Chapter 15

248 7 4
                                    

[52]

"Pa.. na- napainom lang si Coleen ng mga kaibigan nya kaya sya nalasing. Hayaan nyo na syang magpahinga..." nanginginig kong sabi kay Papa pero kay Coleen pa rin sya nakatingin.

"Did you just hear what I said, Lance?" tinignan nya ako ng masama na hindi ko pa nakikita sa tagal ng pagsasama namin bilang mag-ama. "I told you to go up to your room, and lock up your door.." sabi nya habang tinuturo pa ang hagdan habang nakatingin sya sa akin.

"P- Pero.. " tumingin ako kay Coleen pero nakayuko lang sya at hindi ko makita ang mukha nya. "Pa.. she—she's not feeling well.. "

"Can't you hear me??!!" sinigawan na nya ako na nag-echo naman sa loob ng bahay. Sa naging reaksyon nya ay hindi ko na malaman kung ano pa ang sasabihin ko. Dahan-dahan akong napabitaw sa wrist ni Coleen.

I don't want to let go of her hand pero wala naman akong magagawa. I need to respect him as my Dad.

Bago ko sila talikuran ay nakuha ko pang tumingin sa mga mata ni Papa, at galit lang ang nakita ko sa mga mata nya.

Umakyat ako ng hagdan habang nakatingin sa kanila. Hindi pa rin nun bumibitiw si Papa sa pagkakahawak sa magkabilang braso ni Coleen. I just couldn't stand this. Ayokong maparusahan si Coleen, kahit na hindi ko pa alam kung ano ang ipaparusa sa kanya.Nagulat na lang ako ng may makabunggo ako, agad naman akong napalingon at nakita ko si Kuya Louis sa harapan ko. Nasa pinakataas sya ng hagdan na nilalakaran ko.Nakita ko ang mga tingin nya sakin na alam kong hindi maganda ang ipinapahiwatig.

"Let's talk Lance.." mahinang sabi ni Kuya habang nakatingin sa mga mata ko.

Hindi naman ako sumagot sa kanya at sumunod lang ako sa paglalakad nya. Pumasok kami ng kwarto nya at lumabas papunta sa veranda.

"upo ka.." aya ni kuya sakin pero umiling ako.

"Anong gusto mong sabihin Kuya? Magagalit ka na naman dahil hindi kita sinunod?" sagot ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata nya. May halong inis at tampo ang nararamdaman ko sa kanya ngayon. Yun ay dahil alam kong may itinatago sya o sila sakin. Na gustong-gusto kong malaman.

"May gusto ka ba kay Coleen?" seryoso nyang tanong na ikinagulat ko. Natahimik ako at hindi ako nakatingin ng deretso sa kanya.

Hindi ko alam kung magsasabi ako ng totoo, o magsisinungaling sa itinanong nya.

"Do you like her?" muling tanong nya pero sa sahig lang ako ng veranda nakatingin. "Kase kung gusto mo sya Lance. Alam mo na ang dapat mong gawin. Malaki ka na. Alam mo na ang tama sa mali."

"What if I like her?" dahan-dahan akong tumingin sa mga mata nya at nakita ko ang gulat na reaksyon nya.

"Then dont..don;t even think about liking her.. " umiling sya ng mabagal.. "wag mong simulan ulit, Lance.."

She's my Step-SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon