CH7: Chaos around the quiet city

383 17 7
                                    

Gem's POV:

March 21 2015 (7:32 PM)

We were walking quietly around a deserted street in the city. Medyo malawak rin ito at napapaligiran ito ng mga apartment at iba pang matataas na estruktura.

"Oh my gosh. Hindi pwede mangyari eto. Now we're walking around the seemingly deserted streets which obviously points out that we're in open danger!" Nagpa-panic na wika ni Diana.

Kanina pa ganito si Diana, pero hindi naman ako naiilang sapagkat kalmadong kalmado ako sa ganitong sitwasyon. Hindi ko lang alam sa mga kasama ko. Sa tingin ko, ilan sa kanila ang halatang naiirita na sa pagiging histerical ni Diana.

"Just please shut the hell up, Diana?! Can't you calm down in just a second?!" Hindi na napigilan pa ni Paisley na bulyawan si Diana. Halatang halata na ang bahid ng pagka irita sa kanyang mukha.

"Shut up Choi! Hindi ako pwede kumalma sa ganitong oras at sitwasyon ngayon!" Ganti ni Diana bago lapitan si Paisley.

"Oh ano? Ba't ka lumalapit? Papalag ka na ba? I wouldn't even dare do that if I were you, Diana Williams." Wika ni Paisley na may halong pagbabanta.

Bago pa man umakma si Diana ng sampal para kay Paisley, natigilan sila nang marinig namin ang mapait na halakhak ni Stacey.

Ilan sa amin ang nailang sa inasal ni Stacey. Maski ako'y hindi ko maiwasan ang paninigas ng aking katawan dahil sa halakhak ni Stacey. Hindi naman kasi palatawa na tao si Stacey. Laging nakabusangot. At pawang kahit kailan man ay hindi namin sya narinig na tumawa.

"What the hell are you laughing at, Addams?" Kunot noong tanong ni Diana.

"You're quite funny in the most pathetic way, Diana." Napabuntong hininga saglit si Stacey. Nakapameywang siya  habang nakalagay ang isang kamay nya sa gilid ng kanyang balakang. Makikita mo rito ang mapait na ngisi niya. "Considering what you've said, napaka ironic namang isipin na sabi mo ay mukhang deserted ang paligid natin, yet you're screaming and whining over there, adding to the fact that you might draw unwanted attention at any time. I mean, what kind of a unique idiot would start screaming around a silent place in the middle of a dangerous situation?"

Natameme si Diana sa kanyang kinatatayuan dahil sa pahayag ni Stacey. Aaminin ko, may sense talaga ang kanyang mga kataga. Sometimes, silence is a way to escape such chaotic situation.

"Oh please, wag ka nga Stacey." Mapait na sambit ni Diana. "Ugh! Why does everyone has to limit everything I do, specifically right now?! You guys aren't the boss of me! Para kayong mga magulang ko, always bossy. I'm tired of being told every single thing that I have to do!" Pagmamaktol niyang saad.

"Hindi ka namin iniistriktahan Diana." Bigla na lamang sumingit si Anthony. "Para naman sa kaligtasan mo itosaatin. Ngayon kung gusto mo ibigay namin ang kalayaan na gusto mo, maari ka nang mawalay saamin."

Bahagyang natahimik kaming lahat sa sinabi ni Anthony. It's true anyways. Kung gusto man ni Diana maging lone wolf, pwede Naman. Pero mas pipiliin kong sumama sa mga kaibigan ko. No man is an island though.

The Purge: A trip to hell (COMPLETE) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon