[25]
Naupo kami ni Julie sa isang mesa sa restaurant. Di ko rin sya maintindihan, bigla na lang nya ko pinapunta tapos sya pa yung mukang clueless na dadatnan ko dito.
"Sorry Lance huh. Naabala kita... kasi naman-" sumimangot sya. Ni hindi ko pa nga nagegets kung ano yung sinasabi nya. "Umm, nagugutom ka na?" pag-iiba nya ng topic.
"Umm -"
"for sure gutom ka na.." nakangiti nyang sabi sakin. Di ko pa nga nasasabi na hindi pa ko gutom. "Waiter" tawag nya sa waiter habang kumakaway dito. Lumapit naman kaagad yung waiter samin.
"What's your order Mam, Sir?"
"Umm. Lance, what do you like?" nakangiti nyang tanong sakin.
"Ahh.. I'm fine. Hindi pa ko gutom.."
"Ahh ganun ba.." tumingin sya sa waiter. "nevermind.. Thank you.." tumingin sya ulit sakin.
"Sorry.." mahinang sabi ko sa kanya.
"Alam mo. Okay lang." nag-wide smile sya sakin. "Kakakain ko lang din eh.." bigla naman akong nagtaka dun sa sinabi nya. Kala ko niyaya nya ko dito para kumain kaming dalawa. Nauna na sya sakin? "Galing kasi dito si Elmo, umm-you know him naman di ba?" tumango naman ako. "We had a dinner.. Tapos ayun-" ngumiti sya ulit tsaka humawak sa kanang braso ko. "Alam mo, thank you talaga.."
"Thank you, for what??" clueless na tanong ko. Habang tumatagal mas hindi ko sya naiintindihan sa sinasabi nya.
"For coming... kase alam mo, hindi ko na talaga alam kung sinong pwedeng tumulong sakin sa kinocompose kong kanta para sa upcoming album ko." compose? Kanta?HUH? "Buti na nga lang inirecommend ka sakin ni Coleen para tulungan akong mag-compose eh.." Nakangiti nyang sabi.
Ngayon, alam ko na kung sino may pakana nito.
Napabuntong hininga na lang ako, I want to help Julie but I really don't know if I can help her...
"Umm... Okay lang-?" sagot ko sa kanya.
"Hmm, di ko alam na mahilig ka din pala mag-compose." Nakangiti nyang sabi sakin. Ngumiti na lang ako na parang totoo yung sinasabi nya tungkol sakin.Ako?Mahilig magcompose? Ni wala pa nga akong naisusulat na kanta sa tanang buhay ko. Sa pagkakaalam ko?
"ahh-" tumango na lang ako.
"by the way, eto nga pala yung mga lyrics sana ng kantang ginagawa ko. Kaso, I have no time to make a tune for it. Tsaka hindi ko pa natatapos yung lyrics" Ibinigay nya sakin ang isang brown envelope "Kaya nga, I'm very thankful to you. Kase di ko inaasahan na ako pala ang matutulungan mo." Nginitian ko naman sya, kahit na hindi ko din alam kung matutulungan ko nga sya.
"We-Welcome?"
"Umm-" tumingin naman sya sa wrist watch nya. "Sorry Lance huh, di na rin ako magtatagal kase may taping pa ko ngayon eh.." kinuha nya ang bag nya na nasa gilid ng upuan at isinakbit sa balikat nya. "Alis na ko huh.."humawak sya sa kaliwang braso ko at ngumiti. "Thank you so much ulit, Lance" tsaka sya tumayo. "See yah.." tsaka nya ako tinalikuran at lumabas na sya sa restaurant.
BINABASA MO ANG
She's my Step-Sister
RandomOliver Lance Posadas, who was deeply in love with his friend's girlfriend Coleen Garcia. Complicated things happens, and Oliver took that chance to get closer with Coleen, until she completely fall for him too. Unexpectedly things happened when they...