(After 2 years)
Pham's POV
"M-Mamu"
"yehey!!" sabay sabay kaming nagpalakpakan nila mama ng magsalitang muli si xander. Actually ang totoo nyang pangalan ay Alexander. Sila mama ang nagbigay ng pangalan sakanya at nagustuhan ko narin so, pumayag narin ako.
"debut mo na bukas anak" sabi ni papa sa akin habang nanonood ng TV. Nasa sala kasi kami lahat ngayon. Napangiti lang ako sa sinabi ni papa. Noong dalaga pa ako, pinapangarap ko yung magarbong debut. Pero nagbago ihip ng hangin ng dumating na si Xander sa akin. Parang gusto ko nalang na ipambili nalang ng gatas nya kesa ipanggastos sa akin.
"ano ang gusto mo sa birthday mo anak? Maghahanda ba tayo ng marami? Imbitahan mo mga kaibigan mo!" excited na sabi ni mama. Napayuko ako bigla. Hindi pwede. Malalaman nilang may anak na ako, pagtatawanan lang nila ako atsaka mamaliitin. Kasi sila, mga nag aaral samantalang ako, tambay sa bahay, dagdag pabigat sa magulang :(
"wag na ma, idagdag nalang natin yan panggatas ni Xander." sabi ko habang nilalaro si Xander. Madami pa namang dadaan na birthday sakin eh. Sa ngayon, focus muna ako sa anak ko. Kailangan ko syang mabigyan ng magandang buhay. Maghahanap ako ng maayos na trabaho.
"anak, matagal naming pinag ipunan ng mama mo itong panggastos sa debut mo" sabi ni papa. Wala talaga ako masabi sa kanila. Hayss. Sobrang bait talaga ng mga magulang ko.
"hayaan mo na pa, kay xander nalang muna yan. Marami pa naman akong birthday na dadaan" sabi ko. Maya maya lang ay naghikab na ang anak ko kaya naman umakyat na kami sa kwarto ko. Nilapag ko sya sa crib at pinainom ng gatas nya. Tahimik na bata lang si Xander. Manang mana sya sa papa nya. Haha. Bigla akong napatigil nang maalala kp bigla si Adrian. Ilang taon na kaming walang komunikasyon. Kapalit kasi ng pagtanggap sakin nila papa, kailangan wag ko na kausapin si Adrian. Nagpalit ako ng cellphone number, wala na akong facebook, twitter, instagram. In short, wala na ko kahit na anong social media accounts. Lumipat narin kami ng tirahan dahil nakaaway nila mama yung isang kapitbahay namin dahil sinabihan ako ng malandi dahil nakita nyang malaki na ang tiyan ko.
Madali kasi sa ibang tao ang manghusga ng kapwa nila samantalang hindi naman nila alam yung buong istorya. Hindi porket malaki ang tiyan ko ibig sabihin ay nagpagalaw na ako sa iba ibang lalaki. Nainlove lang ako ng sobra na nawala na sa pag iisip ko kung alin ang tama at mali. Oo maling mali yung ginawa namin pero sa lahat nang kamalian ko, si Xander ang pinakamagandang bunga sa lahat. Wala na akong pake sa sasabihin ng ibang tao basta anak ko si Xander at masaya ako dahil dumating sya sa buhay ko.
Sa pagiisip ko, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
--------****
Nagising ako dahil sa liwanag na tumatagos mula sa binatana ng kwarto ko. Napatingin ako agad sa crib sa tabi ko.
O_______O
"xander!!!" napasigaw ako habang hinahanap si xander. Wala sya sa crib nya kaya napatakbo ako pababa sa sala. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong buhat buhat ni mama si xander at pinapakain na ng agahan.
"happy birthday anak. Ano pang hinihintay mo? Aba, maligo ka na, malelate ka sa flight mo" sabi ni papa. Napatulala naman ako sa sinabi nya.
"huh?" di ko alam kung ano sinasabi ni papa. Inabot nya sakin ang isang envelope. Binuksan ko naman agad ito.
"natatandaan mo yung pinasagutan ko sayo last week? Entrance exam yun sa Umbridge University. Congrats anak!" tuwang tuwa sila ni mama. Natuwa din ako pero nalungkot din agad.
"pa, hindi pwede, paano si Xan--"
"anak, wag ka mag alala, aalagaan namin sya dito ng papa mo. Palagi ka nalang tatawag para atleast nakakausap mo kami dito. " sabi ni mama. Naiiyak ako sa tuwa. Makakapag college na ko sa wakas! Nilapitan ko si papa at niyakap.
"you're the best papa ever!" sabi ko atsaka pinuno ng halik ang mukha ni papa.
"and you will always be my little girl" sabi ni papa.
I packed all my things, actually konti lang ang nadala kong damit kasi simula nung dumating si Xander sa akin, hindi nako nakakabili ng mga damit ko, lahat ay pinambibili ko para kay Xander kaya ang damit ko lang ay dalawang daster na pantulog, dalawang shorts, dalawang sando tsaka isang pink na dress. Wala rin akong sapatos etong sandals ko na suot suot ang dala ko. Hayss. Ayoko naman magmukhang pulubi sa university na yun. Hinatid nila ako sa airport. Ang Umbridge University ay isang prestigious na university sa buong pilipinas. Located ito sa isang isolated na island sa Pilipinas. Kilala rin itong university na to sa buong mundo kaya sobrang thankful ako na dito ako makakapag aral. Thank you Papa. Hinalikan ko si Xander ng maraming beses. sobrang emotional ko, ayaw ko bitawan si Xander pero kailangan.
"mag iingat ka anak, wag ka mag alala, aalagaan nmin si Xander gaya ng pag aalaga namin sayo. Galingan mo ha? Para yan sa future nyo ni Xander" sabi ni mama. Naluha ako agad.
"mama naman eh! Wag mo ko paiyakin, lalo ko kayo mamimiss nyan. Hayss. Pakabait ka Xander ha? Wag mo bigyan ng sakit ng ulo ang lola mo okay?" sabi ko atsaka naglakad na paalis. Gagawin ko ang lahat ng to para sa anak at magulang ko.
*BBBOOOOOOGGGGGSSSSSSHHHH*
"awchhhhh!!!" napahawak ako sa ulo ng may bumangga sa akin.
"sorry miss, nagmamadali kasi ako eh" napatingala ako parang tingnan ang itsura nya. Gwapo. Matangkad. Maputi. In short, P-E-R-F-E-C-T. Tinulungan nya ako makatayo habang ako, hawak hawak parin ang masakit kong ulo.
"okay lang ako, sige na, nagmamadali ka diba?" sabi ko. Tinulungan nya ako pulutin yung maleta ko pati yung nalaglag kong ticket papuntang Umbridge University.
"papunta ka ding Umbridge?" he look amazed. Tumango lang ako.
"wow nice. Lets go! Malelate na tayo sa flight!" sabi nya sabay hila sa braso ko. Hindi na ko naka angal. Sumunod nalang ako sa sinabi nya. Nakarating kami on time sa eroplano, thanks to him.
"nasa bandang dulo pa yung seat ko so, iwan na kita dito. By the way im Rex and you are?"
"Pamela. Just call me Pham. Hehe" sabi ko. Nagshake hands kami atsaka naghiwalay dahil pinapaupo na kami ng stewardess. Umupo narin ako sa assigned seats ko. Isang babaeng naka earphone na mukhang americana ang katabi ko. Nagtitingin lang ako sa paligid nang masulyapan ko sa kabilang kwarto si Rex, nakikipagkwentuhan sya sa iba nyang mga kasama. Kakaiba sya pumorma, medyo sporty samantalang yung mga kausap nya, mga naka suit and tie. Lumabas ang dalawang stewardess mula sa room nila Rex.
"Kumuha ka ng champagne, pakibilisan ha, ayaw ng mga VIP ang nag aantay ng matagal" sabi ng isang stewardess na parang medyo ahead sa isa pa nyang kasama. Parang trainee palang yung isa eh.
Hmm. So nasa VIP section si Rex, that means, Rich kid sya O.O wala sa itsura nya ang pagiging elite. Ang galing naman. Biglang pumasok sa isip ko si Xander. Haysss. Kamusta na kaya ang baby ko? Napasandal ako sa bintana ng eroplano, kitang kita ko ang mga ulap, nakaka relax tingnan kaya naman mabilis akong dinalaw ng antok. Umbridge University, please be good to me.
