Pham's POV
Patuloy parin sa pagddrive si Rex. Malakas parin ang ulan at di ko alam kung bakit parang may kakaiba akong nararamdaman habang nakatitig ako kay Rex. Maya maya lang ay nag park sya sa tapat ng isang convenience store. Why here? Tanong ko sa isip ko. Humarap sa akin si Rex atsaka ngumiti.
"dito ka lang ha. I'll buy some groceries" sabi nya. Napatango lang ako. Weird. But anyway thankful narin ako at nakita nya ako kanina. Nakakahiya namang sumabay sa babaeng maganda kanina. Ano nga ba ulit pangalan nun? Mae?
Pinanood ko lang si Rex habang tumatakbo papasok ng convenience store. Ngayon ko lang narealize na parang ang tahimik pala ni Rex kanina. He's not the usual Rex na madaldal at maraming jokes. I think something's wrong with him.
Nakita kong lumabas na sya ng store dala ang isang malaking supot na may mga lamang groceries atsaka tumakbo ulit papunta sa sasakyan. Hindi sya nagsasalita talaga. Now im really freaked out na talaga.
"anong problema Rex?" bungad ko sakanya pagkaupo nya sa driver's seat. Nginitian nya lang ako. Fake. Tss.
"wala ah. Haha." he said.
"I dont believe you. Sabihin mo na." pagpipilit ko sakanya.
"wala nga. It's just that, i miss you." sabi nya. Another fake answer.
"stop pretending Rex. I know something's wrong. Spill it out now" medyo naiirita ko nang sabi. Pati kasi ako naiistress na sa mukha nya. He is just pretending to be okay. I know it. I feel it. Pinatong nya ang dalawang braso nya sa steering wheel atsaka yumuko.
" Pham. Do you know me?" sabi nya then I hear him chuckles. Di ko alam kung bakit ako napatulala sa sinabi nya.
"oo naman! Ikaw yung lalaking humila sa akin sa airport diba? Hehe" sabi ko. I'd try to laugh. Pero ang awkward. I dont know why. Iniangat nya yung ulo nya. May kinuha sya sa supot na pinamili nya kanina atsaka inilabas ang isang strawberry milk.
"gusto mo?" tanong nya atsaka inabot sa akin ang strawberry milk.
-----------------
Rex's POV"gusto mo?" tanong ko sakanya habang iniaabot ang isang strawberry milk. Nakita kong nagulat sya sa ginawa ko. Is it the right time to introduce myself to her? Magkakaroon kaya ako ng pag asa kapag nalaman nya?
Flashback
I have no friends. A nerd. A freak. That's what they call me. Bata pa lang ako nakitaan na ko ng Intelligence abnormality ng mga tao sa paligid ko. Yes. I am too genius at hindi sya nagmamatch sa age ko. I can multitask everything. Kaya kong magsulat nang sabay gamit ang magkabila kong kamay. But I hate being me. It is not normal. I want to be normal. I always wear this freaking eyeglasses all the time and these braces are too ugly for me. That's why no one wanta to be friends with me. Nagpalipat lipat na ako nang school. Hanggang sa magpasya ang mga magulang ko na pag aralin ako sa isang catholic church dahil mas maiintindihan daw doon ang sitwasyon ko.
I am exactly 15 years old at that time. 3rd year highschool. Akala ko magiging okay na. Kaso parang lalo lang pinaramdam sa akin ng eskwelahan na ito na espesyal ako. Tuwing hapon ang klase ko, may sarili akong teacher at wala akong mga kaklase. Ako lang mag isa. Lalo akong naging malungkot kaya naman isang hapon, di ako pumasok sa klase ko at naggala sa school. Nakita ko ang isang babae na kakalabas lang nang kanyang classroom. Nakasuot sya ng pang cheerdance. Palihim ko lang syang tinitingnan habang naglalakad sya sa hallway. Ako naman ay parang tangang nagtatago sa mga poste para tingnan sya. Ang ganda nya kasi. Sa paglalakad nya ay hindi nya nakita ang isang bato dahilan para madapa ito.
"awwwwwwccchhhh!!" sigaw nito habang hawak ang tuhod nito na nasugatan yata. Di ko alam pero napatakbo ako sa kinaroroonan nya at inalalayan syang tumayo at pinaupo sa isang bench sa hallway.
"okay ka lang ba?" tanong ko.
"oo okay lang ako. Salamat. Teka..." tiningnan nya akong mabuti. Nakaramdam ako ng hiya dahil alam ko sa sarili ko na ang pangit ko. Ang dami kong pimples. Mukha akong dugyot.
"dito ka nag aaral? Bakit di kita nakikita" buong pagtataka nyang tanong.
"a-ah, special class kasi ako." sabi ko.
Mabait sya. Nakipagkaibigan sya sa akin si Pamela ang babaeng iyon. Sobrang tamis nang mga ngiti nya. Nakakahawa. Atsaka hindi nya ako hinuhusgahan hindi katulad ng iba.Gggrrrrrrrrrr
"uh sorry uuwi na ko ha. Medyo nagiingay na ang tyan ko eh" sabi nya. Di pala namin namalayan na napasarap ang pagkkwentuhan namin. Inabutan ko sya ng baon kpng strawberry milk.
"oh eto. Para mabawasan pagka gutom mo." sabi ko. Iniwan ko sa tabi nya ang strawberry milk atsaka naglakad na palayo.
End of Flashback
Ever since, naging sobrang crush ko na si Pamela. Naguusap kami pa minsan minsan bago sya pumunta ng training nila sa cheerdance. Dinadalhan ko sya palagi ng strawberry milk. Hanggang sa makilala ko si Adrian.
Flashback
Nakaupo ako sa bench na palagi naming tinatambayan ni Pamela. Dito ko sya hinihintay.
"hoy!" narinig kong may sumigaw at kasunod nito ang bato na lumapat sa ulo ko.
"aray!" napahawak ako sa ulo ko. Lumapit sakin ang grupo nang mga lalaki. Di ko sila kilala. At di ko alam kung anong atraso ko sakanila.
"ikaw ba yung palaging kausap ni Pham?" mayabang na tanong nang isang lalaki na parang leader nila.
"ano naman?" inis kong tanong atsaka ibinaling ang tingin sa classroom ni Pamela. Baka nandun pa sya. Nagulat ako nang bigla nalang akong kinwelyuhan ng lalaki atsaka itinulak sa may poste ng hallway.
"tigilan mo na girlfriend ko ha! Ayokong dinidikitan ng mga pangit ang girlfriend ko" sabi nya atsaka binigyan ako ng isang suntok sa tyan. Umiiyak akong umuwi ng bahay noon.
Simula noon, hindi nako lumalapit kay Pamela. Hanggang tingin nalang ako. Parang stalker.
End of flashback
Marahil ngayon di na nila ako namumukhaan dahil malaki na ang pinagbago ko. Nagpalaki na ako ng katawan kaunti at natuto na akong mag ayos. Hanggat maari ay hindi ko masyadong pinapahalatang matalino ako. I always pretend to be an easy go lucky guy sa harap ni Pamela so that she wont get freaked out.
All this time akala nya di ko alam na may anak sya noong una at di nya rin alam na alam ko na si Adrian ang ama. I told you. Im her stalker. Pinagbubuntis nya palang si Xander, ako yung palaging nagpapadala nang mga prutas at vitamins sa harap ng pinto nang bahay nila. Kinausap ko rin ang may ari nang kumpanyang pinagttrabahuan ng papa nya para ipromote ito at itaas ang salary dahil alam kong mahihirapan sila sa financial lalo nat buntis si Pamela.
I'll always say to myself na sana ako nalang yung tatay nung bata. Ngayon kaya na hindi na ko panget at wala na syang boyfriend, may pag asa na kaya ako? After all my sacrifices, hindi ko matatago sa sarili ko na Im still hoping for a return. Mahalin nya lang ako nang konti, ako na bahala magparami.
----------------------
A/N: comments down below for reactions and suggestions. Sorry medyo natagalan yung mga updates ko. Kasi naman enrollment na. Hahaha. 😂