Chapter 12

44 3 3
                                    

Pham's POV

"fill up-an mo lang tong form tapos lagyan mo nang 2x2 picture. Then, ipasa mo sa akin at maghintay ka lang sa lobby na tawagin ka for audition" sabi nang babae na palagay ko ay president ng pep squad. Iniabot nya sa akin ang form. Saglit ko lang itong finill up-an atsaka binalik sa babae. Deadma nya lang na kinuha ang papel.

Nakatulala lang akong nakaupo sa lobby habang isa isa na kaming tinatawag para papuntahin sa studio kung saan kailangan naming sumayaw.

" Pamela Ortega?" tawag nang lalaki. Siguro nasa 5'11 ang height nya. Moreno at malaki ang katawan. Lifter siguro to. Hawak nya ang form ko na finill up-an ko kanina. Tinaas ko ang kamay ko. Tiningnan nya ako at nginitian

"this way please" sabi nya. Sinundan ko sya hanggang sa makarating kami sa pintuan ng studio. Nauna syang pumasok at ako ang sumunod. May tatlong judges sa may gitna. Isa na dun ang dati kong coach noong high school.

"ohh. My very own Pamela!" sabi nya. Halatang natuwa sya ng makita nya ako. Tipid akong ngumiti dahil medyo nahihiya ako sakanya. Nakasuot si mam ng varsity jacket. Katabi nya yung babaeng nagbigay sa akin kanina ng form.

"so, we decided kanina lang na isang kanta na lang ang ipapasayaw namin sa lahat ng mga auditionees. So we pick the song 'yes' by beyonce. So, we hope na you can create dance step from this song. Goodluck" sabi nya.

Oo. Nabigla ako sa sinabi nya. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Ni hindi ko pa nga naririnig yung kantang sinasabi nila eh. I think Im gonna fail in this audition. Waaaah 😢

They start to play the song. Pinakinggan ko saglit and then i dont know what happened at bigla nalang akong napapasabay sa tugtog. Para bang kabisado ko ang bawat beat.

(A/N: you can play the video on the side. Si Pham yung unang sumasayaw. Then the groups and the other girls ay yung mga kasama nyang mag audition)

I close my eyes and feel the music. I know I can do this. Para ito sa sarili ko, para sa mga naudlot kong pangarap. Ibabalik ko yung dating ako. Kailangan eh. Kailangan kong buuin ang sarili ko at isa ito sa mga dapat kong ma accomplish para matupad ko lahat ng yun. Kailangan kong buuin ulit ang sarili ko at ang pagsasayaw ang isa sa mga bumubuo sa pagkatao ko kaya lahat gagawin ko makabalik lang ulit sa pep squad.

Adrian's POV

"sabi ko naman kasi sayo. Wag ka magpapabasa ng ulan eh. Ayan tuloy nilalagnat ka na naman" sabi ko habang pinagtitimpla sya ng gatas. Dinalaw ko si Queeny dito sa dorm nya. Nagkalagnat kasi sya eh.

"oh inumin mo na tong gatas tapos matulog ka na" sabi ko atsaka iniabot sakanya ang gatas. Hindi nya ako tinitingnan. Nakatulala lang sya sa bintana ng kwarto nya habang nakaupo sa kama nya.

"may problema ba?" tanong ko atsaka hinawakan sya sa baba at tiningnan sa mata. I can see there's pain in her eyes. Ngayon ko lang syang nakitang ganito. She is always sweet at never pa kaming nagkaroon ng tampuhan or away pero ngayon parang may mali eh.

"I saw her" sabi nya. Then suddenly, nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Pero di ko ito pinahalata sakanya. Nginitian ko lang sya atsaka hinalikan sa noo. Kilala ni Queeny sa mukha si Pamela. Madami akong pictures noon ni Pamela at lagi ko itong pinapakita sa kanya dati kaya naman alam nya ang itsura nito.

"sino na naman ba yan? One of my fans? Haha. I told you hon, you are my only one" sabi ko. Nagpanggap akong di ko alam ang sinasabi nya. Para hindi na sya mag-alala. Hinawakan nya ang mukha ko at nakita ko sa mga mata nya na sobrang lungkot nya.

"no. I saw your ex. Ay mali. I met her. At the stadium." sabi nya.

"huh? Paano naman makakapasok sa gantong eskwelahan yun? Baka naman napaparanoid ka lang. Imposible" pagsisinungaling ko. Kapag kasi sinabi kong alam ko na nandito nga talaga si Pamela, lalo ko lang syang masasaktan at di ko kayang saktan ang tulad ni Queeny na sobrang bait.

The Girl You Left A Long Time AgoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon