Chapter 10

27 2 2
                                    

Pham's POV

Sa isang madilim na lugar na tila kawalan ay nakatayo ako mag isa. Parang may hinahanap ako hindi ko alam kung ano o sino pero parang natataranta ako. Naka aninag ako nang liwanag kaya naman dali dali akong tumakbo papunta dito. Nakita ko ang isang lalaking nakatalikod, may kargang baby.

"Xander? Anak?" sambit ko. Lumingon ang lalaki at nakangisi sa akin-- si Adrian.

"bakit hawak mo ang anak ko? Akin na sya! Akin lang ang anak ko! Ibalik mo sya sakin!" tinangka ko silang habulin pero di ko magawa dahil di ko maigalaw ang mga paa ko.

--------

"AAAAAAHHHHHHHHHH!!!!" nagising ako mula sa bangungot na yun.

*tok tok tok*

"Pham?! Buksan mo to. Okay ka lang ba?" rinig kong sabi ni Hayley. Tumayo ako agad para buksan ang pinto ng kwarto.

"a-ah Hayley, wala yun binangungot lang ako." sabi ko naman. Kita ko sa mga mata nila ang pag aalala.

"oh eto para mahimasmasan ka" inabot sakin ni Crissy ang isang basong tubig. Agad ko naman itong tinanggap. Bumalik na sila sa kani kanilang kwarto dahil alas tres palang naman ng umaga. Napaupo ako sa kama ko at pinagmasdan ang larawan ni Xander. Nangungulila na talaga ako sa anak ko. Sobrang namimiss ko na sya. At yung panaginip ko. Lalo akong natakot na sabihin kay Adrian ang katotohanan na may anak kami. Ilalayo nya sakin si Xander gaya nang paglayo nya sakin noon. Gusto ko mang tawagan sila mama ay hindi ko magawa dahil ayaw kong istorbohin sila sa pagtulog.

Binuksan ko ang bintana nang kwarto ko at umihip ang malakas na hangin. Masyado ko bang kinukulong ang sarili ko sa fact na may anak na ko? Na di na ko dalaga? Na isa na akong ina? Lumingon ako sa side table ko at nakita kong nakapatong doon ang calling card ni coach. Sumali kaya ako sa Pep squad?

Di ko alam kung bakit basta nalang ako naligo at nagbihis nang leggings at jacket, nagsuot din ng rubber shoes. Napabuntong hininga ako.

"magdidiet ako. Ibabalik ko ang dati kong katawan" sabi ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin. Hindi ko alam pero parang nainspire ako bigla na pagandahin ang sarili ko. Inaamin ko na di nako masyado nagaayos simula nang nagka anak na ko. Parang lahat ng atensyon ko ay nasa anak ko na. Ni hindi ko nga naranasan maging dalaga dahil kinuha na agad sa akin ito ni Adrian. Hindi sa sinisisi ko sya dahil ginusto ko rin naman yun. Maski debut party hindi ko naranasan.

Lumabas na ako ng dorm, sinalpak ang earphones sa tenga ko atsaka nagsimulang mag jogging. Around 4am na ako nagsimulang magjogging. Madilim pa sa campus at tanging iilang mga poste lang ng ilaw ang nagsisilbing liwanag ko sa pagtakbo.

Iba't ibang building na ang nadaanan ko. Nadaanan oo na nga rin ang dorm ni Rex kaso di ko na sya inabalang tawagin kasi malamang tulog pa yun. Umikot ako sa likod ng dorm nila at nakita ko ang isang lumang building. Dinaanan ko lang ito nang biglang may lumipad na tela sa mukha ko sanhi para mapatigil ako sa pagtakbo.

"ano to?" inis kong sabi atsaka tinanggal ang tela. Since medyo madilim sa lugar na yun ay inilawan ko ang tela gamit ang cellphone ko. Isang kulay dilaw na scarf na may print ni spongebob. Inamoy ko ito.

"ew. Amoy luma" sabi ko. Amoy baul ni lola eh. Pero binulsa ko parin dahil sayang naman. Konting laba lang naman ay magagamit na sya ulit.

Pagkatapos kong makaikot nang limang beses sa buong school ay nagpahinga na ko sa bleachers. I feel my bilbil is burning. Well, sana. Haha. Umupo sa tabi ko ang isang babaeng naka salamin. Maganda sya. Red shirt at black skinny jeans ang suot nya. Simple pero maganda. Palihim ko syang tinitingnan habang nagddrawing sya sa isang papel. Nakaka tomboy ang ganda nya.

Naramdaman kong may pumatak sa ilong ko. Napatingala ako sa langit at sinundan na naman ito ng maraming patak ng ulan. Sabay kaming tumakbo ng magandang babae sa gilid nang stadium na malapit sa bleachers. Dito kami sumilong. Nginitian nya ako habang pinapagpagan ang damit nya na napatakan ng ulan.

"freshman?" tanong nya sakin habang nakatingin sa ID lace kong kulay dilaw. May color coding kasi abg mga ID dito. Kapag 1st year dilaw. 2nd year pula. 3rd year green at pag 4thyr-5th year blue. Nakita kong kulay green ang ID lace nya kaya siguro 3rd year na sya.

"opo hehe" sabi ko. Nakaka intimidate ang ganda nya. Hayss. Nginitian nya lang ulit ako atsaka kinuha ang cellphone nya parang may tinatawagan sya.

"hello hon, sunduin mo naman ako dito sa stadium. Lakas ng ulan eh." sabi nya.

"okay sige. I'll wait" sabi nya ulit atsaka pinatay yung call. Humarap sya sakin with that angelic smile.

"saan dorm mo??" tanong nya.

"a-ah dyan lang sa pink dorm" sabi ko.

"gusto mo sumabay ka na sakin? Susunduin kasi ako ng boyfriend ko. Hahatid na kita." sabi nya. It feels awkward kasi I dont even know her name yet.

"h-ha? A-ah ano kasi" nag aalangan kong sabi.

"oh by the way Im Mae. " Sabi nya atsaka nilahad ang kamay nya para makipag shake hands. Tumugon naman ako agad.

"Im pham." sabi ko. Ewan ko pero nakaka attract talaga ang mukha nya. Maski ako na babae ay natotomboy sa ganda nya. Mestisa ang dating nya, may mala anghel na mukha at mukhang simple lang sya manamit pero ramdam mong anak mayaman.

"Phammmm!!!" napalingon ako sa biglang sumigaw. Pamilyar ang boses.

"Rex? O.o" nakasakay sya sa isang itim na ford. Ibinaba nya lang ang bintana pra tawagin ako.

"tara! Hehe" sabi nya. He always wear that makulit smile and I like it. Nakakahawa ang pagiging positive nya. Liningon ko naman agad si Mae para magpaalam.

"uh mae sorry ha. May sundo rin ako eh. Salamat sa pag alok. Bye!" sabi ko atsaka tumakbo papalapit sa sasakyan ni Rex. Umupo ako sa tabi nya (sya ang driver). Bakit kaya wala tong driver na kasama ngayon?

"paano mo nalamang nandito ako" buong pagtataka kong tanong.

"men's instinct I think? " sabi nya atsaka pinaandar ang sasakyan. Akala ko ihahatid nya lang ako pero mukhang nagkamali ata ako ng akala dahil nagdrive sya palabad ng University.

"uhhh.." sabi ko habang nakatingin sakanya. Seryoso lang syang nagddrive.

"lets eat? I bet you're hungry :)" sabi nya. Ewan ko ba pero parang nag iba yung pakiramdam ko kay Rex. Parang meron syang alam na hindi ko alam. Parang may tinatago sya.

---------------------------------
A/N: I'll post the next chapter later. Time check it is 1:25am. Hehe. Sleep muna. Goodnight! :*

The Girl You Left A Long Time AgoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon