Chapter 10

320 9 2
                                    

[33]

I think I've all messed up...Simula nung makita ko yung Coleebear na keychain ni Coleen. Wala na kong maisip isagot sa exam namin kanina. That thing reminds me of something... but I don't remember where on when did that happen. Ang naaalala ko lang, I was with Coleen and she's holding that thing..

"Oy dude!" napalingon na lang ako ng may tumapik sa likod ko. SI Quen lang pala.

"Kumusta exam mo?" natatawang tanong nya. "Wala na naman akong maisagot, kaya pinasa ko na lang.." sabay tawa nya ng malakas.

"Uhhh.." maikling sagot ko. Tsaka ko itinuon ulit ang tingin ko sa dinadaan ko.

"Mukhang marami kang naisagot ah. Tagal mong pinasa eh. Nakasabay mo pa si Chris Yuan pagpasa."napabuntong hininga na lang ako. Sa totoo lang, ilang minuto ko lang din tinitigan yung test paper. Tapos ng mapansin ko na lang konti na lang pala ang tao sa classroom. Maging si Quen nakalabas na rin sa classroom nun. "Oy, wala ka sa mood? Pano practice natin mamaya sa basketball nyan. Baka unang salang pa lang eh mapatalsik na tayo."

I kept thinking of that scene... yung scene namin ni Coleen na magkasama ng araw na yun. Kelan ba nangyari yun? At tsaka, bakit halos magkamukha yung bagay na yun na hawak nya sa naaalala ko.

"Lance, may problema ba??" napalingon na lang ako kay Quen sa itinanong nya.

"Ahh.. may inaalala lang."

"Tungkol saan?" clueless na tanong nya.

"W- wala." Tinalikuran ko sya at lumakad lang ako ng mas mabilis kanina.

"Psh, ang weird mo! Uy!- Teka hintayin mo ko!"

Napahinto na lang ako ng may tumabig sakin. Nilingon ko pa nga sya nun.

"So-Sorry" napatingin sya sa mukha ko. "Ay, Lance! Sorry.. nagmamadali kasi ako eh.." di ko alam pero bigla na lang nag-init ang ulo ko."Sorry ulit, I gotta go.." pagkatapos nun, tumakbo na ulit si Elmo paakyat dun sa second floor ng building.

"Bakit kaya nagmamadali yun?" tanong ni Quen ng makalapit sya sakin.

"Who cares.." maiksing sagot ko.Isang clueless na tingin lang naman ang isinagot sakin ni Quen at pagkatapos nun ay nagtuloy-tuloy na ulit ako sa paglalakad ko.

After lunch ay dumeretso na kami ni Quen sa gym para sa basketball practice. Ngayon ko lang nakita lahat ng kasali sa varsity team ng basketball sa school. Marami din pala kaming member, I wonder kung maipapasok pa kami sa line up para maglaro. O sa bench na lang kami palagi for substitution.

"Mr.Posadas!Nice Shot!" nakangiting sabi sakin ni coach ng maipasok ko ang bola sa basketball ring. Nag-smirk lang naman ako at nakarinig lang ako ng ilang hiyawan. Nakapila kasi kami at pinapasahan isa-isa ng bola.Buti na lang at hindi ako naapektuhan nung inaalala ko. But in the other way around, iniisip ko pa rin talaga sya. Siguro mamaya, itatanong ko na lang kay Coleen kung may naaalala sya tungkol dun.

Matapos ng practice namin ay niyaya pa ako ni Quen sa sports club na sinasalihan nya, pero tinanggihan ko naman din iyon.Dahil naisip ko na puntahan na lang si Coleen sa department building nya. Kasi kapag sa bahay ko sya kinausap tungkol dito.Sigurado akong mapupuna na naman kami ni Kuya, at ayoko ng maulit yung pangyayari na pinagsasabihan nya kong iwasan si Coleen.

She's my Step-SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon