Introduction

1.3K 23 2
                                    

  

Intro

 

Matapos ang insidente na nangyari sa kanila, halos nagbago lahat ng pangyayari sa buhay nina Coleen at Oliver. Nakatira na sila ngayon sa iisang bahay at itinuturing ang isa’t-isa na magkapatid. Maging pagtawag ni Coleen kay Oli ay naging Kuya Lance, ni wala silang ideya sa mga nangyari sa nakaraan. At ang alam lang ni Oli ngayon…

 

“She’s my step sister…”

“Ahh ganon ba bro? So pwede mo kong ilakad sa kanya?” nakangising lalaki ang kasama ngayon ni Oliver. Ito ay isa sa mga kaklase nya ngayon sa college.

“NO.” mariin na sabi ni Lance.

“Bakit? Parang hindi naman tayo magkaibigan nyan?” nakakunot na sabi ng lalaki sa kanya habang sinusuntok suntok ng mahina ang braso nito.

“basta..” kinunutan lamang ito ng noo ni Lance.

.

“Kuya Lance!” tumawid sa kabilang kalsada si Coleen para malapitan ang kinikilalang kapatid na si Lance.

“uy bro, nandyan na kapatid mo. Sige na naman oh.” Habang nakatingin sa dalaga ay sinisiko siko nya naman si Lance. Pero hindi nya ito pinapansin, sa halip ay nakatitig lang ito sa dalagang papalapit sa kanya.

“Kuya Lance, Ano? Tapos na ba yung klase nyo?” nakangiting tanong ni Coleen sa kanya. Humawak naman si Lance sa ulunan ng dalaga at ginulo ang buhok nito.

“Di ba sabi ko sayo, wag kang bigla-bigla tumatawid?” pag-aalala ni Lance.

“yeah right Lance. Malaki na ko oh..” sinusukat pa nito kung gano lumapit ang height nya kay Lance. “look, tumangkad ako di ba?” nakangiting pang-aasar kay Lance.

“Kuya Lance, Coleen. Pag narinig ka ng Papa mo na hindi ako tinatawag na Kuya. Magagalit ulit yun sayo sige ka…” pagtakot nito sa dalaga..

 “suuuuus… wala naman sya dito eh. At tsaka, di mo naman ako isusumbong, di ba?” nakangitiing sabi nito habang itinataas-taas pa ang magkabilang kilay. “di ba?di ba?” may pagsisiko-siko pa syang mahina sa binata.

“wag ka nga didikit. Baka mahawa ako ng virus mo eh!” pang-aasar ni Lance sa dalaga na nakagawian na nya simula pa nung nagkasama silang dalawa sa iisang bahay.

“arte mo! Humawak ka nga sa buhok ko eh. May virus nay an ohh..”

“YUCK!Coleen!Kadiri!” wagas naman sa pagtawa si Coleen.

 “YUCK YUCK YUCK YOU!” kasabay ng malakas na pagtawa ng dalaga.

“Eheeerm.. Hi Coleen!” pagbati ng kasamang lalaki ni Lance na si Enrique. Isa sa mga groupmate nya at kaibigan sa classroom.

“AH! He- Hello Enrique!” pag-fake na ngiti ng dalaga sa kasama ni Lance.

“Di ba pauwi ka na Quen? Babye!” pagkaway naman ni Lance sa kaibigan at sinagutan naman ng simangot ni Enrique.

“Kung di lang kayo magkapatid napagkamalan ko na kayong mag syota dyan..” sabay alis naman ng kaibigan.

“ano daw?” nagtatakang tanong ni Coleen.

“Ewan?” sabay kibit balikat ng binata.

“Uyyyy! Yan na pala si Papa eh..” pagturo ng dalaga sa isang sasakyan na papalapit sa kanila.

Nakatingin lang naman si Lance sa sasakyan na yun. Alam nya na kung anong mangyayari sa kanila mamaya ni Coleen. Dahil palagi na nila itong ginagawa, simula nung mawalan na nga sila ng ala-ala. Ang pumunta sa ospital, dalawang beses sa isang buwan..

Bumukas ang bintana ng kotseng iyon na sinasakyan ng Papa ni Coleen. “mga anak, sakay na.” nakangiting ama ang bumati sa kanilang dalawa at sumakay naman kaagad si Coleen katabi ng Papa nya.

Wala mang naaalala si Lance pero sa tuwing nakikita niya ang itinuturing na ama ay hindi sya makangiti ng totoo. Yun din naman ang ipinagtaka nya simula pa noon..

“Lance, let’s go..”

“ahh opo..”

 

8 months have passed pero isa lang ang pumapasok sa isip nila. Yun ay kung babalik pa nga ba ang alaala nila, o HINDI na..

 *****************

TEASER Watch niyo, para madagdagan ng masasayang moments ang minutes ng life mo :) Thanks and hope you like it. Hindi na to Fanfiction, pero andyan pa din sila hehe. :D It's all about now the two siblings? 

She's my Step-SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon