Chapter 1

1K 15 6
                                        

 [1]

Ang hyper na naman ng kapatid ko, palagi rin niya kong inaaway. Hindi ko alam dito kay Coleen, simula ng magising kami sa kwarto ng hospital ay ilang naman siya sakin. Pero noong tulungan naman kami ni Mommy at ng bagong Ama ko para maibalik ang ala-ala namin ay medyo nagkakasundo na kami.

Hindi ko nga alam…ganito rin kaya siya dati? Kahit ako na irritated at parang nasusungitan ang ibang tao. Naguguluhan ako at sa twing may iniisip akong malalim, sumasakit lang ang ulo ko.

 

“Lance!” Sigaw ni Coleen na nasa tabi ko lang naman. Magkatabi kami sa sasakyan ni Papa. “Ooops. I mean kuya Lance. Yung classmate ko, si Julie.. nadulas siya sakin!” Nakita kong napatingin si Papa sa salamin ng kotse.

“Na-nadulas? A-anong nadulas?” Nagtataka kong tanong.

“Wag namang literal!” Sabay palo niya sakin sa braso. Sakit na ng braso ko dahil sa kanya, pero hanggat maaari na masaktan nako, wag lang siya. “Hindeee. Kasi, kanina nagkekwentuhan kami about crush. Then sabi niya.She had a crush on Engineering Department, sabi ko naman..” Umakting pa siya. “Si kuya ko yun noh! Si kuya Lance yun Julie noh? Ganun! Inaasar ko na siya dahil guilty naman! Hahaha!”

“Sus, syempre! Gwapo kaya ng kuya mo!” Nakita kong inirapan niya ko. “Oh bakit?”

“Gustong gusto mo naman!”

 

“Nagseselos ka lang eh..” sabay tusok ko ng pisngi niya.

Napatigil siya bigla. “Nandito na tayo, Lance don’t forget to bring your medicine’s prescription.”

“Opo Pa.” sagot ko.

“Ay Pa, wait sabay tayo!” Sabi ni Coleen ng pababa ng kotse si Papa. Nag ok sign naman si Papa, pero sinarado niya ang pinto.

 

“Uy Coleen. Nagseselos ka?” Ulit ko sa kanya. “Kuya? Bakit naman ako magseselos? Duh!? You’re my brother.” Mataray nitong sagot sakin.

“And you are only my step-sister.” Bawi ko, pero di naman niya pinansin at agad bumaba ng kotse. Pagbaba ko naman ay nakahawak na siya sa braso ni Papa.

Naglakad kami papunta sa loob ng hospital hanggang sa makarating sa Doctor ko, hindi kami parehas ng doctor dahil magkaiba raw kami ng kondisyon.

Inihatid ni papa si Coleen sa third floor kung saan nandon yung doctor niya, pero ako naiwan at nagsimula ng itest.

 

“You’re fine… Siguro 3 months to intake ng sinabi ko pang medicines you will get back to your normal life Mr. Posadas.” Nangiti ako sa sinabi ng Doctor.

“That also means, yung ibang memories ko Doc maibabalik pa?”

“We don’t know, mahalaga pa ba yun sayo kung nandyan naman ang pamilya mo para madagdagan ng magagandang memories ang buhay mo?

Yes, syempre mahalaga yun. Kahit nandyan ang pamilya ko, kahit nakwento na nila tungkol lahat sakin ay may gusto pa rin akong malaman.

She's my Step-SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon