Chapter 1

73 3 1
                                    

Pamela's POV

"ma, noong pinagbubuntis mo palang ako ano madalas mong ginagawa?" tanong ko kay mama habang tinutulungan ko syang magbalat ng mga gulay na lulutuin namin mamaya para sa hapunan.

By the way, ako nga pala si Pamela V. Ortega. Yup. Im pregnant. 2months na ang baby ko sa tyan ko at hanggang ngayon nagdadalawang isip parin ako kung bubuhayin ko ba to or ipapalaglag. Im only 16. Kakagraduate ko lang nang highschool. Iniwan pa ko ng tatay nitong dinadala ko. I wonder where that bastard went! >.<

"palagi akong kumakain ng mga prutas noon. At ang paborito ko sa lahat ay ang singkamas. Kaya ganyan ka ka-puti anak." sabi ni mama habang patuloy parin sa paghihiwa ng mga gulay. Napahinto naman ako saglit sa paghihiwa.

"kailangan ko pala ng maraming prutas" pabulong kong sabi sa sarili ko. Kaya pala feeling ko ang hina ko kasi di ako kumakain ng prutas. Hayss. Malay ko ba? :(

"ha? Ano yun nak?" napaangat naman ng ulo si mama at napatingin sakin ng may pagtataka.

"a-ah w-wala po! Sabi ko bilisan na natin dito ma" pagpapalusot ko. Pagkatapos namin magluto ni mama, maya maya lang ay bumaba na si papa para sa hapunan.

"...maraming salamat po sa biyaya, Amen" pagkatapos manalangin ay sabay sabay na naming tinikman ang niluto namin ni mama na pakbet.

"ang sarap ma!" sabi ko habang kumakain.

"dahan dahan lang sa pagkain anak, " pagpapaalala naman ni papa. Di ako nakinig kay papa at patuloy lang sa pagkain ng marami. Sobrang sarap kasi eh. :)

" *ehem* so, anak ano pala ang kursong kukunin mo?" biglang tanong ni papa habang nakangiti sa akin. Napahinto ako sa pagkain. Biglang kumabog ng malakas ang puso ko. Kinakabahan ako. Hindi pa ako ready sabihin sakanila na hindi ako makakapagcollege dahil buntis ako :( napatingin ako kay mama, mukhang hinihintay nya rin ang sagot ko.

I am the only child kaya malaki expectation ng magulang ko sakin. Parang gusto ko na sabihin sakanila ang lahat pero di ko masabi dahil parang may nakabara sa lalamunan ko na pumipigil sa mga sasabihin ko.

"magaling sa pagluluto si Pham. I see potential in her, so i think bakit hindi nalang culinary ang kunin nya diba anak?" sabi ni mama.

Napalunok ako. Culinary? College? Ugh! Tumatanggap ba sila ng mga estudyanteng malaki ang tyan? Haysss :( para akong naging bato sa kinauupuan ko. Magsalita ka naman Pham!

"a-ah.. Yess i will go to college papa pero hindi po culinary kukunin ko. I think something related to business?" sabi ko while rubbing my toes under the table. That's what i always do whenever i feel uneasy.

" oh good. Whatever course you like, we will support you. Basta makapagcollege ka masaya na kami doon ng mama mo" sabi ni papa.

I feel sick :( bigla akong nawalan ng gana sa pagkain. Nagpaalam na agad ako at umakyat sa kwarto. Humiga ako sa kama at hinawakan ang puson ko na nararamdaman kong unti unti nang lumalaki.

"ang tanga tanga mo Pham! Bakit nagpabuntis ka? At doon pa talaga sa lalaking yun?!" sabi ko sa sarili ko. Minsan nakakatulong din ang pagkausap sa sarili eh lalo na sa mga gantong sitwasyon na halos wala kang mapagsabihan na kahit na sino. Walang ibang taong may alam na buntis ako bukod sa akin. Maski mga close friends ko nung highschool di ko masabihan dahil alam kong lahat sila busy sa pag aasikaso nila sa mga requirements nila sa mga kanya kanyang university na papasukan nila samantalang ako, haysss. Di ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa mga magulang ko na di ako makakapag aral at baka hindi na ko makapag aral dahil mas malaking responsibilidad ang kakaharapin ko pag lumabas na ang batang to sa tyan ko.

Kinuha ko ang laptop ko at nagsearch sa google ng kung ano ano about sa pregnancy. Then may nakita akong video kung paano inaabort ang baby sa tyan ng nanay.

"jusko" yun nalang ang nasabi ko pagkatapos kong panoorin ang video. Sobrang nakakaawa :( di ko kayang mag abort. Huhu :( sa sobrang pag iisip hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

--------*********
"adrian? Saan ka pupunta? Magkaka anak na tayo oh!" sabi ko sakanya habang hinahabol sya sa tulay. Ito yung tulay kung saan madalas kami magkita.

"mas mahalaga ang basketball para saakin Pham. Kailangan ko tuparin mga pangarap ko" sabi nya. Hindi sya tumitingin sa mga mata ko. Sa tabi nya ay nakalapag ang mga gamit nya. Aalis na ba talaga sya?? Iiwan nya na ba talaga ako? Paano yung anak namin?

"adriannnn!!" sigaw ako ng sigaw pero hindi sya lumilingon. Patuloy lang sya sa paglalakad papalayo sa akin.
-------*****
Napatalon ako sa kama mula sa isang matinding bangungot. Tiningnan ko ang oras. 4am palang pala. Bigla naman ako nakaramdam na parang babaliktad ang sikmura ko kaya dali dali akong bumaba sa kwarto at pumunta sa C.R. doon ako nagsimulang magsuka.

Eto na yung isa sa mga symptoms ng pagbubuntis. Nabasa ko to sa internet eh. Bakit ba kasi namin ginawa yun? :( naghilamos ako atsaka lumabas ng C.R. pagsarado ko ng pinto ay bumungad sakin ang mama ko.

"waaah!!" napasigaw ako sa takot.

"grabe mama, tinakot mo naman ako, akala ko multo" may peel off mask pa kasi syang suot sa mukha nya kaya natakot ako. Nakatitig lang sya sakin. Bigla akong nakaramdam ng pangingilabot

"sabihin mo nga, may tinatago ka ba sa amin?" tanong ni mama.

"h-ha? W-wala po!" kabadong kabado ako. Nakakahalata na kaya sila?

"lumalaki bewang mo, pati puson mo. Babae ako kaya alam ko yan. Sabihin mo na ang totoo sakin" sabi ni mama sa akin. Bigla na naman ako nakaramdam ng pagsusuka kaya't bumalik ako sa banyo, sinundan naman ako ni mama at sumandal sa pader habang nakapameywang.

"buntis ka noh?" napatingin ako kay mama. Nagpipigil ako ng luha pero di ko napagilan at napatakbo ako kay mama at yumakap ng mahigpit.

"mama! Sorry! Di ko alam gagawin, di ko alam kung paano sasabihin sainyo, sorry ma!" iyak ako ng iyak sa dibdib ni mama. Niyakap naman ako nito ng mahigpit.

Nagising si papa noon at nalaman nya din kay mama. Di ko alam kung ilang oras kaming nagtitigan sa sala. Basta ang alam ko inabot kami ng kinaumagahan noon. Sobrang bigat ng atmosphere. Si papa naman, hindi ako kinakausap, hindi kumikibo.

"Ma, Pa, sorry po. Wala narin po si Adrian eh :( hindi nya po nalaman na buntis ako pa, hindi ko alam gagawin ko :(" nagsimula na naman akong umiyak, kilala nila mama at papa si Adrian. Long time bestfriend ko sya bago ko sya naging boyfriend.

"pa, sorry kung di ako makakapagcollege " hindi ako pinansin ni papa at lumabas ng bahay. Si mama naman, natutulala parin. Di ko sila masisisi dahil ako ang nagiisang anak nila eh tapos nabuntis pa. Hayss. Sirang sira ang buhay ko. Malamang janitress lang magiging trabaho ko neto :(

Nasaan ka ba Adrian? Kung kailan kelangang kelangan kita tsaka ka naman wala. Hayss. Ako ang nagluto ng agahan dahil mukhang hindi makagalaw sa kinauupuan nya si mama. Saktong pagkatapos kong magluto, tsaka naman bumalik si Papa.

"Pa, kain po tayo" pagyayaya ko kay papa. May dala syang mga supot, di ko alam kung ano yun. Lumapit sakin si papa atsaka nilapag sa lamesa yung mga supot. Nagulat ako nang makita ko yung laman. Mga gamit ng sanggol, napayakap naman agad akp kay papa. Niyakap nya rin ako.

"pagkatapos mong manganak, magccollege ka ha?" sabi ni papa. Nadurog ang puso ko. Kahit ganto nangyari saakin, tinanggap parin nila ako at ang magiging anak ko. Magsisikap ako. Di ko bibiguin sila papa. Kailangan ko parin mkapagtapos ng college. Aja Pham!

The Girl You Left A Long Time AgoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon