PROLOGUE

1.4K 23 14
                                    

A/N

NASA KALIWA ANG VIDEO NG TRAILER NITONG STORY..

 TANDAAN: HINDI KO PO ITO INAANGKIN. ITO KASI ANG PINAKAMAGANDANG NAPANOOD KO SA TAIWANESS DRAMA. SANA MAGUSTUHAN NIYO ^_^

HUWAG PO KAYONG MAG EXPECT MASYADO NA, WALA PO AKONG ERROR. MEDYO MERON LANG PO.

--------------------------------------------------------------

Nanikip bigla ang dibdib ko ng marinig ko ang pamilyar na bosses na iyon. Hindi ko alam kung bakit ako nasaktan sa sinabi niya. 

''Tsk, sunod-sunoran ko lang yong bampkin girl na yon. E baliw na baliw sa akin yon e. Akala niya kami ang magkakataluyan. Kasi isinama ko siya dito sa manila para gawing yaya ko para may mag-alaga sa akin. Alam mo naman nasanay ako sa amin na tinatrato na parang prinsipe.''  

Lalong nanikip ang dibdib ko pero di ko alam kung bakit basta nakadikit lang tainga ko sa pader at hindi makagalaw. 

''Talaga, so gusto mo gawin mo kong yaya mo. Kasi gusto kong maging sunod-sunoran mo katulad ni Twinkle.'' ako ba talaga ang pinaguusapan nila.

''Hindi. Hindi ka katulad ni Twinkle'' k-kilala ko ang bosses na yon. Di pwede. ''Ang hot mo, siya boring, maganda ka, siya ang pangit e di marunong mag ayos sa sarili parang tibo, sexy pa naman ng katawan mo, siya buto-buto. HAHAHAHA!'' di ko na kaya talaga. Buto-buto pala ah... Tingnan natin.

Pumasok ako bigla at tumambad sa akin ang likod ni Gino na nakapatong sa isang babaing nakapulang damit na hindi ko makita ang mukha. Sumikip na naman ang dib dib ko sa galit. Walang hiyang Gino na iyan. Sa loob ng 19 years na magkasama kami. Iyon pala ang tingin niya sa akin. 

''GINO PARK!!'' sigaw ko. Sabay hinagis ko sa likuran niya ang librong napulot ko sa lamesa. Halos mag-aapoy na ako sa galit. 

Napalingon naman si Gino at umayos ng tayo. 

''LAHAT NALANG NG HIRAP DINANAS KO PARA SAYO. LAHAT TINIIS KO PARA SAYO. PERO!!! HINDING-HINDI KO MATIIS NA TINAWAG MO AKONG BAMPKIN GIRL! WALANG HIYA KA PALA!!! '' parang may gustong lumabas sa puso ko. Dahil sa galit. Wala siyang utang na loob!!

''Tama lang naman ang sinabi ko. Sunod-sunoran ka lang naman sa akin. Simula pa ng bata p- 

''MAGHIHIGANTI AKO SAYO!!!'' bigla nalang iyon lumabas sa bibig ko. Di ko na talaga kaya kontrolin ang sarili ko. 

''Gusto mo maghiganti? Sige, payag ako. Kailangan makapasok ka sa SHOWBIZ para magpantay ang lebel nating dalawa.'' nabigla ako sa sinabi niya. Showbiz? Paano yon?

''SIGE! PAYAG AKO! Lalabanan kita sa showbiz at ibabagsak ko pa career mo!!!'' basta nasabi ko na iyon. Kaya wala ng bawian. Tutuparin ko ang sinabi niya. Papasok ako sa showbiz. 

SKIPBEAT (SUPERSTAR series: BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon