Pham's POV
"Adrian?" tumakbo agad ako papunta sa lalaki sa di kalayuan. Naglalakas sya sa pathway. Nabitawan ko ang jacket ni Rex sa sobrang pagmamadali ko.
"ADRIAN!!" sigaw ko pero di lumilingon ang lalaki. Dumiretso sya sa open basketball court. Sinundan ko parin sya. Maya maya pa ay may nagpasa sakanya ng bola ng basketball. Agad nya naman itong sinalo at nagsimula na silang maglaro. Nagtago ako sa poste ng pathway. Hindi ko alam kung bakit ako nagtatago. Humarap sya sa direksyon ko. Halos maiyak ako sa tuwa nang makita kong si Adrian nga. Naglalaro sya ng basketball kasama ang iba pang players. Nakasuot sya ng jersey and shorts. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan sya. Basang basa na ako ng ulan. Ganun din naman sya. Hinintay kong mag time out. Lalapitan ko sya at sasabihin ko sakanya lahat.
Finally, nag time out na sila, lalapit na sana ako kaso nabingi ako sa tilian ng mga babae sa gilid. Agad silang lumapit kay Adrian. May dala silang payong para di mabasa. Nagpapicture sila dito. Sikat pala si Adrian dito. Narinig kong naguusap ang ilang babae sa gilid ko. Varsity player na pala sya ng Umbridge University. Sikat na sikat sya. Natatandaan ko pa nung highschool kami...
*FLASHBACK
"baby, pagka graduate natin gusto ko maging sikat na basketball player" sabi nya habang nagddribble ng bola sa harap ko. Nasa gym kasi kami. Break time.
"PBA player baby? Ganun?" tanong ko. Tumango lang sya.
"eh paano na ko nyan pag sikat ka na? Edi marami na kong ka agaw sayo? :(" sabi ko atsaka nagpout.
"ano ka ba baby, wag ka nga magdrama dyan, tandaan mo lagi na kasama ka sa lahat ng pangarap ko" sabi nya. Lumapit sya sa akin atsaka ako niyakap.
*FLASHBACK
"Sinungaling ka. Di mo ko sinama sa pangarap mo. Iniwan mo lang ako Adrian" bulong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan syang masayang masaya na nakikipagpicturan sa ibang babae. Maybe he dont deserve to know that we have a child.
"Fvcking as*hole" sabi ko habang nakayuko. Di ko na namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Malungkot akong bumalik ng dorm. Pinulot ko yung nalaglag na jacket ni Rex kanina. Marami na itong putik. Di bale lalabhan ko nalang.
Pagkapasok ko ng dorm nasa sala lang sila Crissy at Hayley. Naglalaro sila ng baraha.
"bakit nagpaulan ka Pham? Maligo ka agad para di ka lagnatin" sabi ni Hayley. Nginitian ko lang sya atsaka nagtuloy tuloy sa kwarto ko at humiga. Agad kong tinawagan sila mama.
"hello ma? Pwede mo ba itapat sa tenga ni Xander yung phone? Wag ka makikinig sa sasabihin ko ha. Para kay Xander lang to" sabi ko. Sumangayon naman si mama. Maya maya pa nang maramdaman ko nang tinapat ni mama sa tenga ni Xander ang phone ay nagsalita na ulit ako.
"anak? Nakita ko kanina papa mo. :'( noong una natuwa ako kasi sa wakas masasabi ko narin sakanya na anak ka namin." tumulo ang luha ko pero agad kong pinunasan ito.
"kaso nak, sorry ha? Nagbago isip ni mommy eh. Tinutupad ng papa mo yung pangarap nya eh. Ayokong sirain yung pangarap nya kaya itatago muna kita sakanya" di ko na napigilan at umiyak na talaga ako. Di ako makapaniwala na ganto parin epekto sakin ng lalaking yun. Our life used to be perfect pero sa isang iglap, iniwan nya ko walang pasabi walang kahit ano.
"m-mami" narinig ko sa kabilang linya na nagsalita si Xander. Lalo akong naiyak. Parang tinusok ng kutsilyo nang maraming beses ang puso ko. Sobrang sakit.
"tulog ka na baby. Goodnight na" sabi ko atsaka binaba ang tawag. Pinagmasdan ko ang picture ni Xander sa phone ko. Namimiss ko na ang anak ko.
*brrrrrr brrrrr
