CH21: The 1st set

201 12 15
                                    

Gem's POV:

March 22 2015 (5:00 AM)

Nagising ako. Medyo masskit pa ang ulo ko. Hinilot hilot ko ang aking sentido bago bumangon. Nilibot ko ang paningin ko. Mukhang nasa isa sa mga kwarto ako ni Geneva.

I still can't remember how I completely got here. But---

FLASHBACK:

Napabuntong hininga ako bago pumasok sa gate.

Hindi ko maiwasang kabahan sa ano mang susunod na mangyayari.

Bawat hakbang na gawin ko patungo sa malaking pintuan ng mansyon ay lalong lumalakas ang tibok ng puso ko.

Sa wakas at nakaharap ko na ngayon ang pintuan. Pero bago pa man ko mabuksan ang pintuan, may naramdaman ako na parang may tumusok sa balikat ko. Bago ko pa man ma-proseso ang pangyayari, naramdaman kong bumagsak katawan ko bago mandilim ang paningin ko.

END OF FLASHBACK

Yan lang ang Naalala ko. Hindi ko alam pero bakit hindi ako nakagapos? I mean yeah, I know it only works in horror books. But it just doesn't feel... right.

I know something more worse is up.

"G-Gem..." may narinig aking mahinang boses sa aking likuran.

Lumingon ako at parang gusto ko maluha sa nasaksihan ko. Nakita ko si Anthony na nakagapos sa higaan.

Medyo nagdudugo ang noo niya. May konting pasa sa mukha niya. Halatang pinagtulungan siya.

"A-Anthony! Ano nangyari sayo? Ano ba nangyayari?" Medyo natatakot kong tanong sa kanya. Sinubukan kong itanggal ang mga makakapal na lubid sa kanilang pagkatali, pero sadyang mahigpit ang pagka buhol nito sa magkabilang kamay at paa ni Anthony.

"Gem. K-kailangan natin makatakas. I-play mo yung tape recorder na yon sa lamesita sa gilid mo." Medyo nahihirapan niyang sambit.

sinunod ko ang utos niya at pinindot ang play button ng tale recorder.

"Hello gem." Narinig ko ang malalim na boses ng salarin. "As you can see naman, nakagapos si Anthony sa kama. So ano ang gagawin mo? Kita mo yung scalpel na nakalapag sa tabi ng tape recorder? Well alam mo naman purpose niyan. Simple lang gagawin mo. Hanapin mo ang susi sa katawan ni Anthony using the scalpel. The key will be used to unlock the door. Within 1 minute kailangan mo yan mahanap. Kung hindi, may sasabog na poison gas bomb dito sa kwartong ito. Alam niyo naman yata mangayayri hindi ba? So enough with the chitty chat. Also, to know where the key is, I'm gonna give you a hint... Sins can't be spit out, but can be digested. That's it... let the game begin!"

The Purge: A trip to hell (COMPLETE) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon