Chapter 8

31 2 2
                                    

Pham's POV

"m-mami" rinig kong sabi ni Xander sa kabilang linya.

"wow. He can speak na pala" sabi ni Rex. Magkasama kasi kami ngayon sa field, nakaupo lang sa bench habang tumatawag ako sa anak ko. Naka loud speaker kasi yung call kaya naririnig nya.

"yup. Hehe. Ma, si Rex po pala. Kaibigan ko" pagpapakilala ko kay Mama. Binigay ko na yung cellphone kay rex at hindi ko na pina loud speaker.

"hello po. Opo. Hehe. Architecture po tita. Eh liligawan ko nga po sana kaso parang ayaw nya naman. " napatulala ako kay Rex. Kinurot ko sya konti. Pasaway -_- binigay nya na sakin yung phone

"ma, sige na po babye na. Ingat kayo dyan ha. Love you." sabi ko then pinatay ko na yung call.

"namimiss mo na ba sila?" tanong nya sakin.

"oo naman. " sabi ko. Kinuha ko na yung baunan ko atsaka binigay sakanya.

"oh ayan pinagluto kita" sabi ko. Bigla syang namula. Problema neto?

"woooowwww" sabi nya nang buksan nya yung baunan. Kanin at beef steak lang naman yun. Nagluto kasi ako kanina kaya naalala ko syang bigyan.

"ayy nakalimutan kong magdala ng kutsara at tinidor" sabi ko.

"okay lang! Magkakamay nalang ako" sabi nya. Ano daw? Ngayon lang ako nakakita ng lalaking sobrang yaman pero napaka humble at walang arte sa katawan. Nagsimula na syang kumain nang naka kamay. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan sya.

"matutunaw ako." sabi nya. Hinampas ko sya sa braso atsaka tumayo.

"oy mag cr lang ako. Iwan ko muna dito bag ko. Saglit lang naman ako" sabi ko sakanya. Tumango lang sya. Hindi sya makapagsalita kasi punung puno ng pagkain yung bibig nya. Dumire diretso na ko sa ladies comfort room na pinakamalapit sa field. Habang naglalakad ako i have this feeling na parang may sumusunod sakin. Katulad kanina nung magkasama kami ni Rex. Parang feeling ko may mga matang nagmamanman samin. Ewan ko ba kung paranoid lang ba ko or what.

Pagkatapos kong umihi, naghugas na ako ng kamay at palabas na sana nabg saktong nakita ko yung coach ko nung highschool. Si Ma'am Camille. Nagulat sya nang makita nya ako.

"Pamela! Anak, kamusta ka na?" tanong nya.

"okay lang po mam. Kayo po kamusta?" sabi ko.

"eto nabigyan ng mas magandang opportunity. Coach na ko ng university cheering squad." sabi nya. Wowwww. From highschool coach ngayon ay coach na nang pinaka magandang university sa buobg pilipinas. Nakaka proud si mam.

"bigatin na pala kayo mam! Haha. " pagbibiro ko.

"mag try out ka samin. Cheerleader kita noon eh. Kakailanganin ka namin sa organization. Oh eto" binigyan nya ako nang papel. Nakalagay doon ang number nya.

"mam di ko na yata kaya. Bumigat na timbang ko mam" sabi ko sakanya.

"edi magdiet! Mag gym! Madaming paraan anak." sabi nya habang naghuhugas nang kamay. Di ko alam pero parang gusto ko sumali kaso may anak na ko eh. Hindi na ako kasing galing nung dalaga pa ako.

"sige mam pag iisipan ko. Una na po ako. " sabi ko atsaka lumabas ng comfort room at naglakad na papunta sa field. Sasali ba ako or what? Habang naglalakad, natanaw ko sa di kalayuan na may lalaking naglalakad papunta sa direksyon ko. Kahit sa malayo kilalang kilala ko ang itsura at galaw nya... Si Adrian. Napayuko ako at kunwaring binabasa ko yung papel na hawak ko para di ko sya matitigan. Diretso lang ako sa paglalakad.

Dumaan sya, nagkasalubong kami pero di ko alam kung nakita nya ba ako. Bigla kong naramdaman na may humawak sa braso ko. Napalingon ako at nakita ko syaa. May galit sa mga mata nya. Di ko maintindihan bakit sya pa ang galit?

"so how's your new boyfriend" sabi nya and I can feel his sarcasm. Nakatulala lang ako sakanya. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon, part of me is missing him so much. Namimiss ko na yung mga yakap nya. Oo mas malaki ang kinagwapo nya ngayon kesa noon. Pero nandito parin sa puso ko ang galit ko sakanya. Sa lahat ng pang gagago nya sakin. Sa pag iwan sa akin. Sa lahat. Pumiglas ako sa pagkakahawak nya sa braso ko.

"kaibigan ko lang si Rex. Atsaka ano naman sayo? Eh matagal na tayong break! Iniwan mo nga ko diba?" inis kong sabi sakanya. Di ko na napigilan ang sarili ko.

"kaibigan ba yung ganun ka dikit sayo? At pinapapasok mo pa sa dorm mo? Ganyan ka ba kalandi?" tmsabi nya. Napatitig ako sa mga mata nya ng matagal hanggang sa tumulo na ang mga luha ko. Hindi ko akalaing masasabi nya sa akin yung mga ganung bagay.

"ganyan ba ka-baba tingin mo sakin? Oo mahirap lang ako pero may dignidad ako Adrian! " sigaw ko sakanya atsaka tumakbo habang umiiyak. Sobrang sakit sa dibdib ng mga sinabi nya. Parang hinihiwa ng blade ang puso ko. Napatigil ako sa pagtakbo nang makarating na ko sa bench kung saan nakaupo si Rex. Nagpunas muna ako ng luha atsaka lumapit sakanya na parang walang nangyari

" ang tagal mo nman mag cr. Akala ko nalunod ka na dun eh. Haha" sabi nya. I fake a smile.

" oh bakit namumula mga mata mo? Umiyak ka ba? " tanong nya.

"a-ah hindi wala yan. Napuwing lang ako sa mata. Oh ano masarap ba yung pagkain?" sabi ko.

"oo naman masarap!" sabi nya.

Nagdilim na ang langit kaya napag pasyahan na namin umuwi sa kanya kanya naming dorm. Hinatid na ako ni Rex hanggang sa tapat ng dorm ko. Pagpasok ko sa dorm ay busy sila Crissy at Hayley sa pag aaral. Nalalapit na kasi ang Midterm exam namin.

Nginitian ko lang sila atsaka naglakad papasok sa kwarto ko nang marinig kong nagsalita si Hayley.

"Pham, may isusuot ka na ba sa Acquaintance Party natin?" napahinto ako saglit.

"huh?" Tanong ko.

"na-move yung Acquaintance party natin next next week. kasi sunod sunod yung bagyo " sabi nya.

"ah yun ba, uhm. Bibili palang ako nang susuotin" sabi ko.

"talaga? Tara sabay sabay na tayo! May alam akong magandang store ng mga gowns " sabi naman ni Crissy. Pumasok na ako sa kwarto ko atsaka humiga sa kama. Wala akong pera tapos may acquaintance pang gaganapin. Ano ba yan. -_-

"kaibigan ba yung ganun ka dikit sayo? At pinapapasok mo pa sa dorm mo? Ganyan ka ba kalandi?"

Napapikit ako nang magflashback na naman sa akin lahat ng sinabi nya kanina. Ang sakit. Pero nagtaka rin ako kung paano nya nalamang pinapasok ko si Rex sa dorm noong nakaraang gabi. Ano ba talaga ang nangyayari. Naguguluhan na ako.

The Girl You Left A Long Time AgoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon