Chapter 14

38 2 0
                                    

Pham's POV

Nagising ako ng maramdaman kong parang may bumubuhat sakin. Pagmulat ko ng mata ay una kong nakita ang mukha ni Adrian. Naglalakad sya habang buhat buhat ako. Napikit muli ako. Ang sarap sa pakiramdam na magkalapit muli ang aming balat. Parang ayaw ko nang kumawala pero may boses sa isip ko na nagsasabing Pamela hindi na sya sayo. Gumising ka na sa katotohanan.

"Gising ka na??" tanong nya at napatingin sakin. Agad akong napalunok nang masulyapan ko ang dating Adrian. Yung lalaking palaging concern sa akin, ni hindi ako pinadadapuan nang lamok at yung adrian na mahal na mahal ako. Malayong malayo sa Adrian ngayon na palaging mainit ang ulo at puno ng pagkagalit sa akin, isang maduming babae ang tingin nya sa akin. Nakita ko kung paano nya ko pandirihan noon nung malaman nya ang tungkol kay Rex.

Dahan dahan nya akong binaba at binalanse ko ang sarili ko para makatayo ng maayos.

"salamat" sabi ko. Ngayon ay nasa tapat na kami ng airport.

"sige. Mukhang dadalawin mo pa ang boyfriend mo eh" sabi nya sa malamig na boses. Napatingin ako sakanya na puno ng pagtataka. Anong sinasabi nya?? Bago pa man ako makapagsalita ay tumalikod na sya at sumakay na sa sasakyan nya. Bigla kong naalala ang anak ko. Magbabago kaya ang tingin sa akin ni Adrian kung malalaman nya na may anak kami? Or mas pipiliin parin nya yung bagong babae sa buhay nya?

Adrian's POV

Nagddrive na ako pabalik nang campus. May iba akong naramdaman kanina habang pinagmamasdan ko sya. Ahhh! Kailangan kong alisin na sya sa puso ko. Nakakagulo lang sya sa relasyon namin ni Queeny.

*bbbbrrrrrrr bbbbrrrrrrr

Napatingin ako sa cellphone ko. Hindi naman sa akin galing ang tunog. Nang mapalingon ako sa gilid ay nakita ko ang isang maliit na cellphone. Agad kong kinuha ito.

Mama Calling...

"h-hello?" agad kong sinabi nang sagutin ko ang tawag. Choppy ang boses nang nasa kabilang linya kaya hindi ko ito maintindihan dahil siguro sa nabasa nang ulan ang cellphone kaya nasira. Binaba ko yung tawag. Cellphone to ni Pham. Bigla ulit itong nag vibrate but this time, text message lang ang nareceive ko.

From: Mama

Wag ka na umuwi, mabuti na ang lagay ni Xander. Wag mo kami intindihin dito. Alagaan mo sarili mo dyan.

Naguluhan ako sa text. Inaalagaan nang parents ni Pamela ang boyfriend nya? At willing talagang umuwi si pamela para lang dun? Tss. Kalokohan.

Napa u-turn ako ulit para bumalik sa airport at sunduin si pamela. Di ko alam kung bakit ko pa to ginagawa pero kasi naaawa ako sakanya. Pagkarating ko nang airport ay agad ko ayang hinanap. Mabilis ko syang nakita sa payphone sa gilid, parang may kausap sya. Nakatalikod sya sa akin kaya di nya ako nakikita na papalapit ako sakanya.

"pagaling ka baby ha?? May exam pa kasi si mommy bukas eh. Miss ka na ni mommy. " at narinig ko ang hagulgol nya. Napatigil ako at napatulala.

Pham's POV

"sige na ma. Alagaan mo nalang si Xander. Babye na. Pauwi na sana ako eh. Sige po. Ingat kayo dyan" sabi ko atsaka binaba ko na ang telepono. Napaupo ako sa sahig habang umiiyak parin. Sobrang nag aalala ako sa anak ko. Iba yung sakit na nararamdaman ko. Parang pakiramdam ko napaka wala kong kwentang ina dahil di ko man lang magawang alagaan ang anak ko sa mga gantong sitwasyon na may sakit sya. Pinunasan ko ang mga luha ko. Maglalakad na sana ako pabalik nang makita ko si Adrian na nakasandal na pala sa gilid ng pader katabi ng telepono. Napa atras ako.

"ihahatid na kita pauwi" sabi nya. Nakaramdam ako ng kaba. Feeling ko narinig nya ang pinagusapan namin nila mama kanina.

Since malakas ang ulan ay pumayag nalang ako sa alok nya. Wala naman kasing mga taxi dito eh. Wala rin naman ako sasakyan. Lumabas kami ng airport nang walang nagsasalita.

"sakay" he said in a cold voice. Ewan ko ba pero parang naging manhid nalang ako sa pagttrato nya sakin. Parang nasasanay narin ako na palaging ganun sya makipag usap sakin. Parang palaging galit.

"may anak ka?" bungad nyang tanong sa akin pagka start nya ng engine. Napatingin agad ako sakanya. Hindi nya ako tinitingnan. Nakatitig lang sya sa daan at patuloy sa pagddrive.

"wala. Bakit bumalik ka?" pag iiba ko ng usapan. Namamaga pa ang mga mata ko galing sa pag iyak.

"just answer the fucking question Pham" galit nyang sabi sa akin. Hindi ko alam ang isasagot ko. Sasabihin ko na ba sakanya? May bagong buhay na si Adrian eh, may girlfriend na sya. Magiging epal lang kami ng anak nya kung makiki agaw pa kami ng atensyon nya.

Hindi ko sinagot ang tanong nya. Pinindot ko ang 'on' button para sa radio. Tumugtog nang malakas ang radyo pero maya maya lang ay pinatay naman ito ni Adrian.

"sino ang tatay nun? Ako ba?" tanong nya. Oo ikaw Adrian! Kaso iniwan mo ko noon! Pinabayaan mo kami!! Hinayaan mong mahirapan ako mag isa. Di mo ko dinamayan. Wala ka sa tabi ko nang nangangailangan ako ng lakas at pagmamahal mula sayo. Di mo deserve si Xander. Akin lang sya.

"huh? are you kidding? Wala akong anak" pagtatanggi ko. Pagkasabi ko nito ay bigla syang nagpreno nang sobrang lakas. Muntik na ko atakihin sa puso sa ginawa nya. Tinitigan nya ko. Yung titig na parang gusto nya akong saktan.

"huling tanong. Anak ko ba yun?! Just answer me!!" atsaka hinampas nya ng maraming beses ang manibela. Lumakas ang kabog sa puso ko. Nakaramdam ako ng takot dahil nakikita ko na naman ang dark side ni Adrian.

"wala nga sabi akong anak!" sigaw ko rin atsaka bumaba ng sasakyan. Maglalakad nalang ako pabalik ng campus. Naramdaman kong may malakas na humila sa braso ko. Sobrang sakit.

"arayyy! Ano ba!!!" sigaw ko. Mahigpit ang bawat hawak ni Adrian. Marahas nyang tinaas ang damit ko. Habang ako naman ay patuloy na kumakawala sa pagkakahawak nya. Hinawakan nya ang bewang ko at sinandal sa pader. Doon nya muling itinaas ang damit ko.

"tama na! Adrian, plssss..." nawawalan na ako nang lakas. Huminto sya saglit at napasuntok sa pader

"may mga stretch marks ka Pamela! Ano ba?! Bakit di mo nalang aminin?! Anong mahirap dun?!" umiiyak lang ako habang sya naman ay nakahawak sa tyan ko. Nalaman nya na. Ano nang gagawin ko?

"hayaan mo nalang kami pls. Okay na kami kahit wala ka." sabi ko. Hindi ko na alam ang gagawin. Baka lalo lang maging magulo ang buhay ko ngayong alam na ni Adrian na may anak kami.
----------------
A/N: bitin. Pasensya na. Bukas nalang ulit. Hehehe

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Girl You Left A Long Time AgoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon