Yesha's POV
Hindi ako makapaniwala sa nangyari kahapon.
Kakaiba yung ginawa ni Rare. Oo alam namin. May big screen sa labas ng Enchanted Forest para mapanood namin.Pero kakaiba talaga. Kakaiba si Rare. Kadalasan sa Magic Games ikaw mismo ang hahanap sa Topaz Necklace. Pero ngayon kusang lumabas sa leeg ni Rare yung necklace. Nakakamangha. At yung ginawa niya sa panther. Hindi basta bastang panther ang hinarap nila. Danger level ang panther na yun, pero napaamo niya. Wala pang nakakagawa nun maliba sa namatay na si Queen Emerald. Tapos yung sa higante, sa totoo lang akala ko kung ano nang mangyayari, ang ikinatakot ko pa ay baka biglang maout of control nanaman si Rare pero hindi. Napaamo at tinulungan niya yung higante.
At yung pagtulong niya dun sa hindi niya kilalang student? Ugali ng isang prinsesa yun... Kaya panong... Hindi. Imposible. Lumaki si Rare na kasama ang tita niya.Sino ba talaga si Rare?? Bakit kailangan namin siyang protektahan? At bakit delekado na ang buhay niya?
Nandito naman kami ngayon sa may palasyo at papunta na sa Old Maze ng palasyo..
Doon gagawin ang susunod na trial.
Nakakatakot dito. Ang Maze na to ay ginawa nang third trial dati, last last year to be exact.
Kung sa Enchanted Forest ay mga kakaibang magical creatures, dito ay creepy creatures!!
Grabe nakakakaba!!!"Hey." Tinapik ako ni Flare.
"You look pale." Dagdag pa ni Glicia.
"Oo nga.. Parang mas kabado ka pa kay Rare niyan eh." Sabi ni Flare.
"Hindi naman.. Ninenerbiyos lang ako... Alam ko kung anong meron sa Maze na yun." Sagot ko.
"Just chill... Rare can handle it." Tinapik naman ako Glicia
Napabuntong hininga ako.
Sana nga...Nakarating na din kami sa bleachers..
Kinakabahan pa rin ako...Magsisimula na ang trial ngayon na yung big screen monitor, at nakita namin lahat ng participants 10 na lang sila..
Nasa likod nila ang entrance ng Maze.Sa loob ng Maze, madilim nung ako ang pumasok diyan, na out din ako. Kakaiba ang nagagawa ng Maze na yan. Ewan ko ba parang may Magic na nakapagcocontrol siya ng tao. Basta at iba ibang creepy creatures ang nasa loob niyan.Kaya delikado.
Ang hindi ko lang malaman... Bakit sunod sunod ang mga mahihirap na level?
Ang Enchanted Forest ay nagamit na noon bilang difficult level ganun din ang Old Maze... Bakit ganun??"Welcome to the 2nd day of the Magic Games!! This is our 2nd trial at ang natitira na lang sa mga participants natin ay... 10"
Nagsimula ng magsalita ang announcer at lahat ng attention ay napunta sa monitor.
"Sa loob ng Maze ang kailangan niyo hanapin ay ang Ruby Scepter which is nasa gitna ng Maze. At sa tuwing malalagpasanang mga challenges nasa masasalubong ng bawat participants, they'll be closer to the Ruby Scepter.
But i must remind you na hindi basta bastang challenge ang mga makakasalubong niyo sa loob. There are more of illusion there.
Each of you will go there alone, lahat kayo magkakalaban. At kung magkasalubong man kayo, wala munang kaibikaibigan. Hit them. Once hit, you will be out of the game."Tumango tango ang mga participants.
What? Even the mechanics nagiba?? Dati going in with pairs yan ah?
"Are we clear?" Tanong nung announcer.
Tumango silang lahat.. Gosh kinakabahan na talaga ako.
Naramdaman ko namang hinawakan ng dalawang magkapatid ang magkabila kong kamay.
BINABASA MO ANG
Canther Academy: Unveil The Demon
FantasyHave you ever tried asking youself questions that doesn't have any answers? I don't know why I keep on losing those whom I love so dearly. I don't know why I'm still here but all of them are all gone. For how long will I keep on running and fighting...