Alexandra's Point of View
Everything looks magical. It's surreal. The trees around me. The cotton like clouds in the sky. They look so alive. Ang ganda panoorin.
Ang tunog ng hangin na tumatama sa mga dahon ng puno. The sound of the stream from afar. The chirping sound of the birds. They sound so happy.
Ang mga nahuhuog na dahon at ang hangin na tumatama sa balat ko. The ground that I am sitting at. They feel so safe.
I never liked forests, hindi ko kasi alam ang mga nakatgo dito, but this one's an exemption. I enjoyed watching the trees swaying and even the littlest insects around.
"You like it here?"
I looked back and there I saw Kurt smiling. Naglakad siya papunta sa akin at naupo sa gilid ko. He put his arms around my waist so I leaned my head on his shoulder.
I closed my eyes to enjoy the moment. But when I opened them to watch the scenery again I'm already in a beach.
The trees wasn't there anymore, so as Kurt. I was left, all by myself. I tried searching for him but all I see is water.
"Kurt!!"
"Answer me!"
"Where are you?! Hindi ka na nakakatawa! Stop pranking me."
There is only silence. Tumingin ako sa tubig, and I was blinded by the glints in the water.
Nanghihina na ako. Natatakot. Until I saw him. I saw Kurt being dragged deeper into the water. By sirens!
I want to follow him, to save him. So I dived in the water. Pero imbes na tubig ang maramdaman ko ay malakas na hangin ang tumama sa akin.
I see nothing, and I'm falling into darkness.
Napabalikwas ako sa kama dahil sa takot sa tuluyang pagkahulog ko sa kadiliman. I looked around and realized that it isn't my room. Magpa-panic na sana ako pero naalala ko na nag sleep-over nga pala kami kila Blaire.
"Wake up sleepyhead." I heard a man's voice. Teka, 'man's voice'?
Paglingon ko sa pintuan ay nakita ko si Andy na nakatayo doon at nakangisi.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Ginigising ka? Alas dyes na, nakahiga ka parin dyan."
"Umalis ka nga. Sinisira mo ang araw ko!"
"Ano nanaman ba ginawa ko sayo at nakasigaw ka?"
"Wala. Pero makita ko palang pag mumuka mo naiinis na ako. Kaya please. Umalis ka na."
He grinned. The devil on the door just grinned!
"Bakit ka nakatitig jan? Nagagwapuhan ka na ba sa akin?" At ang hinayupak na ito, nagpacute pa. Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang kamay para magkaroon ng messy look.
Binato ko siya ng unan dahil sa inis ko. "Bwisit ka!"
"Aww don't get mad at me now." Nagpapa-awa niyang sabi. "You little babe." Nakangisi niyang sabi at kumindat siya bago umalis.
I was left gaping at the open door. Argh! Nakakainis talaga siya! Nanggigigil ako!
***
Pagbaba ko kumakain na sila. Brunch I guess. Quarter to 11 na din. Nandun ang buong barkada, that means andito din si Kurt.
When I got here kanina they all noded at my direction. All except Kurt, he's busy with his phone kasi. Hindi ko nalang pinansin. It might be his mom or something important.
I sat beside him pero hindi niya ata napansin. Across of me is Andy, beside him is Maddie while Blaire was seated on the head of the table.
I noticed na the three of them ay parang nagsi-senyasan. I ignored them at first but eventually I got bothered. Alam ko kasi na nag-uusap sila silently about me and Kurt. Ito naman kasing katabi ko, hindi manlang ako malingon. Pareho sila ng pinsan niya, nakakainis.
Someone kicked me from under the table, so my initial reaction was to shout. Ang sakit kaya, akala ba ng sumipa sa akin ay bato ang binti ko?!
"Bakit pala kayo nandito?" I asked the boys but Andy just shrugged.
Ineenjoy ko ang pagkain ko ng biglang ibagsak ni Kurt iyong utensils niya. Nagulat pa ako kaya nahulog sa fork ko iyong isusubo ko na sana na bacon.
I glared at him. Ano bang problema nito, hindi siya namamansin tapos ngayon magdadabog bigla.
Someone cleared his or her throat, to ease the tension maybe. Hindi ko na inalam kong sino. I'm not interested.
"Ano bang problema mo?!" Pasigaw ko nang tanong sa kanya. Eh paano ba naman kasi, sasandal na nga lang kailangan may OA pa na buntong hininga na kasama? Nangangalahati palang ako sa kinakain ko nawalan na ako ng gana.
Itinaas naman ni Mads iyong index finger, like she's trying to get our attention. "Siguro dapat mag-usap nalang muna kayong dalawa?"
I nodded naman. Hindi dapat sila madamay sa away namin. "Ok. You may leave us."
"Huh?!" OA na reaction nilang tatlo. I raised an eyebrow at them in an is-there-a-problem bitch look.
Tumayo naman na silang tatlo at narinig ko pa si Andy na umangal, na dapat kami ni Kurt ang umalis sa table dahil hindi pa siya tapos kumain. Wala naman akong pake-alam. Nag-iinit ang dugo ko dito sa pinsan niya.
"What --"
"I'm mad." Singit ni Kurt sa sasabihin ko sana.
Inirapan ko siya. Ako dapat ang galit dito, wag siyang ano!
I remained silent, waiting for him to say more. Pero wala. Nagtetxt nanaman siya. Kaya inagaw ko sa kanya iyong phone niya para basahin iyon.
To A
Mamaya nalang. Galit pa eh.
From A
Tuloy pa ba tayo?
To A
I'll text you later kung saan tayo magkikita.
From A
I have everyrhing you need. Just tell me.
Feeling ko mahuhulog ako sa kinauupuan ko. Nanghihina ako. Kahit hindi ko naintindihan iyong convo nila dahil pabaliktad ko binasa, i already have a hunch.
Bakit ganito. May iba na ba siya? I looked at him. Ito ba iyong ibig sabihin ng panaginip ko kagabi. Mawawala na ba siya sa akin?
I was about to say something nang inunahan niya ako. Inilagay niya iyong finger niya sa lips ko to stop me from talking.
"Before you conclude anything else, please babe...please do hear me out."
Magtatanan ba sila ng babae niya? Bakit ganoon ang sinasabi noong kausap niya. OMG hindi ko kaya ito.
Naiiyak na talaga ako. Hindi ko ata kayang marinig ang explanation niya para sa pakikipag-hiwalay sa akin.
Kaya I did the only thing that I think is the best in the moment. I ran away. Hindi ako makikipag kita sa kanya para hindi niya masabi iyong break up lines niya sa akin. Hindi ko talaga kakayanin.
Tumakbo ako palayo sa kanya, sa kanila. Kahit tinatawag ako nila Blaire ay hindi ako lumingon. I didn't stop. I just can't.
BINABASA MO ANG
The Sassy And The Beast
Teen Fiction#KathNiel Some people say I'm maarte. Some says I'm a bitch, but you can't hate me just because I'm like this. Because behind this facade that you see is a better version of me. Sabi nila basagulero daw ako. Matapang. Nakakatakot. Pero hindi mo dapa...