Pham's POV
1st day of school at mukhang naliligaw ako. Sobrang laki kasi ng University na to eh. :( lakad dito, lakad doon, kahit anong gawin ko, hindi ko talaga mahanap yung TBA building. Naglakas loob na akong magtanong sa isang grupo ng mga babae na nakaupo lang sa may field ng school.
"a-ahm excuse po, saan ko po ba mahahanap yung TBA building?" tanong ko sa isang babae. Nagtawanan sila saglit atsaka nagbulungan.
"it's the Tallest Building Around. Hanapin mo lang yung pinaka mataas na building and then, yun na yun" sabi ng babae while looking at me na parang naweweirdo-han sila sakin. Nagpasalamat naman ako agad sakanila atsaka nagsimula nang hanapin yung pinaka mataas na building dito sa university. Nilabas ko na yung mapa ng university para mas mapadali ang paghahanap ko. Nagpunta na ako sa canteen, Arts and Science Building, Gymnasium, Criminology Building pero wala pa din. Di ko parin mahanap ang TBA. Napaupo naman ako sa isang bench doon at mangiyak ngiyak na ko dahil late na ako ng 30minutes sa subject ko.
"waaaaah! :( " napasigaw nalang ako at tumingala sa langit. Nakakainis! First day of school absent ako. Huhu :( tinakip ko sa mukha ko yung hawak kong mapa atsaka bumuntong hininga.
"Pham!" bigla akong napatalon mula sa kinauupuan ko ng marinig ko ang boses ni Rex.
"uy Rex!" para akong nakakita ng pag-asa. Nakasuot lang sya ng jacket at jeans habang naka earphone. Umupo sya sa tabi ko.
"vacant mo?" tanong nya.
"a-ah e-eh hindi. Naliligaw ako kanina pa. Hindi ko mahanap yung TBA building." malungkot kong sabi.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA XD" nagulat ako ng tumawa sya ng malakas kaya naman nasuntok ko sya ng mahina sa may bandang balikat.
"ano na naman bang nakakatawa?" pikon kong tanong.
"HAHAHAHAHA XD sino naman nagsabi sayong may TBA building?" tanong nya habang nagpupunas ng luha kakatawa.
"yung mga babae kanina!"
"TBA means To Be Announce. Ibig sabihin wala pa kayong room. Dapat yung professor mo muna yung pinuntahan mo"
"aaaahhh" yun nalang ang nasabi ko. Grabe hindi ako makapaniwalang naghanap ako sa wala! Nakakainis yung mga babae kanina!! Pag nakita ko ulit sila, dudurugin ko mga mukha nila! Hmp! Imbyerna!
"hahaha. So, absent ka ngayon?" tanong nya. Tumango lang ako habang nakapout lips.
"kung gusto mo, samahan mo nalang muna ako sa tambayan" sabi nya.
"ayoko, magstay nalang ako sa dorm." sabi ko.
"bawal tumanggi. Remember you owe me a ride diba?" napapikit naman ako sa sinabi nya. Oo nga pala, sya yung naghatid sa akin dito sa school nung wala akong masakyan. Hayss. Nagkaroon pa tuloy ako ng utang na loob. Kainis.
"sige basta saglit lang tayo dun ha!" sabi ko sakanya.
Nagsimula na kaming maglakad. Sinusundan ko lang kung saan papunta si Rex. Medyo mahaba haba na yung nalakad namin hanggang sa makarating kami sa likod ng Gymnasium. Sa likod nito ay may bakod pero hindi naman ka-taasan. Tinalon lang ni Rex yung bakod. Naiwan naman akong nakatulala. Paano ko matatalon yan?
"bilisan mo, aalalayan naman kita." sabi nya. Ulo lang ni Rex ang nakikita ko mula sa kabilang side. Naka jeans lang ako kaya medyo keri ko naman. Inakyat ko yung bakod at inalalayan naman ako ni Rex sa pagbaba.
"welcome sa baby factory" sabi nya. Lumingon naman ako at nakita ko ang isang maliit na parang bahay. Kulay green ang bubong, puti naman ang mga dingding.
"bakit baby factory" tanong ko.
"pagawaan ng anak. Hahahaha" nagulat ako sa sinabi nya kaya naman napahawak ako sa magkabilang balikat ko.
"wag kang lalapit! Manyak ka pala ha!" sigaw ko..
"joke lang! Baby factory lang tawag nila dyan pero wala naman gumagawa ng kabastusan dyan. Hahaha" sabi nya. Hinawakan nya naman ako sa wrist atsaka hinila papasok sa baby factory.pagpasok namin sa loob ay di ko akalain na ang ganda pala nito. Naka carpet ang buong sahig. Kulay dilaw ang ilaw. May mini bar sa gilid. May mga nakatambay din na ibang lalaki sa loob.
"wow" bulong ko sa sarili ko.
"ito ang teritoryo ng mga architecture student. Bawal pumasok dito ang ibang course"
"huh? Eh bat ako pinapasok mo?" tanong ko.
"syempre. Boss ako dito eh. Hahaha. Joke. President ako ng org na to" sabi nya. Di naman ako makapaniwala sa mga sinasabi nya since mukha syang pasaway na lalaki. Di ko akalain na presidente sya ng isang organization.
"upo ka" sabi nya. Napaupo ako sa isang malambot na sofa. Medyo nakakailang since parang sosyal lahat ng tao dito.
"so, taga saan ka pala?" tanong nya.
"Cavite. Ikaw?"
"Makati. Wow. Sa cavite ka pala. Matatapang mga tao dun diba? Haha" medyo natawa ako sa sinabi nya. Oo talagang matatapang ang mga Caviteña. Ngumiti ako ng bahagya sakanya. Maya maya pa ay may lumapit sa aming parang waiter at nilapag ang isang cocktail drinks at isang beer. Kinuha ni Rex ang beer at kinuha ko naman ang cocktail drinks. Uminom ako saglit atsaka tumingin sakanya. Nakatingin din sya sa akin.
"so, bakit mo ko sinama dito?" tanong ko sakanya. He just smirk at me. Tinaasan ko naman sya ng kilay.
"i just want to." sabi nya. Biglang nag iba tingin ko sakanya. Another rich kid spoiled guy here. Hayss. Think he can do whatever he wants. Psh.
"okay" tipid kong tugon atsaka uminom ulit. I can still feel na tinitingnan nya ko even though im not looking at him. Bigla akong na conscious sa itsura ko.
"so what does your parents do for a living?" tanong nya.
"manager ng isang kumpanya ng mga candies ang papa ko. Si mama naman sa bahay lang. Eh ikaw?" sabi ko. I didnt mention na may anak na ko. I dont feel comfortable sharing it to a person na di ko masyadong kilala.
"my dad is a famous painter while my mom is an opera singer." sabi nya. No wonder they are rich. Parehas na sikat mga magulang nya eh
"anong year mo na pala?" tanong ko
"3rd year college." sabi nya. Uminom ulit ako atsaka tumingin sa bintana. Umuulan na naman. Wala pa naman ako payong.
"pwede na ba ako umuwi? Umuulan na kasi eh." sabi ko.
"a-ah sure." sabi nya. Tumayo na sya at ako din naman tumayo narin. Dumiretso ako papalabas ng baby factory. Katulad nang ginawa namin kanina, inakyat namin yung bakod. Nabasa na ng ulan ang damit ko ganun din naman sya. Pagkatawid namin ay agad kaming sumilong sa gilid ng gymnasium.
"here.." sabi nya. Paglingon ko ay pinatanong nya na sa akin yung jacket nya. He is now wearing a plain gray shirt. Ang puti nya talaga.
"thank you" sabi ko na medyo naiilang. Naramdaman kong lumapit sya sa akin.
"by the way can i get your number?" bulong nya sa tenga ko. I chuckled.
"09*********" nagmamadali syang isave yung number ko.
Hinatid ako ni Rex hanggang sa tapat ng pink dorm. Nagpasalamat ako sa paghatid nya. Ayoko mag assume pero ramdam ko talaga na interested sya sa akin. Pero nagpunta ako dito para mag aral at hindi para humanap ng lovelife :( I had once. Sapat na ang pagpapakatanga ko sa isang lalaki. Ayoko nang maulit pa. Pinagmamasdan ko si Rex habang naglalakad papalayo sa akin hanggang sa mawala sya sa paningin ko. Papasok na sana ako ng building nang bigla akong may maaninag na mukha sa di kalayuan.
"Adrian?"
