16th Magic : Preparations

4.4K 166 23
                                    

Rare's POV

Nandito kami ngayon sa training hall kasama ang mga kaklase ko na participants din.
Ang awkward nga lang... lalo na samin nung Abnormal na lalaking yun... palagi niya lang akong tinititigan, ako naman tong si iwas tingin. Nakakailang kaya! At saka hindi ko alam kung bakit sa tuwing titingnan niya ako para bang nagiinit ang pisngi ko... Nakakainis!

"Hey! Rare! Focus." Sabi ni Eurus na partner ko sa training...

Actually dapat ang partner ko talaga si Phyro, pero dahil ayoko ko nagrequest ako na kung pwedeng si Eurus na lang. Buti pumayag sila.

"Sorry. Sorry." Sabi ko.

Lumingon si Eurus sa likod niya at nakita niya si Phyro at yung partner niyang babae. Hindi ko alam kung bakit.. Pero naiirita ako dun sa babae, FC na FC siya kay Phyro eh. Tsss nakakairita lang.

"Ahhh... Kaya pala..." Ngising sabi ni Eurus sakin.

"What?" Taas kilay kong tanong

"Ano ba talagang nangyari sa inyo ni Phyro kahapon??" Pagbabalik niya ng tanong saakin.

Para bang Automatic na naginit ang pisngi ko. Dahil don agad kong tinira ng fire ball si Eurus, pero dahil training nga ito, madali lang niya iniwasan.

"Woah." Sabi niya

"Wala no! Tsk!" Sagot ko.

"You're blushing. Dumating kasi si Phyro sa dorm kahapon. Ang pula pula ng mukha niya, tapos ngiting ngiti. Eh alam kong magkasama kayo, kaya tinanong ko. Pero hindi niya ako sinasagot." Sabi ni Eurus habang naglalaban kami.

Mas lalong naginit ang pisngi ko. Bakit ngiting ngiti pa siya? Ano yun? Gusto niya pa yung nangyari? Aish! Ugh! Nakakainis ka na talagang Abnormal ka!

"Wala nga sabi!" At sa huli kong tira natamaan ko na siya.. Meaning game over

Hays nakakapagod din ah??

"Talaga? Eh bat nakatingin ka sa kanya kanina?" Tanong niya pagkatayo niya.

"Titirahin ulit kita neto pag hindi ka tumigil!" Pananakot ko sa kanya gamit ang fire blades ko.

"Okay. Okay. Chill." Taas kamay niyang sagot.

Dumeretso na ako sa bleachers para magpahinga at uminom ng tubig... Nang makita ko si Cress nasa pintuan siya ng hall..
Parang may hinihintay siya or hinahanap..
Inabangan ko lang yung mga susunod na mangyayari.
May lumapit sa kanya na isang babae, pero parang familiar din yung babae sakin, sino kaya yun?

Nagulat naman ako kay Seliah na humarang sa tinitignan ko. Kinuha niya yung towel niya at nagpunas ng pawis, nang mapansin kong wala siyang tubig inalok ko yung akin.

"Here." Sabi ko. Tiningnan lang niya ako. Pero wala siyang emosyon na ipinakita.

"No thanks. I'm fine." Pagtanggi niya at tumalikod saakin.
Bumaba siya sa bleachers at dumeretso palabas ng training hall.

Ang cold niya parin saakin... Sana kapag nagkaroon na ako ng chance para sabihin sa kanya kung bakit ko ginawa yun, sana maintindihan niya. Sana mapatawad niya pa ako...
"So you're done?" Napatingin ako sa tumabi saakin.

O_o b-bakit nandito yan!!!????? o_O

Noooooo!!!!!!!

Hindi ko siya inimik. O nilingon. Ayoko! Naiilang ako!!!

"Hey." Panimula niya.

"About yesterday.... I'm sorry" sabi niya. Natigilan ako sa sinabi niya...

Nagsosorry talaga siya? Hindi ko aakalain na magsosorry siya...

"Hey? Galit ka pa rin?" Tanong niya...

Canther Academy: Unveil The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon