Chapter 13

18 2 0
                                    

Pham's POV

Masakit? Oo. Hanggang ngayon nakatatak parin sa isipan ko lahat ng mga sinabi nya noong gabing iyon. Parang sinaksak ako ng sampung beses sa puso.

"Pham, ano na? May napili ka na bang damit?" tanong sa akin ni Hayley. Bigla akong bumalik sa realidad. Nandito kami ngayon sa shop ng mga gowns. Lahat ng mga dress and gowns dito ay talagang magaganda pero ang problema, wala akong pera 😢 tipid akong ngumiti sakanila.

"may dress na kasi akong susuotin kaya di na ko bibili" pagpapalusot ko pero ang totoo, wala talaga akong pera pambili.

"huh? Kakasabi mo lang kanina na wala ka pang dress eh 😕" sabi naman ni Crissy.

"h-ha? Binibiro lang kita pero meron na talaga akong dress h-hehe" sabi ko. Nagkibit balikat lang silang dalawa atsaka nagpatuloy sa paghahanap ng magandang dress samantalang ako, problemado.

Saan naman kaya ako makakahanap ng magandang dress sa murang halaga? Sa friday na yung acquaintace party. Di nalang ako sasama. Haysss. Lumabas ako ng shop atsaka naglakad lakad para tumingin tingin. Dikit dikit ang mga shop dito kaya madami pagpipilian kaso wala naman ako pera. Sapat lang to sa pangkain ko sa araw araw at panggastos ko sa mga project. Nakaramdam ako nang gutom nang bigla akong maka amoy ng hamburger. Parang pilit akong hinahatak ng paa ko papunta sa isang maliit na restaurant. Pagpasok ko ay lalong lumakas ang amoy ng hamburger kaya natakam ako.

Umupo ako sa isang bakanteng table atsaka binuksan ang wallet ko. 500pesos ang laman. Kasya pa pang order ko kaso wala nako pang gastos sa mga susunod na araw kapag kumain ako ngayon. Lumapit ang waiter sa akin atsaka iniabot ang menu. Nakatayo lang sya sa gilid ko habang ako busy naman sa pagtingin ng masasarap na pagkain.

Feeling ko mabubutas ang bulsa ko sa mahal nang mga pagkain dito. Ang pinaka mababang presyo ay umaabot sa 450. Nakakaiyak 😢

"ma'am best seller namin dito ang tuna salad." bigla ako napatigil sa pagpili ng pagkain. Pamilyar ang boses. Napa angat ako ng ulo at nakita ko sya na nakangisi sa akin.

"Rex?!" medyo napalakas ang pagkasabi ko kaya napalingon sa amin ang ibang customer.

"gusto nyo po bang itry ang aming tuna salad?" sabi nya.
Nakasuot sya ng pang waiter. Teka, mayaman si Rex bakit sya magttrabaho sa isang restaurant. Napatango nalang ako. Pumunta sya sa kitchen at maya maya pa ay bumalik sya at umupo sa harap ko.

"paano ka napadpad dito? Haha. Diba hindi ka umaalis sa dorm mo?" pilyo nyang tanong.

"sinamahan ko lang maghanap ng dress mga dorm mate ko."

"naghahanda talaga sila sa Acquaintance. Eh ikaw pupunta ka?" tanong nya.

"h-ha? Uhhh. Di ko alam. Siguro. Ewan. Teka nga, di pa pala kita natatanong, bakit nagttrabaho ka dito?"  sabi ko. Tumawa lang sya.

"I owned this restaurant. Pag bored ako, dito ako pumupunta pampalipas oras lang" napa 'aaahhh' nalang ako sa sinabi nya. Marami talagang trip sa buhay etong si Rex eh. Maya maya pa ay dumating na yung order ko. Tuna salad with a strawberry milkshake.

"strawberry.." napabulong nalang ako sa sarili ko. Naalala ko kasi yung lalaking mahilig magbigay sa akin ng strawberry milk noong high school palang ako.

"hmm?"

"a-ah wala. May naalala lang ako. Hehe" sabi ko.

"ano yun?" tanong nya.

"wala. Di naman masyadong importante. Oo nga pala, magkwento ka naman tungkol sayo. " pag iiba ko ng topic.

"huh? Magtanong ka, sasagutin ko." sabi nya. Sumubo ako nang tuna salad atsaka nag isip.

The Girl You Left A Long Time AgoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon