Rare's POV
Matapos ang mahabang pagtatalo namin ay hinayaan na ako ni Aiden na pumunta sa Canther pero syempre kasama ko siya. Sabi niya kasi hindi hindi daw niya aalisin ang mata niya saakin. Tss.
Nakaramdam ako ng kakaibang kaba sa dibdib ko nang makapasok kami sa main gate ng campus na siyang dahilan para mapatigil ako sa paglakad ko.
Bakit parang pakiramdam ko may nagiba? Pakiramdam ko hindi na ito yung Canther na alam ko. Pakiramdam ko hindi na ako welcome dito.
"Hey." Napatingin ako kay Aiden na nakatitig sakin at may pagaalala nanaman sa mga tingin niya.
"Sorry. I'm fine." Sagot ko at naglakad na ulit kami papunta sa dormitories.
Ibang iba talaga ang ambiance ng school ngayon ewan ko ba bakit ganun yung pakiramdam ko?
Nakarating kami sa tapat ng dorm ko at tuluyan kaming pumasok sa loob at dumeretso ako sa kama ko. Walang nagbago ganun pa rin pero bakit ganito yung nararamdaman ko? Nasaan ba sila Yesha?
"Magrelax ka lang kaya? Kung anong ikinatahimik ng bibig mo siya namang ikinaingay ng utak mo." Dinig kong sabi ni Aiden.
"Hindi lang kasi talaga maganda pakiramdam ko. Pakiramdam ko maraming nagbago." Sagot ko at humarap ako sa kanya.
"Malamang. Ilang buwan ka ring nawala dito Rare." Sagot niya.
"Hindi eh. Iba talaga." Sagot ko naman
"Samahan mo ko." Dagdag ko at naglakad ako papunta sa pinto
"Saan?" Tanong niya
"Sa classroom" Sagot ko at dumertso kami sa classroom.
Nangmakarating kami sa harap ng classroom, bumilis ang tibok ng puso ko. Sobrang kinakabahan ako ngayon.
"Do you want me to open the door for you?" Tanong ni Aiden sakin pero umiling ako.
"Hintayin mo na lang ako dito." Sagot ko at nginitian ko siya at dun binuksan ko na ang pinto.
Lahat sila napatigil sa ginagawa nila para bang nakakita sila multo. Eto yung scenario nung unang dating pa lang ako dito pero yung mga tingin nila saakin ibang iba, hindi tulad ng dati.
"What is she doing here?"
"Talagang bumalik pa siya ah."
"Ang kapal ng mukha."
"Matapos ng ginawa niya. tsk"
"She shouldn't have came back"
"I know right? Gulo nanaman ang dadalhin niya dito"
"Bat ba nandito yan?"
Yan ang mga ilan sa mga bulungan na narinig ko. Bakit? Anong ginawa ko? Anong nangyari nung wala ako?
Nakita ko si Yesha, Flare at Glacia sa likod at nakatingin saakin kaya dumeretso ako sa kanila nang nakangiti.
Napatigil ako sa paglalakad papunta sa kanila nang magsalita si Flare.
"What the hell are you doing here?" Hindi maganda ang tono ni Flare, hindi kasing friendly ang pakikipagusap niya sakin ngayon na siyang ikinagulat ko.
"Where the hell have you been? Wait... Wala na pala akong pakielam kung saan ka pumunta. Bakit bumalik ka pa?" Si Yesha naman ang nagsalita. Parang kutsilyong sumasaksak saakin ang bawat salitang sinabi nila sakin. Ano bang nangyari? Bakit? Bakit sila ganito?
"Yesha..."
"Hey!" Napalingon ako sa nagsalita sa likod ko. Ngayon ko pa lang siya nakita. Who is she?
BINABASA MO ANG
Canther Academy: Unveil The Demon
FantasíaHave you ever tried asking youself questions that doesn't have any answers? I don't know why I keep on losing those whom I love so dearly. I don't know why I'm still here but all of them are all gone. For how long will I keep on running and fighting...