Chapter 7

29 2 0
                                    

Pham's POV

Today is Sunday. Wala kaming pasok. Kanya kanya sila nang gimik. Merong mga pupunta ng club, mag iinom, magshoshopping, pupunta ng restaurant at meron din namang isang katulad ko na magkukulong lang sa dorm, hihintaying matapos ang araw na to. Sobrang boring sa dorm, parang gusto kong lumabas kaso malamig naman sa labas dahil tag ulan parin. Binuksan ko nalang ang bintana ng kwarto ko at tumanaw sa magandang view ng eskwelahan ko. Kaharap ng dorm ko ang Oval or yung field kung saan maraming nag jojogging or naglalaro ng mga badminton at kung anu-ano pa.

Sobrang dilim sa labas, nagbabadya ang malakas na ulan pero pumukaw sa atensyon ko ang lalaking naka jacket na nagjojogging. Huminto sya sa harap ng dorm. Tumingala sya sakin at biglang ngumiti.

"Hi Pham! :)" sigaw nya. Si Rex pala.

"nagjojogging ka ? Mukhang uulan oh!" sabi ko sakanya habang naka halumbaba sa bintana ko.

"a-ah hehe. Wala kasi ako magawa eh. Pwede ba ako maki inom dyan?" tanong nya. Nagisip ako saglit.

"sige. Basta mabilis lang ha." sabi ko. Bawal kasi magppasok ng lalaki dito sa kwarto ng mga babae. Tumango lang sya sakin atsaka naglakad na papasok ng dorm. Sinara ko naman agad ang bintana atsaka nagsuklay ng kaunti. Lumabas ako ng kwarto. Sakto naman at kumatok na si Rex.

"pasok ka" bungad ko sakanya pagkabukas ko ng pinto ng kwarto. Tinanggal nya ang hood ng jacket nya atsaka tumuloy. Pinaupo ko sya sa sofa ng sala.

"ano gusto mo? Juice or--"

"coffee nalang. Hehe" sabi nya sabay kamot sa ulo. Agad akong nagtimpla ng kape para sakanya. Nilapag ko sa center table ang kape atsaka umupo rin sa sofa katapat nya.

"wala kang lakad today?" tanong nya.

"a-ah w-wala eh. Tinatamad ako. Eh ikaw? Bakit nandito ka?" tanong ko sakanya.

"nagpunta ako ng gym kanina, nagwork out ako then nagtake ng lapse kanina at sinwerteng makita ka. :) " sabi nya. Eto na naman sya sa mga banat nya. Haysss. He take a sip of his coffee then look at me.

"you're weird" sabi nya sakin. Natawa naman ako konti sa sinabi nya.

"bakit? Haha"

"paano mo natitiis na magstay lang maghapon dito sa napakatahimik nyong dorm?" tanong nya.

"hmm di ko rin alam eh. Anyway, change topic tayo, so ilan na ang naging girlfriend mo?" sinadya kong ibahin ang topic dahil ayoko namang sabihin sakanya na wala akong pera pang shopping or pangclub kaya nasa dorm lang ako.

"so now you are interested in me huh?" sabi nya habang nakangisi. Inirapan ko lang sya.

"sagutin mo nalang kasi" sabi ko naman.

" I have a lot of ex girlfriends before and I cant count them all" hindi na ko nagulat sa sinabi nya kasi halata naman sa mukha nya eh. Gwapo, matalino. Swerte na magiging girlfriend nito.

"eh ikaw Pham? Ilan na naging boyfriend mo?" tanong nya sakin.

" I only had one" sabi ko.

"wow. Ako na ba yung pangalawa? Hehe" pabiro nyang sabi. Kinurot ko naman sya pisngi nang malakas at napa 'ouch' sya.

"Hahahahaha. Maglaro na nga lang tayo ng baraha" sabi nya sabay turo sa barahang nakalapag lang sa center table. Baraha yun nila crissy. Since wala naman ako magawa, pumayag narin ako.

Hindi ko na namalayan ang oras. Mag 7pm na pala ng gabi, nandito parin kami ni Rex at naglalaro ng poker. Ang matalo ay mayroong isang dare sa kalaban nya. Tatlong beses ko na syang natalo, sya naman ay apat na beses na akong natalo. Last game na sana namin to nang biglang nag brown out.

The Girl You Left A Long Time AgoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon