Wade's POV:
March 21 2015 (7:00 PM)
Tumatakbo lang kami ni Manuela. Hindi ko alam kung ano nangyayari. Basta ang alam ko, hinahabol kami ng mga nakamaskarang tao na may dala-dalang mga baril.
Pumunta kami ni Manuela sa isang madilim na eskinita at nagtago. At sa aming swerte, hindi dumaan dito ang mga nakamaskarang tao.
Hingal na hingal ako sa pagtakbo, ganon lamang din si Manuela. Hindi ko lamang maintindihan kung bakit nagkakaganito.
Para saan ba ang malakas na sirena na iyon? At bakit may humahabol saaming mga nakamaskarang tao?
At lalo na, NASAAN ang mga tao sa paligid?
"W-Wade..." utal na tinawag ni Manuela ang aking pangalan.
Binaling ko ang tingin ko sa kanya.
"K-kailangan natin makapunta sa iba—sa mansyon. Nanganganib ang buhay ni ate at ng iba nating kaibigan." Nag aalala niyang sinabi.
Hinawakan ko siya sa kamay at nagsimulang maglakad.
"Kahit ano mangyari Manuela, wag kang bibitaw. Dito ka lang sa tabi ko. " ma-awtoridad kong utos sa kanya habang deretso lamang ang aking titig sa harapan.
I ain't leaving by her side even just one second. Ayoko siyang masaktan.
Whatever is happening right now is definitely not good. I guess this will be a long night...
______________________________________
Julyanne's POV:
March 21 2015 (7:03 PM)
Narinig ko ang malakas na sirena na umaalingawngaw mula sa labas. Bahagyang natigil kami ni Justin sa pag lalambingan.
"A-ano ang nangyayari?" Medyo kinakabahan kong tanong bago tumingin sa bintana.
Labis lamang ang aking pangamba nang makita ko ang isang pagsabog mula sa city. Liblib kasi ang mansyon, kaya't medyo malayo-layo ang city mula sa kinaroroonan namin.
"Babe. Bakit may pagsabog sa city?! Ano yung nagaganap?!" Takot na tanong ko kay Justin.
"Hindi ko alam baby. Wag ka matakot, nandito lang ako." Justin comforted me before wrapping his arms around me for a hug.
"Guys! Kailangan niyo makita ito." Narinig kong sinigaw ni Zeus mula sa living room.
Agad na kaming bumaba ni Justin. Pumunta ako doon sa living room, at nakita kong tipon-tipon ang lahat.
Nakita kong nakatitig silang lahat sa tv. Tumingin din ako sa tv at ito ang nakita ko.
BINABASA MO ANG
The Purge: A trip to hell (COMPLETE) (Editing)
FanfictionHighest rank: #997 IN FANFICTION _________________________________________ This story is pure taglish. _________________________________________ One night a year....... ALL CRIME IS LEGAL. What will you do if one of your closest friends turns out to...