Chapter 3

57 3 1
                                    

Pham's POV

Nagising ako nang maramdaman ko na sobrang sakit ng tenga ko. Malapit na mag landing ang eroplano kaya kanya kanyang diskarte ang mga pasahero kung paano mababawasan ang sakit sa tenga. Tinakpan ko nalang ang tenga ko at pumikit. Maya maya pa ay nawala na ang pananakit ng tainga ko kaya naman binitawan ko na ang pagtakip dito. Tumingin ako sa bintana at agad kong natanaw mula sa di kalayuan ang Umbridge University. Sobrang laki pala talaga ng University na to. Mukha syang kastilyo kung titingnan. Kakaiba sa lahat ng nakita kong University.

Maya maya pa ay unti unti nang nababawasan ang mga pasahero ng eroplanong sinasakyan ko, oo nga pala, kailangan ko naring bumaba. Bago ako bumaba ng eroplano ay binabati ako ng mga stewardess.

"uy Pham!" napalingon ako sa tumawag sa akin nakita ko agad ang makinis na mukha ni...sino nga ba ulit to??

"uy hehe" sabi ko nalang dahil nakalimutan ko ang pangalan nya. Bakit ba napaka ulyanin mo Pham? Hayss.

"freshman ka?" tanong nya. Oh he notice -_-

"a-ah oo. Hehe" i said awkwardly.

"talaga? Haha. Welcome to hell" sabi nya tsaka tapik sa balikat ko at dumiretso na sa paglalakad.

Nakatulala lang ako habang nagaabang na dumating yung maleta ko then finally nakita ko na ang maleta ko, dali dali kong kinuha ito at lumabas na ng airport para mag abang ng taxi. Nakaupo ako sa maleta ko habang inip na inip na naghihintay ng taxi. Pansin ko lang na parang ako lang ang nag aabang ng taxi pero dedma lang at patuloy parin sa paghihintay ng masasakyan. Hanggang sa inabot ako ng alas sais sa paghihintay ng taxi. Nagsisimula nang magdilim ang mga ulap at lumalakas narin ang ihip ng hangin.

*beeeep!*

Napalingon ako ng marinig ko ang isang busina mula sa likuran ko. Di ko maaninag kung sino ang nakasakay sa sasakyan dahil nasisilaw ako sa liwanag ng ilaw ng sasakyan.

"hey pham! Sino hinihintay mo?" narinig ko ang isang pamilyar na boses. Si anoo! Yung lalaking nakilala ko sa eroplano kanina.

"naghihintay ako ng taxi!" sigaw ko since medyo maingay sa lugar.

"are you kidding? Walang taxi sa lugar na to! Hurry! Get in the car" nagulat naman ako sa sinabi nya. Ano daw?? Walang taxi sa lugar na to?? Whuuut??

"di kita maintindihan!" sigaw ko ulit. Tinawanan nya lang ako. Bumaba naman mula sa sasakyan nya ang isang lalaki na mukhang driver nya ata atsaka kinuha ang mga gamit ko at nilagay sa compartment ng sasakyan kaya wala na akong nagawa kundi ang pumasok sa loob ng sasakyan.

"Hahahaha, freshmen never failed to make me laugh" sabi nya sabay tawa ng malakas. Ako naman, nakatulala lang sakanya at nagtataka kung ano ba ang nakakatawa sakin?

"anong nakakatawa?" medyo pikon kong tanong. Agad namam syang nagpunas ng luha dahil sa kakatawa nya.

"yung about dun sa taxi. Hahahaha. You look like a lost puppy kanina. Kung di mo ko nakilala edi sana aabutin ka ng kinaumagahan bago ka makaalis dun hahaha. There's no taxi in this island." sabi nya.

"anong klaseng lugar ba to?" nagtataka kong tanong.

"look, this island is for the elites. You don't look like one. Anong class ng family mo?" tanong nya. Ako naman si tanga, nakatulala lang. Di ko magets kung anong pinagsasabi nitong lalaking nasa harapan ko.

"what class?" tanong ko ulit. Bigla namang nanlaki ang mga mata nya at hinawakan ang balikat ko.

"wow. Commoner ka?" tanong nya.

"commoner? Hindi. Scholar ako dito. " sabi ko. Di ko alam kung ano bang commoner pinagsasabi nya. -_-

"i see. Kaya pala wala kang sariling sasakyan. Well, i have to warn you Pham." sabi nya and this time, medyo seryoso na yung pagkakasabi nya.

The Girl You Left A Long Time AgoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon