Cresswell's POV
Tinititigan ko lang ang imahe niya na nasa water ball na ipinapaikot ko habang naka sandal ako sa head ng kama ko.
Hindi na siya maalis sa isipan ko.
Ang lakas ng dating niya saakin.Nung sinabi saamin na siya ang poprotektahan namin hindi na ako nagdalawang isip na umoo.
Kahit ano pa ang mangyari poprotektahan ko siya.
Kahit na pa ang kapalit ay ang buhay ko.Bumukas ang pinto at si Phyro ang pumasok, agad ko namang inalis yung water ball na ipinaiikot ko.
Dumeretso lang si Phyro sa kama niya at nahiga siya.
"Saan ka galing pre?" Tanong ni Eurus.
"Hinatid ko si Maldita." Sagot niya.
"Maldita? Sino yun?" Tanong ulit ni Eurus.
"Tsss.. Si Summers." Bored naman na sagot ulit ni Phyro.
Magkasama sila ni Rare?
"Hinatid mo siya?" Pagsabat ko na sa usapan.
"Oo bakit? May problema ba?" Sagot ni Phyro at tumayo mula sa pagkakahiga niya.
"Wala." Tipid kong sagot. Medyo matagal kaming nanahimik pero nabasag din yun nung nagsalita si Phyro
"May gusto ka ba kay Rare?" Walang emosyon niyang tanong
"Woah." Dinig kong sabi ni Eurus.
"Yo! Ma bros! Anong nangyayari dito?" Lumabas naman si Jacob sa banyo, nakakaligo lang.
"Sagutin mo tanong ko Cress." Nakatingin pa rin si Phyro saakin
"Ano naman sayo kung gusto ko siya o hindi?"
Napatayo si Phyro sa kama niya at lumapit ng kaunti saakin."Woah. Woah. Chill lang mga pre." Agad namang pumagitna sila Jacob at Eurus saamin.
Oo magkaibigan kami ni Phyro, pero madalas kaming mag away sa mga bagay bagay, hindi kasi kami ganun magkasundo sa bagay.
Napagsama mo na ba ang tubig at apoy?
"Sagutin mo na lang ako ng maayos Cress." Sabi ni Phyro.
"Oo. Oo gusto ko siya. Ano naman sayo?" Sagot ko.
Oo gusto ko siya.
"Ok eto nanaman tayo." Sabat ni Jacob
"Tss. Siguraduhin mo lang na seryoso ka sa kanya Cress." Sabi ni Phyro.
"Seryoso naman ako ah. Kelan ba hindi?" Sagot ko naman at tumayo si Phyro sa pagkakahiga niya at tumingin saakin nang walang emosyon
"Last last year may pinaiyak kang halos anim na babae. Last year naman natuto kang magtwo time. And this year nakailan ka na? Para ka talang tubig Cress kahit saan madaling dumaloy. Kaya pano mo nasabing seryoso ka?" Nanlilisik yung mga mata ni Phyro sakin.
Wala naman mali sa mga sinasabi niya kilala nga ako dito sa campus as the Water Playboy. Ano bang magagawa ko? Eh yung mga babaeng yon ang nagpupumilit sakin eh.
"Bat ba apektado ka? Ano naman sayo kung masaktan siya o hindi? Bakit masasaktan ka rin ba kapag nasaktan siya?" Pagbabalik ko sa kanya ng tanong.
Matagal ko nang nahahalata si Phyro, simula pa nung palagi na niyang ikinukwento saamin si Rare.
"Mga pre.. Matulog na tayo.. Gabi na oh." Sabi ni Jacob
"Ang akin lang, baka isama mo siya sa mga babaeng pinaiyak at iniwan mo. Ayoko lang mangyari yon. Kundi hindi ako magdadalawang isip na sunugin yang pagmumukha mo." Pananakot niya.
BINABASA MO ANG
Canther Academy: Unveil The Demon
FantasyHave you ever tried asking youself questions that doesn't have any answers? I don't know why I keep on losing those whom I love so dearly. I don't know why I'm still here but all of them are all gone. For how long will I keep on running and fighting...