanlaki bigla ang mga mata niya at napatakip siya ng bibig niya.

Tumingin siya saakin nang may ngiti.

Sa wakas nakita ko na din ang ngiti mo.

Rare's POV

"You can open your eyes now." Dinig kong sabi niya at pagkadinig kong sara ng pintuan.

Pagkamulat ko ng mga mata ko.

Para akong nawalan ng dila, nanlaki ang mga mata ko, napatakip pa ako sa bibig ko.
OH MY GOSH!!! Ang ganda!

Madaming halaman at puno at meron pa akong nakitang gazebo, shemay!!!

Tiningnan ko lang si Phyro, tumingin din naman siya saakin at ngumiti.
Bakit ganon? Ang cute niyang ngumiti...

"Ano to?" Tanong ko sa kanya.

Canther Academy: Unveil The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon