Phyro's POV
Hindi ko alam kung bakit talaga kami pinapatawag sa principal's office at kung bakit hindi kasama si Maldita.
Nasaan na kaya yun? Hindi ko mapigilang magaalala at isipin siya.
Kahit na muntikan na niya akong mapatay, hindi galit ang naramdaman ko, kundi pagaalala.
Nung nakilala ko siya, hindi ganun ang pagkakakilala ko at base na rin sa ikinukwento sa akin nila Eurus.*tok tok*
"Come in" Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng principal's office
Pagkapasok namin sa loob ay laking gulat naming anim dahil hindi lang si Sir Sky ang nasa loob.
Nandito rin ang Headmistress ng Clavory, Headmaster ng Phatiom, Headmaster ng Origon, Ang assistant Chief ng Sky Magic Council at pati na rin ang Chief na si Duke Albert.
Bakit sila nandito? Ano bang meron?
"Here are they sir, the Elites."
Tumango si Duke Albert na nakaupo sa principal's table
*tok tok*
"Come in" sabi ni Sir Sky
"Sir? Pinapatawag niyo daw po kami?" Lumitaw sa pintuan si Seliah, at kasama niya din si Jacob
"Sir we give you the rest of the Elites. Sila po ang mga pinakamalalakas sa buong Canther Academy, and we trust them" wika ni Dean Delora.
"Umm sir bakit niyo po kami pinatawag." Tanong ni Yesha.
"We have a very special mission for all of you" Saad ng Assistant Chief
"Po?" Sabay sabay na sabi nung mga babae.
"Alam naming we are not allowed to give missions to students, pero with the permission of the Council, bibigyan kayo ng isang napaka importanteng mission" dagdag ng Assistant Chief
"Sa school na ito meron kayong kailangang protektahan. Isang mahalagang tao na hindi pwedeng mailagay sa piligro. Ang taong may hawak ng Entire Magic, isang Mythical Type." Dagdag pa nito.
Teka... Ano?
M-mythical? Totoo yun?
"What? Pero diba matagal nang walang Mythical Type User pano nangyari yon?" Sabi ni Glicia.
"Natrace namin ang isang magic na kakaiba, at natagpuan siya dito sa Canther Academy. At nakita namin mismo kanina sa Magic Duel." Sagot naman ng Headmaster ng Origon
Maya maya may pumasok sa pinto. Si Headmistress Cleveria. So kasama din siya dito?
"Cleveria." Bati ng Headmistress ng Clavory
"Alfeah." Bati rin nito
Teka.. Diba kasama niya si Maldita? Ibig sabihin magisa na lang siya?
"So kayo ang tinatawag na Elites na ipinagmamalaki nila Sky at Delora saamin." Bumaling ang attention niya saamin.
"You all look tough. I'm sure all of you can handle this mission." Dagdag a niya. So pati siya alam niya?
"Ano po ba talaga ang gagawin namin? Sino po ba yung sinasabi niyo poprotektahan namin?" Tanong na ni Yesha. Bakit ba ang babae napakadaldal??
"Madali lang protektahan ang taong poprotektahan niyo. At I'm sure kilalang kilala niyo na siya.." Sagot ni Headmistress Cleveria
"Kilala?" Si Seliah naman ang nagsalita. Ang daldal talaga ng mga babae eh no?
"Yes. Ang Entire Magic User, isang Mythical Type na si....." Sagot ni Headmistress Cleveria, yung totoo? Kailangan bang pabitin?
"Rare Summers." Nanlaki ang mga mata namin.
BINABASA MO ANG
Canther Academy: Unveil The Demon
FantasyHave you ever tried asking youself questions that doesn't have any answers? I don't know why I keep on losing those whom I love so dearly. I don't know why I'm still here but all of them are all gone. For how long will I keep on running and fighting...