Paano ka babangon mula sa pagkabigo? Paano ka magsisimulang muli? Paano mo masasabi sa sarili mong kaya mo pa kung yung taong pinaka importante sa buhay mo ay bigla nalang nawala...
Nawala na parang bula. Walang paalam. Walang pasabi. Nagising nalang ako isang araw lumipat na daw sila ng bahay. Sobrang bilis ng pangyayari, ni hindi man lang ako nakapagpaalam sakanya, ay mali, hindi ko man lang NAIPAALAM sakanya...
Siguro nga may mga sadyang ganung tao talaga. Yung walang pakialam sa nararamdaman ng iba basta masunod lang yung sarili nilang kagustuhan...
Hindi bale, makakayanan ko naman to mag isa. Kahit wala sya, kakayanin ko. Ngayon pa ba ako susuko? Kung kailan magkakaroon na ako ng munting anghel? :)