Chapter 25

137 6 3
                                    

[81]

Buong gabi ay wala akong ibang maisip kundi ang sinabi ng babaeng iyon. Tumatak din sa akin ang mukha nya, lalo na't parang nakita ko na sya sa alaala ko. Ngunit pakiramdam ko ay hindi ko magugustuhan ang babaeng tulad nya, masyado syang agresibo na para bang ipinipilit nya ang sarili sakin.Hindi ko rin naman sya masisi dahil ako itong nawalan ng alaala. Naisip ko tuloy kung paano kung nagsasabi sya ng totoo? How will I face her, knowing that I like someone else now?

Nagising akong may kakaibang ginhawa sa pakiramdam. Iba sya sa pakiramdam, hindi kagaya ng ospital na sa araw-araw ay maaamoy mo ang amoy ng gamot. Dito ay para akong nakakahinga ng maluwag at para bang kumawala ako sa isang hawla dahil pakiramdam ko ay malaya na ako. Wala man akong naaalala na kahit na ano sa bahay na ito, pero parang pamilyar ang katawan ko dito. Ang sabi ni Mommy ay ito talaga ang orihinal na bahay naming noon. Hindi ko naman na naitanong kung bakit pa kami lumipat noon sa isang malaking bahay kung apat lang naman kami.

"Oli, gising ka na ba?" dinig kong may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Binuksan ko naman kaagad ang pinto dahil sa excitement na makita kaagad si Kuya Owy.

"Goodmorning Kuya!" maligayang bati ko sa kanya na ikinagulat nya.

"Mukhang maganda ang gising natin ah?" nakangiting sabi nya.

"Yup! It was my officially my first day kaya ipasyal nyo ko mamaya ah."

"Ha? Eh di ba may date ka mamaya? And Finals kase ngayon Oli, ni hindi na nga sila nakapagsundo sayo sa airport di ba?So busy pa ang barkada."

"What? Are you kidding Kuya? Nagbibiro lang naman yung Coleen di ba? And to tell you the truth naiilang ako sa kanya." Pagsimangot ko.

"Bakit naman? Di mo pa naman sya nakikilala ng husto?"

"Sabihin na lang natin Kuya na, first impression last?" natatawang sabi ko. "And besides, I don't have any idea who she is. I was in America for almost 4 years pero wala naman kayong namention na Coleen sa buhay ko. Right?" pagpapalusot ko dahil sa ngayon ay gusto ko talagang makipagbonding sa mga kaibigan ko lalo na sa mga kapatid ko. "And I have a question Kuya."

"Ano yun?"

"Sino ba talaga si Coleen at ang Daddy nya? Are they close relatives or just family friends?"

"Umm.. Sorry Oli, but I'm in no position to tell you,si Mommy na lang siguro ang tanungin mo." Napakunot na lang ang noo nya at napahawak sa batok.

"What do you mean Kuya?"

"Kuya Oli, Kuya Owy... breakfast na." tawag sa amin ni Onin. Nakakatuwa at deretso na ang pagsasalita nya. Para na rin syang binata at ang laki ng itinangkad nya kahit grade school pa lang sya.

"Let's just talk about this later okay?Let's go." Tumango lang naman ako at tinapik lang naman nya ako sa braso matapos ay sinundan nya si Onin pababa ng hagdan.

So I have no choice but to consider Coleen as my girlfriend?

Napabuntong hininga na lang ako ng malalim dahil sa realisasyong marami din pala akong dapat makilalang tao na naging malapit sa akin. Nag-aalala din ako na baka makasakit ako ng tao ng hindi ko sinasadya.

[82]

Matapos ng breakfast ay nag-ayos lang si Kuya at dumeretso na sya sa pagpasok sa School. Nakakainggit pa nga ng makita kong ang ganda ng kotseng minamaneho nya. Napaisip tuloy ako kung natuto ba akong magmaneho noon at kung may sasakyan din kaya ako ng kagaya ng kay Kuya.

She's my Step-SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon