Alexandra's Point of View
I woke up with Andy hugging me. I looked up to be welcomed by his devilish but handsome sleeping face.
We were cuddled together. My head resting in his chest.
Gumalaw ako para bumangon pero humigpit lang ang yakap niya sa akin.
Imbes na pilit umalis, i stayed beside him enjoying the warmth of his embrace. It feels like home.
Makalipas ang ilang minutong nakatingin sa kawalan ay napagdesisyunan ko na umalis na.
I shouldn't sleep, literally sleep beside Andy. This could be considered as cheating.
This isn't considered cheating smart pants. You're just seeking comfort.
Tsk! I wouldn't do something close to cheating.
Ofcourse you are not. You are not kissing or flirting or doing God-knows-what behind your boyfriend's back.
Tumayo parin ako kahit may point naman ang pakikipag-debate ko sa sarili kong utak.
At dahil matigas ang ulo ko ay pumunta parin ako kila Kurt kahit wala akong kasiguraduhan kung nandoon siya.
Eksaktong pagbaba ko ng taxi ay ang siyang pagdating ng sasakyan ni Kurt.
Ano kaya ang ginawa niya at ngayon lang siya naka-uwi. Imposible naman na natagalan siya sa enrolment dahil mukang hindi busy na siya sa ibang bagay kanina. Is he with his other girl?
Naiyak ako sa naisip kaya sumunod nalang ako sa loob ng gate nila at inantay siya na bumaba ng sasakyan.
"What are you doing here?" Bungad niya sa akin na may kunot na noo.
"I-I wanted to talk." Kinakabahang sabi ko.
Umiling siya sa akin bago umismid. "We're done talking. Can't you remember? Sa restaurant?"
"No. I mean I want to talk again. You can further explain to me. I promise I won't get mad." Nakangiting sabi ko kahit na nagluluha ang mga mata ko.
"This is what I don't like about you. You're very persistent. You can't understand the word 'no'. I thought you're smart. I guess i'm wrong." Walang gana niyang sagot at sumandal siya sa sasakyan niya.
"I can change for you. You like that, yes? Just please don't leave me."
"I already said no! Don't make me mad at you just because of this petty things."
"What? This isn't just a petty thing Kurt. This is about us."
Umiling lang siya at tinalikuran ako. "I'm tired. Bye." Iyon lang at umalis na siya. Pumasok na siya sa bahay nila.
Sinubukan kong sumunod ulit pero nakalock na ang pinto nila. Kumatok pa ako ng ilang beses pero walang sumasagot.
Sumilip ang katulong nila, dahil siguro nainis na sa kaingayan ko at sinabihan lang ako na umuwi na.
Lumabas ako ng gate nila pero hindi ako tuluyang umalis doon. Naupo ako sa tabi ng gate nila at naghintay.
Baka magsisi si Kurt sa sinabi niya at habulin ako. Kaya dito na muna ako.
I've been seated here for half an hour now pero wala parin lumalabas. Baka mejo matatagalan lang siya konti bago marealize iyon atsaka niya ako habulin.
One hour had passed from the last time I checked pero wala parin. Dumidilim na din at kasabay ng paglubog ng araw ang pag-asa ko na lalabasin niya ako dito.
Tumayo ako sa tapat ng gate nila at hinarap ito. "Oh paano ba yan. Natagalan iyong amo mo na marealize na mahal pa niya talaga ako. Don't worry. Babalik ako bukas." Parang baliw na sabi ko sa gate nila.
Akala ko nakakabaliw ang love. Iyon pala hindi mismong love, kun'di ang side effects at aftermath nito sa tao.
Kinabukasan ay maaga akong nagising at naghanda. Kumain lang ako ng kaunti at umalis na ako para makapunta kila Kurt.
Pagkarating ay nag-doorbell agad ako. Inantay ko saglit na may magbukas para makapasok. Kahit naman kami or mag-ex na hindi naman ako basta basta papasok sa bahay nila.
"Good morning manang! Si Kurt po anjan?" Masiglang bati ko sa katulong nila na nagbukas ng gate.
"Meron ma'am. Bakit po kayo nagaei rito?" May lungkot sa mata niya ng tinanong ako pero isinantabi ko nalang iyon. Kailangan ko maka-usal si Kurt.
"Mag-uusap po kasi kami ngayon. Anjan po siya?" Ulit ko sa tanong ko.
Tumango siya at pinapasok na ako. Pinaupo niya ako sa couch at sinabing gigisingin lang si Kurt saglit.
Maya-maya ay bumaba na siya. Naka-pajama lang siya at sando. Gulo-gulo pa ang buhok niya.
Napa-irap siya ng makita ako at itinuro ang likod ng bahay nila. Napangiti ako nauna nang pumunta doon.
May malawak silang garden. Malaking pool sa isang banda at maliit na space na sakto para sa basketball.
Pinagmamasdan ko ang paligid ng biglang magsalita si Kurt. "What do you want again." Bored na tanong niya.
"To talk?" Nag-aalinlangan na sabi ko.
Tinitigan niya ako bago kamutin ang kilay at sumagot. "I already told you. I want something new. Something adventurous. And you is the complete opposite of it. You don't party. You're too prim, too proper. And mygod you don't even know how to kiss." Mabagal niyang sabi na parang bata ang kausap niya.
"W-Well like I said yesterday, I can change. We can go p-party. We can do your kind of things. And kiss. Just please give me a chance." Nagmamaka-awang sabi ko.
"Ok. Let's get this straight. I don't like you anymore."
"I don't believe you. You can't even look at me straight in the eyes while saying those words."
Humarap siya sa akin at tinitigan ako sa mata. "I don't like you anymore. Stop wasting my time." Parang nabasag ang puso ko sa sinabi niya.
Nagsunod-sunod ang pagtulo ng mga luha sa mata ko.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang mga kamay niya. "Luluhod ako kung iyon ang gusto mo. But please 'wag mo lang akong iwan. Tell me what you want."
"Just leave. That's what I want."
Pagkatapos at iniwan niya ako doong umiiyak at nanghihina.
BINABASA MO ANG
The Sassy And The Beast
Teen Fiction#KathNiel Some people say I'm maarte. Some says I'm a bitch, but you can't hate me just because I'm like this. Because behind this facade that you see is a better version of me. Sabi nila basagulero daw ako. Matapang. Nakakatakot. Pero hindi mo dapa...