Chapter 5

2.1K 30 2
                                    

Alexandra's Point of View

Paggising ko the next day, ramdam ko parin na ang laki ng ngiti ko. Kahit hanggang pag tulog ata, i was still smiling.

Dahil sobrang excited ko, 6 palang nagbe-breakfast na ako. For sure pagdating ko palang ng campus gutom na agad ako.

"Yiee.. Si ate ang laki ng ngiti."

Liningon ko lang si Scott. Umagang umaga, ginugulo ako. Pero dahil maganda ang gising ko, ngingitian ko nalang sya.

"Grabe naman ate yang kilig mo. Long lasting ah."

"Pake mo ba. Atleast sakin may nagpapakilig. Sa'yo ba?"

Sinamaan naman nya ako ng tingin. Tapos kumain nalang. Kita mo to, sya nagsimula tapos sya din pikon. Basted siguro 'to. Huh! Malas naman ng kapatid ko. Gwapo naman, bakit pa nababasted. Tsk.

"Good morning kids." Biglang bati ni mom samin. "Ang aga mo ata gumising ngayon Alex."

"Syempre ma, alam mo naman yung nangyari kahapon. Baka nga hindi na natulog yan sa sobrang kilig eh."

Omg. Omg. Omg. Bakit alam nila ang nangyari. Narinig ba nila?

"Oo. Dinig na dinig. Sinigaw kaya yun ng boyfriend mo."

Scott was smirking while mom was smiling at me. Omo, narinig nga nila. Nahihiya nanaman tuloy ako.

Yumuko nalang ako para itago ang kapulahan ng muka ko.

Maya maya lang din si dad at sumabay na sa amin magbreakfast.

***

"Hello Blaire? Asan kayo ni Maddie? Hindi ko kasi sya macontact."

"Baka nagii-spy nanaman sa crush nya. Alam mo na."

"Hay. Ang kulit talaga nun. Basta I warned her about Jameson na. I wish she doesn't come running to us crying."

"Hayaan mo nalang. Malaki na sya. Alam na nya ang ginagawa nya at kaya na din nya ang sarili nya. Bakit ka nga pala napatawag?"

"Ah. I'll make kwento kasi sana sa date namin ni Kurt kahapon. Busy naman ata kayo?"

"Mejo. Kasama ko groupmates ko ngayon, may report kasi kami ngayon para sa minor subject namin."

"Oh I see. Sayang naman. So...later then?"

"Sige sure. See you around. Bye!"

"Ok. Bye. See -- ay pader!"

Kung sasabihin nyung ok lang ako dahil may sasalo naman sakin katulad ng nasa mga libro, well mali kayo 'cause this is reality.

Reality kung saan pag nabunggo ka, bigla ka nalang lalagapak at hihilata sa sahig dahil sa lakas ng impact. Wait, kelan pa nagkaroon ng pader sa grounds?

"Ang gwapo ko namang pader." Bigla kong narinig.

Pag-open ng eyes ko, si Andy a.k.a. pader ang una kong nakita na tinutulungan ako bumangon.

"Ouch dahan dahan naman! Ang sakit ng hips ko."

"Ok sorry na. Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan."

"Ako pa talaga ha. Ikaw nakaharang jan."

"Anong nakaharang. Ang lawak ng grounds oh, pano ako haharang."

"Well... Basta... Nakaharang ka kaya ako nabangga sayo."

"Bakit kasi ang OA mo. Tatawag ka lang sa cellphone, kailangan naka yuko pa."

"Paki mo ba!"

"Tapos ang ingay mo pa."

"Eh nakakainis ka! Panira ng araw!"

The Sassy And The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon