Chapter 5

383 11 1
                                        

[14]

 

“Love?” Natawa ako pero sa totoo lang naisip ko din yun, paano nga kung meron? “Pero siguro mas okay na to, dahil may mga bagay na rin naman na ayaw mong maaalala eh. Kunwari na lang ang pagkamatay ni Daddy.”Pag-iba ko ng topic.

 

Tumingin siya sakin, ngumiti pagkatapos may kinuhang kung ano sa bag niya.

 

“Eto oh, kung kailangan mo ng kausap, kung may problema ka. Just call me” Sabi niya sakin habang inaabot ang calling card na kinuha niya sa orange bag niya.

“Makakatanggi pa ba ko? Hindi ko rin naman alam kung busy ka eh. Thanks.” Sabi ko at parehas kaming nagngitian sa isa’t-isa.

“So, let’s go?”

“Okay lang ako, kaya ko ng umuwi.” Sabi ko sabay bukas ng pinto ng kotse niya. “Sigurado ka ha?”

“Oo naman.”

“Sige Lance, I have to go. Alam mo na?” Sigurado may trabaho pa siya.

“Yes, ingat Julie.” Sinarado ko na ang pinto, binuksan pa niya ang window  at sabay nagwave sakin. “Bye, ingats.”

 

“Bye..”

 

[15]

Pag-uwi ko sa bahay dumeretso na muna akong kwarto at ginawa ang assignment ko, sandali lang naman yon. Sandali pa,kinatok ako ni Kuya at sinabi na maglaro daw kami.

Marunong pa naman ako ng basketball, pero mas magaling si Kuya Louis sakin. Sabi nga niya mas magaling ako maglaro dati.

Kapag naririnig ko lang yun salitang DATI, parang mas nacucurious pa ko. Parang gusto ko ng maaalala ang lahat ng nawala sa memorya ko.

 

“Lance!” Napatulala na lang ako bigla at di ko namalayang tumama ang bola sa may likod ko. Napaupo ako pero di naman gaanong masakit ang pagtama.

“Lance bakit ba kasi tulala ka dyan? Masakit ba?” Inabot niya ang kamay niya para maitayo ako. Kinuha ko iyon at pagtayo ko pinagpagan ko ang shorts ko.

“May naalala lang ako..”

“T-talaga?”

“Tssk.” Tinapik ko ang braso niya tsaka kinuha ang bola na nasa likod niya. “Wala to Kuya, may naalala lang ako kung ano nga ba talaga ako dati..”

“Hanggang ngayon pa rin?” Tanong niya habang magkatalikuran kami.

“Masama?” Tumalikod ako pero nakatalikod pa rin siya sakin. “Di ba dapat naman talaga Kuya? Mas maganda kung malalaman ko sa sarili ko yung tunay kong pagkatao, hindi sa ibang tao.”

 

Tinira ko ang bola at sakto pasok ito sa ring.

Bigla na lang akong nainis sa sarili ko, parang mali ata yung pakitungo ko kay Kuya. Sa lahat, si Kuya Louis lang yung parang may sobrang trust ako. Because Mommy and I, we didn’t talk that much and Onin is just a little kid.

She's my Step-SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon