Chapter 2

2.6K 47 1
                                    

Kurt's Point of View

Plans. Plans. Plans. Mejo nahihirapan ako mag-isip ng surprise para kay Alexandra. Napansin ko kasi this week na parang mailap sya. Parating busy o kaya maaga natutulog. Alam ko naman na ako ang may kasalanan kaya ngayon gusto ko gumawa ng paraan.

Mahilig si Alex sa mga aso kaya kasama sa choices ang pagpunta namin sa 'Bark Café'. Pwede mong laruin o panuorin yung mga aso habang nagmimeryenda. Malapit lang din yun sa mall kaya pwede kami manuod ng movie after. Pwede din naman kami pumunta sa park, kasi mahilig din sya sa mga bata. Ang hirap pala ng ganto. Sa susunod sisiguraduhin kong hindi na ako mawawalan ng oras para sa kanya. Hassle magplano at mag-isip ng mga pakulo.

Dahil Sabado ngayon, tama ang hinala ko. Tulog pa si Alex pagdating ko. Sabagay, 7 palang ng umaga. Kaya habang hindi pa sya bumabangon, si Scott na muna ang kasama ko.

"Kuya Kurt bakit hindi mo kasama si Kuya Andy na pumunta ngayon dito?"

"Ha? Baka tulog pa yun. Sabado naman ngayon eh."

"Sayang. Gusto ko ulit sya kalaro eh."

"Sige, try ko sya papuntahin dito. Kelan ba kayo huling naglaro?"

"Yey! Thanks kuya. Kahapon lang naman. Everyday po sya nandito eh. Tapos tinuturuan pa nya ako sa subjects ko."

Nagulat ako sa naging sagot nya na araw araw pala sya andito. Sa pagkaka-alam ko kasi diretso uwi sya after namin mag assist sa mga nagta-try out. Wala din naman sya nababanggit sakin, pati na si Alex.

"Talaga? Parang mas favorite mo na sya kesa sakin ah? Pwede mo din naman ako kalaro, o kaya tuturuan din kita."

"Favorite ko sya kuya pero syempre ikaw ang mas favorite ko. Si Kuya Andy kasi palagi andito, tsaka favorite ko lahat ng nagpapasaya kay ate." Nakangiting sagot nya.

Nagpapasaya. Napapasaya ko pa ba sya? Hindi naman kasi sya nagrereklamo kaya feeling ko oo. Alam kong magsasabi naman sya.

Ginulo ko ang buhok ni Scott at inutusan na sya na umakyat para gisingin ang ate nya.

***

Nasa café na kami ngayon. Hindi natuloy ang pag punta namin sa park dahil biglang umulan. Muka naman syang masaya, at dahil dun ok na ako.

"Thank you."

"For what?" Naguguluhang tanong ko.

"For this. For taking me out. For the little surprise. For your time. Alam ko naman na pagod ka. But instead of resting you chose to be with me."

"Of course. I just wanted to make you smile. And we both need this."

Pinapanuod ko syang makipaglaro sa mga aso at minsan din ay kinukuhanan ng mga litrato. Her smile is really contagious. And I don't want for that to fade away. I don't want to be the reason for her smile to fade away. It's my responsibility to keep that smile of her in her pretty face.

"Bakit ka nakangiti jan mag-isa?" Tanong nya.

"Wala naman. Nakakatuwa ka kasing panuorin."

"You're laughing at me eh."

"No I'm not. Why would I? Muka ka ngang enjoy na enjoy jan."

Ngiti na lang ang isinagot nya saakin at inaya ako palapit sa kanya.

***
Alexandra's Point of View

Monday na and I'm at the grounds waiting for my friends. Kanina nasa gym ako kasi maaga nandito sila Kurt para sa training nila. I was watching them when I felt bored and kinda irritated. Ang aga aga ang ingay ng girls doon. Like duh, feeling ba nila nasa movie sila para mag inarte ng ganon. So I just texted Kurt that I'll be waiting for Maddie and Blaire and so here I am.

"Why so serious?" Tanong ng bagong dating.

"Why are you here? Shouldn't you be with your teammates? Di pa tapos training nyu ah?"

"Aww why so concern. Ayaw mo ba ako mapagalitan ni coach?"

Sinamaan ko sya ng tingin dahil nagfi-feeling nanaman tong hinayupak na to. "Ikaw Andy tigil tigilan mo ako dahil naririndi ako sayo ah, umagang umaga nang iinis ka nanaman. Tsaka anong concern. I want you to leave me alone, and I just said it in a less evil way. Parati ka nalang meron kung nasaan ako. Hindi ka na nakakatuwa. In fact, nakakairita ka na!" Tumataas ng boses na sagot ko sa kanya.

"Wow ang dami mong nasabi, oo o hindi lang naman ang pwede mong isagot."

"Kasi nga, you're so nakakainis. Can't you just leave, because you are ruining my day."

"Grabe ha. Lahat na ata ng adjectives para idescribe kung gaano ka kapikon sakin nasabi mo na."

"Oo at kung kailangan na maghanap pa ako ng bagong synonyms para tumatak sa utak mo yun gagawin ko!"

"..."

"Oh ngayon natahimik ka na jan. Wala ka na masabi."

"..."

"Ano? Nasaan na ang mga witty come backs mo. Wala ka na bang maiisip na pang inis saakin."

"..."

"Sige lang. Ituloy mo yang - "

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng marinig ko ang sinabi nya. "Ang cute mo naman magalit."

Bigla nalang akong umalis at nag hanap ng vacant room para magpahupa ng galit. Feeling ko pulang pula ang muka ko dahil sa sinabi nya. Bakit nya sasabihin yun. Sa akin? Sa isang babae. Sa girlfriend ng pinsan nya.

Nanggagalit ako habang nirereplay sa utak ko yung nangyari kanina. Bakit? Bakit nya sasabihin na cute ako habang nagagalit. Argh! Sinong babae ang masasayahan pag nasabihan ng ganun. So sa paningin nya pangit ako. Huh. Cute lang pag galit. And take note, cute. Ano ba yan, tingin ba nya sakin aso at tinatawag nya akong cute. Hindi maganda. Cute lang. Parang naghahyperventilate ang kilay at labi ko tuwing naaalala ko yun.

OMG! Naiinis ba ako sa kanya dahil cute lang ang tingin nya sakin? Like eew, ano naman kung yun ang tingin nya sakin. At bakit ko parin ba sya iniisip.

Nababaliw na ata ako. Bakit ko ba kinakausap yung sarili. Mejo nahihilo na rin ako dahil pa-ikot ikot ako dito.

"Ok ka lang ba?"

Halos atakihin ako sa puso ng marinig ko nanaman ang boses nya. Nagmomoment ako dito tapos bigla syang magsasalita. Akala ko pa nung una imagination ko lang, pero kinakalabit na din nya ako kaya imposible yun. Lumalayo labg ako sa kanya at hindi sya pinapansin pero sunod parin sya ng sunod.

"Alam mo nahihilo na ako sayo."

"Wala naman may sabi na gayahin mo ako ah."

"Ok ok. Relax." Nakataas ang dalawang kamay na sagot nya.

"Bakit ba ako andito, pwede naman ako nalang ang umalis."

Nagkibit lang sya ng balikat at naupo sa teacher's table.

Lumapit ako sa pintuan at sinubukang buksan yun pero ang pula na ata ng mga kamay ko ayaw parin bumukas. Hindi ko naman pinapahalata na nahihirapan ako dito dahil baka may masabi pa tong halimaw na to.

Pero ayaw talaga bumukas at naiiyak na ako. Late na din ako for my class. I forgot about the the time kasi kakaemote ko dito.

Umikot ako para sana humingi ng tulong sa kasama ko pero lumipat na pala sya sa likod na part ng room and he's already asleep.

"Hey. Get up. Why are you just sleeping there."

"..."

"Waka ka nanaman sasabihin?"

"Ang ingay ingay mong babae ka. Kanina ka pa."

"Nakakainis ka eh." Nakatingin sa kuko kong sagot.

"Ok."

What? Yun na yun? "Hindi mo ba bubuksan yung pinto?"

"..."

"Please?" Sana gumana.

"Hindi mabubuksan yan."

"What? Stop joking, hindi ka naman nakakatawa."

"I'm telling the truth. Sira yung knob. The door can only be opened from the outside."

"What?!"

The Sassy And The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon