Pendant

526 7 1
                                    


 "Wag!" makaawa ng mama ko "kami nalang kunin mo... utang na loob, wag ang anak ko" tinulak tulak ng mama ko ang lalaking malaki ang katawan at tadtad ng tattoo ang braso.

 "please.... wag nyo syang kunin... kakaeighteen nya lang!" nagmamakaawang pahayag ni papa habang parehas silang naiyak.

 Hinaharangan nila ang loob para hindi makapasok ang dalawang lalaki na parang bouncer.

 "gusto nyo bang mamatay?" malakas na sigaw ng isang lalaki na may malagong na boses, agad akong kinalibutan at natakot dahil sa sinabi nya.

 Habang tago ako sa isang cabinet ng sala namin ay kitang kita ko kung ano ang nangyayari.Sabi ng mama ko ay mag tago ako dito at wag na wag sisilip pero hindi ko maatim na hindi silipin.

Agad tinulak ng dalawang lalaki ang magulang ko na mukhang naiinip na sa paghihintay "nagmamakaawa ako sa inyo, wag muna ngayon!"sigaw ni papa pero hindi natitinag ang dalawa .. agad pumasok sa bahay namin na syang sinundan nila papa.

 Tumaas sila at narinig ko kung paano ako hanapin ng dalawang lalaki sa itaas namin. Gusto kong lumabas, gustong gusto ko pero parang naistatwa ako sa malakas na sigaw ng mama ko kasunod ang sunod sunod na putok ng baril saka narinig ko ang kalampag sa taas.

 Napahawak ako sa bibig ko.

 "Nasan ang anak nyo?"sigaw nung malagong na boses ng lalaki

 "h-hindi ko alam" nanginginig na sabi ng mama ko.... akala ko patay na sila! kinabahan ako.

 "babalik kami bukas ... pag hindi nyo pinakita ang anak nyo ay kamatayan na kasunod nyong dalawa" rinig ko kung pano bumaba ang dalawang lalaki, parang masisira ang hagdan namin sa bigat nila... tahimik ako nagmasid sa paligid ... lumabas na ng tuluyan ang dalawang lalaki kasabay ang pagbagsak ng pinto.

 Ilang sandali ay dali dali akong umakyat at nakita ko sila mama na nakaupo "okay lang kayo mama... papa" tinitigan ko sila, nanghihina silang napatingin sakin. Tumingin ako sa paligid... nakita ko ang mga butas ng pader ..eto yung binaril nila, nakahinga ako ng maluwag ng wala sa kanila nasaktan.

 "anak, kumuha ka ng gamit mo... yung kailangan lang! ngayon din ay aalis na tayo" tumitig lang ako sa kanila, nagaalala ako.... wala akong alam sa nangyayare ngayon.

 "anak bilis!" sigaw ni mama kaya agad akong tumakbo sa kwarto at naghalikwat ng gamit na pwede kong kunin.

Ilang damit lang dinala ko, paglabas ko ay dali dali sila mama bumaba "tara na " mabilis akong sumunod sa kanila..

 Inilagay nila sa sasakyan ang ilang gamit namin at dali dali kaming umalis sa lugar na yon.

Habang nasa byahe kami ay gusto kong magtanong pero hindi ko magawa dahil narin sa katahimikan nila...

 "maggie, alam kong gusto mong magtanong" sabi ni papa .tumingin ako sa labas

 "maggie anak, patawarin mo kami ng papa mo" si mama naman ang nagsalita.

 "anak, may butas ang iyong puso, noong nalaman namin yon ay agad akong humingi ng tulong.... wala ng ibang paraan, kasi mas lalong lalaki ang butas noon pag hindi ka inoperahan"simulang kwento ni papa "dahil sa kakulangan namin ng mama mo ng pera ay hindi ka namin mapagamot... kulang ang ipon namin para iheart transplant ka" huminga sya ng malalim saka nagpatuloy "tinulungan kami ng lalaking tinatawag mong tito pogi" mabilis akong napatingin sa kanila... anong?

 "bakit wala akong maalala?" lumingon sakin si mama at hinaplos ang kamay ko.

 "kasi matagal kang tulog... nung una ay inisip ko na hindi naging sucess ang operasyon pero hindi pala dahil nacoma ka lang at matagal ka naming hinintay na magising." ngumiti ng tipid si mama "doon nawala ang ilan mong memory dahil sa matagal mong pagtulog" napakagat ako ng labi.

 Naiiyak akong humarap sa labas ng bintana dahil sa pinagdadaanan namin "bakit gusto nila akong kunin?"

 Pero imbis na sagutin ako ay biglang lumiko ang sasakyan namin para mapasubsub ako sa upuan. "anak, tumakas kana! sinusundan nila tayo" agad akong nagpanic at lumingon sa labas...

 Agad pinaharurot ni papa ang sasakyan... maraming puno ang nadaanan namin.. "anak, makinig ka.... tumalon ka sa gubat pag dinikit namin ito, siguraduhin mong ligtas ka... please" pakiusap ni mama

 "p-pero di ko kaya" umiiyak na sabi ko

 "kaya mo yan maggie... please! para sayo ito" umiling iling ako para sa pagtutol ko sa plano nila

 "maggie anak! gawin mo sinasabi ng mama mo" sigaw ni papa "babalikan ka namin "hinalikan ni mama ang kamay ko at ngumiti

 "ayoko" iyak ko

 "please" binuksan ni mama ang pinto "magready ka na anak" pag bukas ng pinto ay iyak kong tinalon ang gubat... hindi ako makapaniwalang magagawa kong iwan ang magulang ko.

 Gumulong gulong ako sa damuhan at saka nagtago sa puno... kita kong mabilis padin ang takbo ng papa ko at unti unting  nawala sa paningin ko.

 Hingal kong tiningnan ang paligid ko, puro puno at sirang mga halaman ang nakikita ko dito. Lumampas naman ang itim na kotse dahilan para magtago ako ng mabuti.

 Pagkalampas nila ay sinundan ko sila ng tingin na unti unti ding nawawala. Sumunod ako sa direksyon nila... kinakabahan akong tumakbo pero sa gubat ako tumakbo para di nila makita.

Tumakbo lang ako ng tumakbo , wala akong nakikitang bahay... pruo malalaking puno at tuyong dahon lamang...

 Hingal akong huminto at maya maya lang ay nakarinig ako ng umalingawngaw na dalawang putok.

Nabigla ako sa narinig, nangatog ako at natakot sa narinig.. dali dali akong umalis doon at tumakbo. Hindi ko ininda ang sakit ng paa ko, yung pagod ko makita ko lamang ang magulang ko wala akong iindahin.

 Ilang minuto akong tumakbo ng tumakbo sa gubat at hinahabol ang kalsada ay nakita ko ang kotse namin. bukas lahat ang pinto.

 Nagmasid ako sa paligid ko saka ako pumunta sa kotse namin....Pero sa di ko malamang dahilan ay kinutuban na ko lalo na ng makita ko ang dugo sa sahig.

 Dali dali akong nagtungo sa unahan at nakita ko magulang ko. Walang buhay!

 Maraming dugo sa noo nilang dalawa, lupaypay ang katawan at maraming gasgas na halatang kinaladkad.

 Umiyak ako.... hindi ko na mapigilan pa "no" mahina kong bulong tsaka ko niyakap ang katawan ni mama.. umiyak ako sa sobrang sakit na nararamdman ko. Hinawakan ko ang kamay ni papa at hinila hila pa ito,Baka sakaling buhay pa pero nakita ko din kung saan pinutok ang baril.... sa noo nila!

 "sino gumawa nito sa inyo?" iyak ko "bakit?" sinubsub ko ang mukha ko sa duguang mama ko.

 Nalingunan ko ang hawak ni mamang pendant, tatlong ibon din ang nakaukit. Ano bang ibig sabihin nito? bakit kung kailan pinapaliwanag nila sakin ay saka pa sila namatay?

 Isang malaking kamay ang humawak sa braso ko at sa paglingon ko may tinama silang matigas na bagay sa ulo ko... unti unting lumalabo ang paningin ko. Pero kitang kita ko ang braso nung lalaki, may tatlong ibon din na nakaukit. Titingnan ko pa sana ang mukha ng inisa pa nya akong hampas.. kaya unti unti na kong napapikit.

THE TATTOOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon