CH6.2: Run, hide and don't die (pt. 2)

264 16 2
                                    

Kyra's POV:

"Nawawala si Charm!"

Nag pantig ang mga tenga ko dahil sa sinabi ni Hero. Nilibot ko ang paningin ko sa aking mga kaibigan, at napansin kong wala nga si Charm!

"H-ha?! Hindi maaari!" Nag pa-panic na sinabi ni Jaz habang palibot-libot ang kanyang mga mata sa paligid.

Hindi pwede kami umalis dito hanggat' hindi kami kumpleto!

"G-guys." Narinig namin ang mahina na tinig ni Yen.

"What Yen?" Sinagot siya ni Paisley.

"Naka receive ako ng text mula kay Charm." My hopes became high at what Yen said.

"Ano sinabi niya?" Kyuryos na tanong ni Dark bago eto tumabi kay Yen para itignan ang text.

"Guys. Nasa mansyon parin ako." Pagbasa ni Yen sa text.

Huminga ako ng maluwag sa sinabi ni Yen.

"Nag text nanaman siya " Muling wika ni Yen. Ang aking noo'y napakunot sapagkat nahalata ko ang kaba sa ekspresyon ni Yen.

"What did she say?" Tanong ko sa kanya habang unti-unting lumalapit sa kanya.

"P-pero hindi na a-ako makakasama sa inyo." Nauutal na binasa ni Yen ang text.

Huh? Bakit?

"D-dahil..." lalo akong nasabik sa pabitin ni Yen sapagkat desperada na akong malaman ang kasagutan kung ano nga ang kalagayan ni Charm.

"Dahil?!" Taas-tonong tanong ni Hero. Bahid na bahid sa mukha nya ang malalang pangamba't pag aalala.

"Dahil...Pinatay na nila ako."

Lumaki ang mga mata ko sa sinabi ni Yen. Hindi pwede mangyari! Paano?!

"Oh god." Naiyak na sambit ni Alexa habang tinatakpan niya ang kanyang bibig.

"H-hindi pwede!" Mangiyak-ngiyak na hiyaw ni Hero.

Nakita kong humahagulgol na si Jazmine. Kusang lumapit si Anthony sa kanya at walang kibo na pinatahan neto ang dalaga.

Dahil sa pag-aalala at takot ko, t hindi ako naniniwala sa text, kaya't tumakbo ako pabalik sa mansyon.

"A-ate! Saan ka pupunta?!" Nag pa-panic na tinanong ni Gem saakin.

"Pag hindi ako bumalik ng 10 minutes, umalis na kayo dito!" Pahabol kong sigaw sa kanila habang patuloy lamang ang aking pagtakbo.

"ATE! WAG! BITIWAN NINYO AKO!"

Umalingawngaw ang sigaw ng aking kapatid sa aking mga tenga.

The Purge: A trip to hell (COMPLETE) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon