lawa

278 5 0
                                    


 Lumipas ang isang araw na pangamba ang nararamdaman baka kasi pumunta sila dito at kung anong gawin nila kay awin.... Si awin na tumulong sakin na magtago.

 Pero sa di inaasahang pangyayari ay may kumatok sa pinto. Agad akong napabalikwas ng bangon... nakita ko si awin na tumingin sakin at inilagay ang daliri sa bibig tanda na tumahimik ako.

 Agad akong nagtago sa sulok, sa taas kasi ako pinatulog ni awin.. Dun sa likod ng mga damit nyang nakasampay sa taas.

 Rinig kong bumukas ang pinto. Agad naman akong kinutuban at natakot. Pigil akong huminga.

 "Ano kailangan nyo" si awin ang nagsalita... hindi bakas ang kaba sa salita nya.

 "may nakita kang babae...... nakapalda at long sleeve na white?" tanong ng lalaking mukhang hindi yun yung pumatay sa magulang ko. iba na ang naghahanap sakin.

 "wala..... hindi pa ko nalabas ng bahay ko simula kahapon" ang galing nyang makipagusap.

 Wala na kong narinig kasunod noon.... maya maya ay sinaraduhan ni awin ang pinto dahil rinig ko ang kalampag.

 "wala na sila" bulong nya pero rinig ko.

 Lumabas ako at tiningnan ang pintong nakasarado na ulit, nawala ang kaba ko kaya tinignan ko sya "thank you" bulong ko din pero rinig nya.... Parehas kaming ngumiti sa isa't isa... awkward! Parehas din kaming nagiwas ng tingin.

Buong maghapon ay puro kwento lang kami ng buong pangyayari sa buhay namin... lalo akong nagtiwala sa kanya ng itinago nya ko sa mga yun. Humingi din sya ng bigas doon sa malayong kapit bahay nya para samin... may palayan daw kasi mga yun.

 Guminhawa din ang nararamdaman kong kaba sa tuwing nandito sya sa tabi ko, kasi pag umaalis sya ay parang bumabalik ang kaba ko.... sya lang may kayang itago ako ngayon. Hindi ko kasi alam kung ano mangyayari sakin sa kamay ng mga taong nandoon.

 Unti unti ay nagkakaroon ako ng tingin.... alam ko kahit ganito ako ay alam ko na kasali ako sa kanila, yun ang di ko kayang sabihin kay awin dahil sa sinabi nyang lalayuan nya ang may tatlong ibon kasi sabi ng tatay nya ... delikadong tao yun.. pero ako hindi,hindi ko nga alam kung ano ibig sabihin nito e.

 Lumipas ang araw na walang pumunta ulit dito... di din ako nalabas ng bahay ni awin at baka daw may nagmamasid dito.

 Lalo lang ako dumipende kay awin dahilan para mapalapit ang loob ko sa kanya. 

 "wag ka ng lumabas.... kukuha lang ako ng panibagong ulam para satin" tumango ako. Pagkaalis nya ay ito na naman ang kaba ko. lagi akong nasilip sa may butas ng puno.

 Suot ko nga pala ang damit ni awin na malaki. Sya ang naglalaba lagi habang ako ang nagluluto pag nakakakuha sya ng karne ng hayop sa gubat. Minsan prutas ang inuuwi nya.

Pero ng mauhaw ako ay laking dismaya ko ng wala ng tubig sa malaking bote. Kaya nagdesisyon akong kumuha... siguro naman ay wala ng nagmamasid dahil alam kong sawa na sila kakatingin dito.

Sumilip muna ako sa butas saka binuksan ang pinto.... wala naman akong nakita , kahit anino ng ibang tao.

Maingat akong naglakad papuntang likod at dala dala ang bote.

 Habang nasa bukal ako ay nakarinig ako ng kaluskos... paglingon ko ay may tumakip ng bibig ko "wag ka maingay.... nandito sila"boses ni awin yun...pabulong nyang sabi agad kaming nagtago sa malaking halaman "marunong ka bang sumisid?" umiling ako.

"hindi ko kaya" bulong ko.

"pwes kayanin mo kasi papunta na sila sa dereksyon natin" dahan dahan kaming bumaba.

 Napasinghap ako ng maramdaman ko ang tubig sa paa ko, alinlangan ako. "sshhhhiiii.... may butas dito sa inaapakan natin.. kailangan lang nating sumisid pailalim" ngiwi akong tumango kasi di naman ako marunong lumangoy.

 Pag lubog namin ay wala syang sinabi sakin... agad nya kong hinila pailalim, five seconds ay nakarating kami sa tinutukoy nyang butas. Agad akong huminga ng malalim dahil di ako ready sa paglubog namin. Dito kami huminga para makatagal kaming magtago kaso lang ay hanggang tenga namin ang tubig, maliit lang ang butas na kasya kaming dalawa.

"ssshiii" agad nyang tinakpan bibig ko gamit ang kamay nya.

Maya maya ay nakarinig ako ng parang may bumagsak sa ilalim ng lawa. Nagkatitigan kami na parang nagtatanong sa isa't isa na ANO YUN?

Halos magdikit na mukha namin ...mukhang di sya naiilang kasi ako naiilang na.

halos isang oras na kami ay may naririnig padin akong bumabagsak kada ilang minuto... parang bato? malaking bato?

Nabigla kaming parehas ng may mas malakas ng batong binagsak sa tubig dahilan para tumaas ang tubig namin dito. Tumingala ako para makasagap padin ng hangin... nahihirapan na ko sa pwesto naming dalawa.

 "okay ka lang?" bulong nya

 tinignan ko sya at ganoon din itsura nya , tumango ako. Shit hanggang kailan sila doon sa taas? bakit ang tagal nilang umalis?

 Nakiramdam kaming maige sa paligid... matagal kaming nagantay ng may ibabagsak ulit kasi yun ang sign namin na nandoon pa sila pero mukhang wala na.

 "Sisilipin ko, dyan ka lang" tumango ako at agad syang lumubog.

 Nagantay ako ng ilang sandali kaso unti unti na kong nawawalan ng hangin. Omaygad! Pumikit ako... seconds lang ay may naramdaman akong kamay na humawak saking braso "okay ka lang maggie?" kaso hindi ako umimik ... ramdam kong nataranta sya...

 Agad nya kong nilubog at lalong nanlaki ang mata ko ng halikan nya ko, minulat ko ang mata ko at kita kong pikit sya... napahinga ako ng sunod sunod... naghihingahan kami sa ilalim ng tubig. Guminhawa ang pakiramdam ko, pagahon namin sa tubig ay malakas akong kumuha ng oxygen.

 Agad nya akong hinawakan sa magkabilang pisngi. "okay ka na?" tumango tango ako para sa kanya.

 Tiningnan namin ang paligid at nawala ang kaba ko ng wala kaming nakitang tao sa paligid.

 "tara na" sabi nya kaya umahon kami ng sabay.

 "salamat sa pagbibigay mo ng hangin" nahihiya kong sabi sa kanya.

 Tumingin lang sya sakin at ngumiti ng tipid... Anong eksena nun?

 Pumunta akong taas para magsuot ng tuyong damit, hinubad ko ang suot kong damit. Nabigla ako ng may bumagsak sa likod ko. Paglingon ko ay ang crossbow at si awin na nakatingin sa likod ko... nakanganga.

 "awin, magpapaliwanag ako" balikwas ko dahil alam ko kung ano nakita nya.

 Umatras sya "hi-hindi" naguguluhan nyang sinabi "da-pat kitang layuan" pagkasabi nya noon ay napatayo ako.

 "hindi awin" kabado kong sabi "magpapaliwanag ako."

pero umiling lang sya.

THE TATTOOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon