Alexandra's Point of View
Hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko sinakluban ako ng langit at lupa.
Naiinis ako. Nasasaktan. Nagagalit. Hindi ko alam kung ano ang mas matimbang basta nalilito ako.
Naiinis ako sa nakita ko. Nasasaktan ako dahil pakiramdam ko pinag-kaisahan nila ako. Nagagalit ako dahil magkasama sila.
Pinilit kong gumalaw at habulin sila pero huli na. Hindi ko na sila naabutan. Nakita ko nalang sila na pasakay ng sasakyan ni Kurt.
Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko lalo na nang makita ko na nakangiti silang dalawa. Pareho silang masaya. Kahit sa simpleng tinginan lang nila, parang may kung ano sila naalala na nakakatuwa.
Naramdaman ko nalang na may humawak sa balikat ko at iniikot ako. Tinitigan ako ni Andy at niyakap ng mahigpit.
Lungkot. Galit. Awa. Iyon ang mga nakita ko sa mata niya. Lalo lamang akong napaiyak ng higpitan niya ang yakap sa akin.
"You don't deserve this. He's a jerk for doing this to you." Bulong ni Andy habang hinahagod ang likod ko.
Narinig ko din sila Blaire na inaalo ako. I feel helpless. This is not how I imagine my love story to be.
Umuwi na kami dahil hindi ako matigil sa pag-iyak. Nahihiya nga ako sa kanila. I ruined their day. Dapat nagsasaya sila ngayon hindi sinasamahan ako.
"I'm really sorry guys. And thank you." Naluluhang sabi ko habang naka-upo kami sa couch sa sala.
"Ano ka ba?! What are friends for. Dadamayan ka namin, kung gusto mo maki-iyak pa kami eh. Basta pramis mo kapag kami naman may problema samahan mo din kami." Maddie said jokingly. Kanina pa nila pinapagaan ang atmosphere pero tuwing nagsasalita ako, nasasayang lang effort nila.
"I'll talk to him." Determination in my voice.
"Huh?" Sabau sabay na sabi nilang tatlo. Tumango naman ako to confirm what they've heard.
"I'll talk to him. Alam ko may explanation behind all this. I don't wanna be a bitch. I'll listen to him. And then I'll forgive him." I said convincing myself rather than them.
Ayaw ko naman masayang ang isang taon na magkasama kami dahil lang sa hindi ako nakinig.
***
Dahil tapos na ang finals exam, meron kaming two weeks na bakasyon bago ang second sem.
"Anong plano mo?" Tanong ni Blaire. Magkakasama nanaman kami ngayon. 4 days na ang nakalipas at hindi ko parin nakaka-usap so Kurt.
"I'm waiting for the right time. Pinapalamig ko din ang init ng ulo ko. Baka kasi kapag nagkita kami lalo lang kami mag-away. Kailangan chill lang kami."
Wala silang sinabi pagkatapos noon kaya namayani ang katahimikan sa aming apat.
Nag-aya si Andy na mag-mall in which tinanggihan ko. Wala ako sa mood gumawa ng kahit na ano ngayon.
"Please Alex? You should take a break. You need to breath. Ilang araw ka na nagmumukmok dito sa bahay ninyo." Pilit sa akin ni Maddie na sinang-ayunan pa nila Blaire.
"Ayaw ko nga diba. If you guys are bored, edi kayo ang lumabas." I answered with an irritated voice.
"We're actually trying to help you if you haven't noticed." Maddie retorted.
"I don't need your help."
"C'mon. Don't be such a bitch." She said sarcastically.
"You may leave. Our door is always open." I said glaring at her. Sasagot sana siya pero pinigilan siya nila Andy.
Nagbulungan pa silang tatlo na parang nag-aaway, na hindi ko naman marinig mabuti. Hanggang sa nakita ko si Maddie na nagtataas ng dalawang kamay, sumusuko marahil sa pinag-uusapan nila.
"Sorry." Basag ko sa katahimikan. "For being a bitch to you." Then I faced Maddie.
She just look at me face stoic.
"I'm sorry ok? That's a sincere apology if you haven't noticed." I said trying to copy her words earlier.
Ngumiti siya, "Ok. Pero bitch ka parin." Sagot niya sa akin.
I shrugged and so diverted the subject. "Plans for two weeks vacation?"
"May napanood ako na hotel that offers indoor activities. Yung usual na activities kapag summer. Try natin!" Excited na sabi ni Blaire.
"Saan naman 'yan? Baka mahal ah. Dapat iyong pasok naman sa student on tambay's mode budget." Nakakunoy noong sagot ni Maddie.
"'Yun lang. Kinda expensive ata doon eh. 5 star luxury hotel kasi."
Maddie's eyes grew wide. "Grabe ka. Baka after natin pumarty jan pulubi na tayo."
"What? I know may ipon ka. Or you can ask from your parents." Blaire said nonchalantly.
"No! I promised na hindi ako masyado gagastos this year 'til next. Magpapabili kasi ako ng condo kay mom, 'yun ang condition niya."
"Bakit ka bubukod? You're leaving a princess life sa bahah ninyo?" I asked her but she just shrugged.
At dahil gusto namin sulitin ang bakasyon, napagkasunduan namin na tambay nalang kami sa kanya-kanya naming mga bahay.
Ang saya 'no? Ang tagal ng diskusyon, mage-end up lang pala sa team bahay.
***
I'm at the mall right now, together with the gang. Ofcourse without Kurt. Tinetext ko siya, I sometimes ring him pero hindi parin kami nagkakausap.
I'm getting tired of this. But when I think of giving up I can feel everything crumbling down with my hope.
I don't want that. I promised before that I'll do everything to make our relationship work.
I realized maybe this is just a passing game of our love story. Maybe destiny is trying to test the love of every couple out there.
Maybe this is just a challenge for us. Maybe there are others who deal with bigger problems in life.
Maybe this is just a nightmare to me and I will wake up any time soon. Maybe I am in coma, and this is what I last imagined kaya ito ang nagpe-play sa utak ko.
Maybe. My world is full of maybe at this moment, hopefully this maybe will turn out right.
*****
AN:
Sabaw! Kung yung last chapter lugaw pa eto sabaw na! Pasensya na po huhu. Tatary ko po ayusin yung mga next chap. Sana po magustuhan nyu parin. Good day loves.
BINABASA MO ANG
The Sassy And The Beast
Teen Fiction#KathNiel Some people say I'm maarte. Some says I'm a bitch, but you can't hate me just because I'm like this. Because behind this facade that you see is a better version of me. Sabi nila basagulero daw ako. Matapang. Nakakatakot. Pero hindi mo dapa...