Pham's POV
2weeks na ako dito sa Umbridge University and I think medyo nakaka cope up nako sa environment dito. Totoo na maraming bully sa campus na to but I can still manage to handle them. One time yung locker ko ay nilagyan nila ng buhangin. Kinailangan ko pang walisin yung mga nalaglag na buhangin at punasan ang locker ko ganun nadin ang mga libro ko na nalagyan ng buhangin. Some of them are really have a thing sa aming mga commoner. Insecure ba sila samin? -_- today, Physical education ang subject namin. About dancing ang topic namin.
Noong Highschool palang ako, i used to be a cheerleader while Adrian is on the basketball team. Perfect couple nga kami noon eh. Bestfriend ko sya bago kami nanging couple so di na kami nagkahiyaan. Naging komportable kami sa isa't isa. Minsan pag may practice kami ng cheerdance, hinihintay ako ni Adrian kahit abutin ng gabi. Hatid sundo nya ako noon. Samantalang ngayon, simula nang nagka anak ako, ni hindi ko na ata kayang mag split. Hindi nako nakakasayaw ng maayos dahil nagkaron ako ng mga bilbil, atsaka hinihingal na agad ako pag sumasayaw. Sana lang maka survive ako sa subject na to. Hayss.
"what is modern dance?" tanong ng professor namin. Hindi ako nagppay attention sa sinasabi or dinidiscuss nya. Nakatulala lang ako sakanya habang nag iisip ng kung anu ano. Nung last na nakita ko si Adrian, nangako na ko sa sarili ko na kakalimutan ko na sya pero walang dumaan na araw na hindi ko sya naiisip. Ang daming tanong sa utak ko. Bakit nya ako iniwan ng basta? Ganun nalang ba sya ka selfish? Di man lang ba sumagi sa isip nya na baka nabuntis nya ko? Hindi man lang nya ako tinanong kung nagkaperiod na ba ko bago sya umalis. Hayss. Kung alam ko lang sana na magiging ganto ang sitwasyon ko, sana di nalang namin ginawa. :( pero maling isipin ko yun lalo na't naging sobrang saya ko nung dumating si Xander sa akin. Parang lahat ng paghihirap ko habang pinagbubuntis ko sya na napawami nang masilayan ko sya.
"so ang project nyo sa akin ay bumuo kayo ng 4 na grupo. Compose of 7 members then sasayaw kayo ng modern dance next friday. Is that clear?"
"yes sir!" sagot naman namin.
"okay class dismiss" pagkasabi nya nun ay agad na kaming nagsitayuan at kanya kanya na ng pupuntahan. Last subject ko na to so, diretso na ako sa dorm ko para magpahinga.
"hey commoner! Can you please get out of the way? Ang sakit mo sa mata" napataas naman ako ng kilay nang marinig ko ang boses ni Janine. Sya ang pinaka nambubully sakin sa lahat ng kaklase ko. May imaginary sungay sya above her head. -_-
"yess your highness" sabi ko atsaka binigyan sya ng malawak na space para makadaan ang retokada nyang pwet. Tiningnan nya ako ng masama. Siguro naramdaman nya ang sarcasm sa sinabi ko.
"Is it true that you are dating Rex?" taas kilay nyang tanong sa akin habang naka pameywang.
"ano namang pake mo?" pambabara ko sakanya. Mabait ako sa mabait pero kapag natapat na ininis nila ako kung kelan may regla ako, aba magtago na sila.
"i knew it. Mga walang modo talaga ang mga commoners. Hindi ko nga alam kung bakit pa kayo hinahayaang makapasok dito eh obvious naman na out of place kayo dito! Haha" sabi nya. Aambahan ko sana syang susuntukin pero napigilan ko ang sarili ko nang may marinig akong boses...
"hey Pham! Over here!"
"Rex? O____O" ano naman kaya ginagawa nya dito? Agad kong binaba ang kamao ko na sana ay maglalanding sa plastic na mukha ni Janine. Pinagpag ko ang uniform ko atsaka dumiretso na papunta kay Rex na nasa labas ng gymnasium. Kinakaway kaway nya pa ang mga kamay nya para makita ko sya agad eh kitang kita ko naman sya. Naka school uniform sya ng mga architect. Kaming mga Business Management kasi, hindi pa narerelease abg uniform namin kaya naka civilian muna kami for awhile.
"kamusta? Di ka na nagtetext ah." sabi nya habang nakangiti. Nginitian ko lang sya.
"busy kasi eh. Sorry" sabi ko habang nagkakamot sa ulo.
