Alexandra's Point of View
"Sino kayo?" Those are his first exact words when he woke up. When the jerk woke up.
Lahat ata kami nanigas sa kinatatayuan namin. Nakita ko kung paano nanlumo si Kurt at ang panghihina ng parents niya.
It's been three days mula noong naaksidente si Andy, at hindi pa siya nagising since then. Ilang kaibigan na din niya ang bumisita sakanya to check on him and to know how he is doing.
I heard about his accident the morning after he had a seizure. Kitang kita ko ang pamamaga ng mata nila Tita Yvett at Tito Marco pagdating ko. Pati si Kurt hindi ko makausap ng maayos that time.
Sobrang affected talaga siya sa nangyari sa pinsan niya. Hindi din siya pumapasok, nung minsan kasi na pumunta siya ng campus maling room pa ang napasukan niya. Sobrang wala siya sa sarili.
Ang sabi ng doctor dahil daw sa head injury niya kaya siya nagka-seizure, and possible daw na magka-amnesia siya paggising dahil sa traumatic head injury.
Dapat expected na namin ang pwedeng mangyari dahil nasabihan na rin kami. Hindi na dapat sobra ang pagkabigla. Pero iba talaga kapag ayan na ang problema.
Nagsisimula na rin tumulo ang luha ko pero natigil iyon nang makarinig ako ng malakas na pagtawa.
Halos maubusan si Andy ng hininga dahil sa tawa niya. Lahat naman kami at napatigil sa mga pag-iyak at nakangangang napatitig sa kanya.
Kung hindi sana seryoso ang sitwasyon ay iisipin ko pa na nababaliw na siya. Pero wala naman nabanggit ang doctor na maaaring mangyari iyon.
"That reaction is priceless. You should've seen it guys." Sabi pa niya matapos makabawi sa pagtawa.
Halos panawan ng ulirat ang ina ni Andy dahil sa kalokohan na ginawa niya. Si Kurt naman ay napangiti at pabirong sinuntok siyaa kanang balikat. Habang si tito ay tumawag na ng doctor.
I just smiled in the corner. Buti naman at ok lang siya. Kahit naman na madalas inis ako sakanya naging malapit narin kami sa isa't isa.
Days passed, tsaka palang nakalabas si Andy ng ospital. Nalaman din namin na nahuli na ang mga salarin. May isa daw kasi na sumuko sa mga pulis at itinuro ang mga kasama niya nung araw na nagkaroon ng gulo.
Midterms na noong bumalik siya sa university. Parati na rin siyang may kasama ngayon, parang bantay narin baka kasi tumakas nanaman. Atsaka tinitignan parin ang kalagayan niya, any symptoms para sa naging head injury. As of now, nakikita ko naman na nagiging ok na.
Ako ngayon ang bantay niya habang inaantay si Kurt matapos sa practice. Hindi pa kasi siya pwedeng bumalik sa basketball team, syempre pahibga muna. Most likely next year na siya makabalik.
Nasa library kami ngayon, nagrereview ako para aa quiz ko mamaya sa ibang minor subject ng may tumamang papel sa ulo ko. Tsk.
"Problema mo?" Tanong ko kay Andy pero hindi ko siya tinignan. Can't he see? I'm busy here.
"Water."
"Meron riyan sa bag."
"Ubos na."
"Edi bumili ka."
"Hindi pwede."
Nilingon ko siya para lang irapan. "As far as I know, head injury at bali sa balikat ang nangyari sayo. Kaya obviously makakapaglakad ka pa para pumunta sa canteen."
"Alam mo naman na ang layo ng canteen dito. Hindi ako pwede mapagod."
"Hindi mo ba nakikita na may ginagawa ako?!" Nang-iinis nanaman siya.
"Hindi mo ba alam na hindi dapat ako mauhaw. At mas lalong hindi ako pwedeng mapagod."
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagbabasa kaya binato nanaman niya ako ng papel. "Shh. Bawal magkalat dito."
"Tubig nga."
Sa kainisan ay inambahan ko siyang hahampasin ng bag at umalis na para bumili. Siyempre hindi ko siya pwede saktan, mamaya may mangyari sa kanya kasalanan ko pa.
Habang bimibili ng tubig ni sinyorito, nakita ko si Kurt kasama si 'The Clown' a.k.a. ang malanding cheerleader ng campus. At ang malanding higad kumapit pa talaga sa braso ng boyfriend ko.
Nararamdaman kong kumukulo ang dugo ko sa nakikita ko. Kaya sa sobrang inis bumili na din ako sa shake iyong extra lamig.
Noong malapit na ako sa table nila, nagkunyari ako na natalisod kaya bumuhos sa muka niya iyong shake pababa sa damit niya. Huh. Dapat lang iyan sayo. Malandi na nga kinakapos pa sa tela.
Nagsisigaw siya doon sa inis pero wala akong pake. Umalis na ako at ang huli kong nakita ay ang pagkagulat sa mukha ni Kurt na napalitan ng tawa.
Hindi ko tuloy alam kung maiinis din ako sa kanya o matutuwa dahil tinawanan lamang niya iyong kasama niya.
Papasok na sana ako sa building ng main library ng biglang may humila sa akin sa gilid. Sisigaw na sana ako pero bigla ko naman nakita si Kurt.
Sinamaan ko lang siya ng tingin at hindi kinausap. Gusto pa ata ako patayin sa takot ng isang ito.
"Ang cute magselos. Feeling mo ata nasa movie tayo." Natatawa niyang sabi.
"Nilalandi ka niya. Gustong gusto mo naman."
"Ofcourse not. Lumalayo nga ako sa kanya. Pero I'm sure hindi mo nakita iyong part na iyon kaya sasabihin ko nalang."
"I don't care."
He kissed my temple tapos hinila na niya ako papunta sa loob building. "Hatid na kita sa library." Then he smiled at me.
Habang naglalakad, nakatingin lang ako sa kamay namin na magkahawak. Ano ba naman iyan, hindi ko manlang magawang magalit ng matagal sa kanya. Konting pacute niya lang sobrang kilig naman na ako.
Ikaw babae ka, ang landi mo ah. Boyfriend mo na sobrang kilig ka parin.
Eh pero kasi naman, nakakakilig talaga siya. Minsan pag magkasama kami bigla nalang siya yayakap tapos kiss sa ulo.
Minsan naman bigla niya ako pipicturan o kaya kukuhanan ng video, while he's saying sweet nothings. Ang cute lang.
Naputol naman ang pagi-imagine ko ng may pumitik sa noo ko. "Andito na tayo. Ang laki naman ng ngiti mo. Ako ba ang iniisip mo?"
I just crinkled my nose and pushed him away. "Alis na, baka inaantay na din ako ng mahal na sinyorito."
"Kiss ko?"
"Shh. Hindi pwede. Ano ba. Alis na." At tuluyan na akong pumunta sa pwesto namin ni Andy.
"Bakit ang tagal mo?!" Pagalit na sabi niya. Kita mo 'to, siya na nga nag-utos siya pa ang galit.
"Pasensya na po mahal na sinyorito, ito na po ang tubig ninyo." Nagbow pa ako para ramdam niya ang pagiging espesyal.
"Ang tagal mo. Paano kung namatay ako sa uhaw."
"Ang arte mo. Paano ka mamamatay sa uhaw, 30 minutes lang akong nawala. Napaka OA mo talaga."
"Basta! Dapat hindi ka ganun katagal nawawala kapag inuutusan kita!"
Argh! Ang sarap bigwasan ng isang ito.
Habang nakayuko siya at nagtetext, ay kunyari naman akong halimaw na parang tinatakot siya at nilalakihan ng mata. Kaya lang bigla siyang nag-angat ng tingin. Kaya sa gulat ko ay inabot ko ang tubig niya at ininuman iyon.
Huli na nang marealize ko na wrong move pala iyon. Nanlalaki ang mga mata ko, at nararamdaman ko din ang pamumula ng muka ko. Stupid Alex!
Ngumisi siya sa nakita niya at tinitigan ako. Gusto ko sana idefend ang sarili ko pero parang nawalan na ako ng boses. Dahil kahit gusto ko magsalita, wala namang tunog na lumalabas mula sa bibig ko.
"Gusto mo pala ng kiss ko, sabihin mo lang ibibigay ko."
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kaya nagmadali nalang ako umalis dahil sa kahihiyan at para lumayo sa kanya.
Bahala na mamaya o kaya bukas, basta makalayo muna ako sa kanya. Parati nalang ako napapahiya kapag kasama ko siya.
BINABASA MO ANG
The Sassy And The Beast
Teen Fiction#KathNiel Some people say I'm maarte. Some says I'm a bitch, but you can't hate me just because I'm like this. Because behind this facade that you see is a better version of me. Sabi nila basagulero daw ako. Matapang. Nakakatakot. Pero hindi mo dapa...