6th Magic : Training

7.7K 264 9
                                    

Rare's POV

Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

BAAANNGGGGGGGGG

"RARE SUMMERS!!!!!!! Gising na!!!!!"

Ay anak ng Kabayo! ano ba yan oh. ang aga aga eh.

"Bumangon ka na diyan Rare."

"Hmmm... maaga pa... sabado ngayon.... walang pasok."

"Oo nga. Kami wala. Ikaw meron" reklamo ko.. kasi naman eh ang sarap sarap pa ng tulog ko

"Dali na bumangon kana may training ka daw ah?" sagot ni Yesha

"5 mins pls." sagot ko at tumalikod

"Hindi!!!!!" at ayun nagising na lang ako sa nasa lapag na. Pano ba naman hinila ako bigla ni Yesha. Ayun nalaglag ako sa kama.

"Aray naman!!" reklamo ko ulit

"Pumunta dito si Phyro kanina magready ka na daw. 8:00 daw training mo. bawal daw malate" sabi ni Yesha.

"Sinong Phyro????" tanong ko. bakit parang narinig ko na pero di ko maala?

"Si Phyro Hollow? hottest guy in the school at crush ng bayan?" Sagot ni Yesha.

"Ako lang naman si Phyro Hollow ang pinaka cool, hot at astig dito sa buong academy"

Ayun! yung gwapong abnormal na lalaki! Phyro pala pangalan non? Tsss kaya pala mayabang ang loko eh crush daw ng bayan? Hm? Bakit naman? anong nakita nila dun sa abnormal na yun? Tss.

"Gwapo ba yun? Eh saksakan naman ng yabang at kaabnormalan." Tinatamad kong sabi.

"Magready ka Rare may training ka pa." ibinato saakin ni Yesha ang towel ko.

"Teka.. nasan sila Flare?" tanong ko ang aga pa kasi at wala na sila sa dorm

"Ah umuwi sandali sa kanila, pag weekends kasi pwedeng umuwi pero kailangan by sunday night nakabalik na." AH may ganon?

Naligo na ako at nagbihis kumain ako muna syempre hindi pwedeng aalis ako ng gutom no!! Thats against my Tummy!!!!

Pumunta muna ako sa cafeteria bago ako pumunta sa training hall.
At nakasalubong ko si Cresswell

"Rare? Bat nandito ka? Diba dapat nasa training hall ka?" Bungad niya sakin

"Wow. Good Morning din ha?" Sagot ko at nginitian siya pero half smile lang at pumunta sa counter.

"I'm sorry. Good Morning. Pero diba may taining ka?" Tanong niya pa rin. At narealize kong sinusundan niya pala ako.

"Well hindi pa ako nagaalmusal, so technically dapat kumain muna ako." Sagot ko na lang.

"Sige. Samahan na kita." Sagot niya.

Umupo ako at inilapag ko ang pagkain ko sa lamesa at umupo naman si Cress sa upuan na nasa harapan ko. Actually wala siyang pagkain kundi yung juice na binili niya.

Nginitian niya at at ngumiti din naman ako. Ako lang ba o talagang ang lakas ng dating ni Cresswell sakin?

Phyro's POV

Nasan na ba yung malditang babaeng yun?
Hindi ba sinabi ni Yesha na 8:00 ang training at hindi 9:00?
8:30 na wala pa rin siya??
Lintek naman oh!!
Mga babae talag gusto lagi hinihintay. Bwiset.

Napatingin ako sa pintuan nang may narinig akong tawanan.

Aba't kaya pala hindi siya dumating on time, may kasama pala. Tss.

Canther Academy: Unveil The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon